Kris Bernal admits Aljur Abrenica is courting her...again

"Si Aljur naman kasi, nagpaparamdam talaga 'yan, sweet talaga 'yan. Masasabi kong hindi kami, pero nanliligaw talaga siya. Kaya lang, sobrang pinu-push na niya akong talaga na sobrang sagutin ko na siya. Kaya lang, ako kasi yung natatakot ma-in-love sa kanya. Ang daming nagkakagusto sa kanya. Parang feeling ko, ang dami kong magiging kaagaw!" says Kris Bernal about Aljur Abrenica.


Sabay na nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa presscon ng pinagbibidahan nilang Sine Novela na Dapat Ka Bang Mahalin? kahapon, February 26, sa Annabel's restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Pareho nilang inamin na overwhelmed sila sa pagkakataong ipinagkatiwala sa kanila ng GMA-7. Ang Dapat Ka Bang Mahalin? ang first lead role ng StarStruck 4 winners.

Sa ipinakitang trailer ng Sine Novela ay kasama ang kissing scenes at bed scene nina Aljur at Kris, na gumaganap bilang young married couple. Pero tila nagiging iyakin yata si Kris lately dahil bago raw gawin ang kissing scene at bed scene nila ay napaiyak muna ang dalaga.

KRIS: Kumusta naman ang mga luha ko? Sobrang kaba! Pero kailangang dumaan sa ganoon, e, para naman mag-mature kami at para naman may abangan ang mga tao na bago.

ALJUR: Knowing Kris kasi, kilala ko siya na 'Maria Clara' 'to. Kilala ko siya kung bakit siya umiyak bago gawin ang eksena. Kasi, naiilang siya. Pero nagpapasalamat ako sa kanya dahil pinagkatiwalaan niya Ako.

Pinag-usapan at pinaghandaan ba nilang dalawa yung kissing scene na yun?

ALJUR: Pinag-usapan namin. Sinabi ko sa kanya na, "Hindi kita pababayaan. Let's do this para sa show at para sa mga manonood." Isipin niya yung mga manonood, para sa kanila 'to. Nagawa niya.

KRIS: Sa lahat naman ng mga eksena namin, nagtutulungan kami. Like yung kissing scene nga, talagang ginuide niya ako na, 'Sige, hanggang dito lang, ganyan lang ang gagawin ko sa 'yo. So, yun, nag-work naman.

Kumusta naman ang mga eksena ni Aljur with Ara Mina, na gumaganap bilang other woman ni Aljur?

KRIS: Alam mo, palagi siyang napapangiti kapag kaeksena niya si Ara Mina! Ha-ha-ha!"

ALJUR: Hindi...hindi naman

May ibig kayang sabihin yung ngiti na yun?

KRIS: Nakikiliti lang siguro siya. Ha-ha-ha!

ALJUR: Hindi, excited ako siyempreng makaeksena yung iba, like si Ms. Ara Mina. Masasabi ko ng isang beteranang aktres 'yan, e. Malaking aktres na 'yan at marami akong mapupulot sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinaghahandaan pa ba ni Aljur ang love scene nila o hindi na kailangang paghandaan?

ALJUR: Pinaghahandaan kasi, pero sabi ni Ms. Ara, mas nakakagaan ng loob kasi iga-guide niya raw ako.

KRIS: (To Aljur) Saan ka mas excited, sa love scene natin or sa love scene n'yo?

ALJUR: Ha? Excited na akong ipalabas yung Dapat Ka Bang Mahalin? sa Monday para mapanood. Ha-ha-ha!

Marami na ang nagsasawa sa linya ng mga artistang obvious naman na sila, pero ang madalas na dialogue pa rin ay: "What you see is what you get." So, ano na nga ba talaga ang totoong namamagitan sa kanila?

KRIS: Ikaw (Aljur) na lang ang magsabi...

ALJUR: Ako na lang palagi ang nagsasabi, hindi naman sila naniniwala sa akin. Ha-ha-ha!

Matagal bago sumagot ang dalawa, lalo na Aljur na tikom talaga ang bibig. Kailan ba naging sila na?

KRIS: Actually, hindi na namin alam. Parang we act na kami. Parang kami talaga. Even yung mga tao, nabibigyan ng malisya na, 'Ano ba, kayo ba talaga or what?' Ano ba, tayo ba?

ALJUR: Tinanong ng mga tao sa paligid. Ang sa amin, nag-e-enjoy kasi kami. Natural lang sa amin na ganito. Palagi akong sweet, kasi sweet siyang tao, e. Parang yun..."

Sa mga hiwalay nilang interview, pareho nilang sinasabi na tanungin na lang ang isa't isa sa real score nila. Ngayong magkaharap na sila, ano ba talaga?

ALJUR: Kasi, wala naman talaga kaming masasabi. Natural lang na ganito kami, pero hindi pa kami."

So, itinatanggi niyang sila na nga ni Kris?

ALJUR: Pero espesyal talaga sa akin si Kris. Nag-e-enjoy kami na ganito. Yun na lang muna, nag-e-enjoy kami na ganito."

Tanggap ba ni Kris ang sagot ni Aljur na hindi pa raw sila?

KRIS: Ha-ha-ha! Kasi siya...sabihin ko na, ha? Si Aljur naman kasi, nagpaparamdam talaga 'yan, sweet talaga 'yan. Masasabi kong hindi kami, pero nanliligaw talaga siya. Kaya lang, sobrang pinu-push na niya akong talaga na sobrang sagutin ko na siya. Kaya lang, ako kasi yung natatakot ma-in-love sa kanya. Ang daming nagkakagusto sa kanya. Parang feeling ko, ang dami kong magiging kaagaw! Ha-ha-ha!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, may doubt pala si Kris kay Aljur?

ALJUR: Hindi naman.

Sincere ba siya sa panliligaw kay Kris?

ALJUR: Nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko. Yun lang ang masasagot ko talaga. Saka na lang po.

Bakit parang hindi siya open at parang siya pa ang may hesitation sa kung anuman ang meron sila ni Kris?

ALJUR: Kasi, gusto ko munang itago sa amin muna.

Panay ang tingin at hawak ni Aljur kay Kris na tila nagbibigay warning sa dalaga na huwag na lang itong masyadong magsalita.

Si Kris lang ba ang nililigawan niya?

ALJUR: Wala akong ibang nililigawan. Siya na ang may sabi. Yun lang yun.

So, nililigawan nga niya si Kris?

ALJUR: Siya na ang may sabi...

Gaano na katagal nililigawan ni Aljur si Kris kung kaya't kinukulit na ng binata na sagutin siya ng dalaga?

KRIS: Matagal na...

ALJUR: Pero every step naman kasi, oo, kinukulit ko... Pero, every step naman na gagawin, palagi ko siyang ina-advise na, 'Oops, bago mo ako sagutin, pag-isipan mo muna. Like, love team tayo, paano kung magkatampuhan or sa trabaho?' Palagi naming pina-prioritize, parang come first talaga yung trabaho. Saka na yung love.

KRIS: Kung anuman ang meron kami ngayon, parang sine-set aside na muna namin. Alam namin ang priorities din namin.

Inamin ni Aljur na binabakuran niya si Kris at wala nang ibang puwedeng manligaw sa kapareha.

KRIS: Ganoon din ako sa kanya, binabakuran ko siya. Ha-ha-ha!

So, sila na ba talaga?

ALJUR: Kailangan namin ng time. Time will tell. 2010, ganoon...2011.

Tatakbo ba siya sa election at sa 2010 pa?

ALJUR: Ha-ha-ha! Masyado n'yo na kaming iniipit!

Bakit noong huling press conference para sa Luna Mystika ay parang hindi sila okey at hindi sila nag-uusap noon?

ALJUR: Sa amin po ni Kris, may mga tampuhan po talagang nangyayari. Normal po yun, Siyempre, bilang magkasama talaga, hindi maiwasan yung magkatampuhan, magkaiwasan. Siguro yung time na yun, nandoon kami sa stage na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi totoong may iba siyang girlfriend noon?

ALJUR: Wala talaga. Siguro selosan lang, tampuhan.

Selosa ba si Kris?

ALJUR: Sobra!

Pero kaya ba niyang i-handle ang pagiging selosa ni Kris?

ALJUR: Mas lalo ko siyang nagugustuhan. Mas lalo ko siyang minamahal kapag ganoon.

Seloso ba si Aljur?

KRIS: Oo! At saka ipinaparamdam talaga niyang nagseselos siya. Hindi niya ako pinapansin kapag may ibang guys, ganyan. Ganoon siyang magselos. Pero afterwards, pinag-uusapan namin. 'O, bakit mo ako hindi pinapansin?'

ALJUR: Pero number one talaga, trabaho talaga. Hindi talaga yun mawawala, e.

Ano ba ang nagustuhan nila sa isa't isa?

ALJUR: Ako, ang gusto ko kay Kris, palagi siyang nandoon. 'Eto, seryoso ako ha... Palagi siyang nandoon para sa akin. Sa mga events, siya na mismo ang nagsasabi kung ano ang gusto niya. At ang gusto ko kay Kris, hindi naman siya tsismosa, pero gusto ko sa babae kasi yung madaldal, makuwento, gaya ni Kris. And napaka-sweet niya. Hindi siya mahirap paligayahin. Yun ang gusto ko sa babae. Yun ang gusto ko sa kanya.

KRIS: Pinaka-gusto ko sa kanya? Kay Aljur, siguro kung may babaeng mai-in-love sa kanya, siguro ang pinakamagandang katangian niya yung pagiging maalaga niya. Ako, hindi ko nararamdaman sa lalaki ang pagka-gentleman, hindi naman sa lahat ng lalaki, gentleman. Pero sa kanya ko lang nararamdaman sa lahat na tipong pag-step ko pa lang, tipong inaalalayan niya ako sa lahat ng bagay, di ba? Alam n'yo yun?

Hindi kaya nagpapakita lang sila ng sweetness ngayon dahil nilu-launch na sila bilang love team at mga bida ng isang serye?

KRIS: Hindi, hindi po, matagal na kaming ganito. Hindi lang kami pinapansin! Ha-ha-ha!

ALJUR: Wala po. kasi kahit sa Dyesebel po ganito na naman po.

How does it feel na bida na sila?

ALJUR: Siyempre ano, excited! Masarap, masaya, medyo natatakot. Pero kahit na anong takot na nararamdaman namin, nilalabanan namin. Mas higit yung excited na kami kung ano ang mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KRIS: Sobrang pressured talaga. Simula nang malaman ko 'to, simula nang makuha ko ang script, hindi na talaga ako makatulog sa kakaaral sa mga eksena na halos feeling ko, napa-praning na ako. Hindi na ako nagte-text. Alam mo yung ganoon ako ka-pressured, ganoon ako kinakabahan talaga. Pero yun nga, since nagtutulungan naman kami, nakakatulong talaga yung relationship namin ngayon."

Sa March 2 na magsisimulang mapanood ang Dapat Ka Bang Mahalin? sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN