KC Concepcion asks people to stop comparing her with Megastar mom

"Ang hirap lang minsan parang palagi kaming kinu-compare. Mommy ko siya at ang laki ng respeto ko sa mommy ko. Sana huwag na lang kaming i-compare, di ba? I mean, 30 years na rin po ang experience niya. Ako, ilang taon ko pa lang at marami pa rin po akong pagdadanan," says KC Concepcion about being compared to her mom, Megastar Sharon Cuneta.


Naging matagumpay sa takilya ang When I Met U, ang ikalawang pelikula nina KC Concepcion at Richard Gutierrez na bahagi ng ex-deal na pinaghirapang mabuo ng dalawang artista ng magkalabang networks. Ang una nilang pagsasama ay sa For The First Time ng Star Cinema.

Sa thanksgiving party na ibinigay ng GMA Films at Regal Entertainment kagabi, February 26, ibinalita na malapit na raw umabot sa P100 million ang kinikita ng When I Met U. Kaya naman masayang-masaya ang lahat ng bumubuo ng pelikula.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si KC kung dahil sa tagumpay ng dalawang pelikula nila ni Richard ay may posibilidad na masundan ulit ang pagsasama nila.

"Well, for us, everything happens at the right time," sagot ng young actress-singer. "I mean, kung mangyayari ulit na may project kami, sana mangyari sooner than later. Because it's really fun to work with the team. I mean, parang yung team-up namin, sobra kaming ano lang, nag-e-enjoy, dedicated sa trabahong ibinibigay sa amin, and being together makes it more fun. Kasi, mas maganda kapag yung partner mo, sobra mong kasundo. At hindi lahat work-related ang pinag-uusapan."

Posible ba na magkaroon ulit ng ex-deal sa pagitan ng kanilang mother networks—ABS-CBN para kay KC at GMA-7 para kay Richard?

"We don't know, we don't know. Of course, we always hope so na may ganoong mangyari ulit na ex-deal. We're hoping at mahabang proseso na naman po 'yan!" natatawa niyang sabi.

Na-miss ba nila ang isa't isa, lalo't ngayon lang sila nagkita ulit sa victory party ng second movie nila?

"Yeah," ani KC. "Kapag work kasi... Siyempre yung every day kayong nagkikita, of coure, may bonding na nagaganap. I mean, it's something na ako, meron akong separation anxiety talaga. Alam mo yung biglang magkakahiwalay? Pati sila Direk Joel Lamangan, parang they've become my family. So, ako yung nahihirapan na parang, 'Oh no, talaga? Hindi na tayo magkikita?' Biglaan! Parang tuloy-tuloy kasi, back-to-back yung two movies namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But now that I'm doing a teleserye [with Piolo Pascual]... Si Chard sanay na sa teleserye, ako ngayon pa lang. It prepared me na parang huwag masyadong ma-attach din nang sobra-sobra. Para at least, pagdating ng tapos na yung project, you'll still be a friend, pero hindi na yung to the point na parang, 'Paano ko 'to gagawin?'"

Ito ba ang dahilan kung bakit parang may limitasyon sa relationship nila ni Richard dahil, in reality, magkakahiwalay rin sila?

"Yeah, ganoon talaga siguro, I guess," pakli ni KC.

Mas malaki ba ang chance kung nasa isang network lang sila?

"For us po, our priority is our work po talaga," sabi ni KC. "Kung anuman po ang bond na nangyari sa amin ni Chard, we thank our work for that. Kasi, kung hindi rin naman dahil sa project, hindi kami magkikita, hindi kami magkakakilala.

"But of course now, we are changing. Things are changing for the better. We are re-adjusting for working apart for now. At sana, maka-adjust din ang mga fans namin for now na mag-enjoy sa kung ano ang maibibigay namin sa kanila individually. It's something special with two movies that we did. At yung paglalakbay, hindi pa naman tapos yun. Mahaba pa naman ang buhay."

HER MOTHER'S SHADOW. Kahit hindi nakapanood ng premiere night ng When I Met U ang mama ni KC na si Sharon Cuneta, nanood naman daw ang Megastar ng regular screening nito.

"Yes!" bulalas ni KC. "Actually, nag-text nga sila ng dad ko [Sen. Kiko Pangilinan] na nakapanood na sila ng When I Met U. Ang dami niyang comments, lagi siyang may review, kasi ang haba ng text. Pareho sila. Sabi nila, it's lighter, it's nakaka-smile. Parang it reminds her of her old movies, yung movies niya ng 1980s.

"Siyempre, mahal na mahal din niya si Direk Joel Lamangan, so nagte-text yata silang dalawa at sabi niya, 'He's [Direk Joel] my mother. So, he's your grandmother. Kailangan respetuhin mo 'yang si Direk Joel.' It's a family affair. Magandang feeling na nagustuhan ng parents ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bigla naman naging emosyunal si KC nang may magkomento na dahil sa box-office success ng una niyang dalawang pelikula ay nakagawa na siya ng sarili niyang pangalan. This time, hindi na lang siya "the daughter of Megastar Sharon Cuneta" or "the Megadaughter."

Halatang mahalaga ang komento na ito kay KC kaya bigla siyang napaiyak.

"Talaga? It means a lot!" bulalas niya. "Of course, I'm very proud of my mom. But it's hard kasi kapag... It's a blessing, I'm thankful. Ang hirap kasi kapag sobrang successful ng parents mo, and it means a lot na parang nae-enjoy naman ng tao yung ginagawa ko sa generation namin ngayon. Parang hindi naman ako pumasok ng work na ito para makapag-kumpitensiya kahit kanino. Parang sobrang mahal ko lang po talaga."

Kaya ba siya naiyak dahil alam niyang ang bagay na yun ang isa sa dapat niyang patunayan sa pagpasok niya sa showbiz?

"Of course," sagot niya. "Siyempre, may mga expectation yung mga tao na sobrang laki. Sobrang taas ng expectation nila. Kaya talagang imbes na mabaliw na lang ako sa pressure, di ba, parang pina-prioritize ko lang ang work ko talaga.

"Alam kong mas maraming experience ang ibang artistang kaedad ko ngayon na hindi pa kilala ang pagkatao ko talaga. Pero pati sila, may judgment. Pero, it's okay. I mean, sobrang grateful lang na naa-appreciate naman ng tao ang effort ko na gumawa ng mabuting work sa trabahong 'to."

Napakahirap bang mabuhay sa anino ng kanyang ina?

"Mahirap din po, pero mahal ko naman ang mom ko," diin niya. "I'm very proud that she's my mom. Pero ano lang, siyempre nakaka-pressure. Kasi mahal ko lang talaga ang work ko at gusto ko lang din gumawa ng mga pelikula, magagandang istorya.

"Ang hirap lang minsan parang palagi kaming kinu-compare. Mommy ko siya at ang laki ng respeto ko sa mommy ko. Sana huwag na lang kaming i-compare, di ba? I mean, 30 years na rin po ang experience niya. Ako, ilang taon ko pa lang at marami pa rin po akong pagdadanan. Parang may istorya rin po ako. Kung ano ang buhay ko, yun din po ang magiging istorya ko. So, gusto ko rin lang ibahagi sa mga tao yun," pagtatapos ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN