FIRST READ ON PEP: Richard Gutierrez and Jewel Mische secretly "dating" abroad?

"Wala akong nakita na ibang kasama nila Richard [Gutierrez] at Jewel [Mische]. I don't think it's for work," says a FemaleNetwork.com user about her "celebrity sighting" in Hong Kong, which was posted on the "Girl Talk" section of FemaleNetwork.com.


Nagkikita nga ba nang palihim ang dating magkatambal na sina Richard Gutierrez at Jewel Mische?

Ito ang naging katanungan ng ilang mambabasa ng FemaleNetwork.com nang isa sa mga registered users nito ang nag-post sa forum nito noong February 21, sa ilalim ng "celebrity sightings" category, na nakita umano niya si Richard sa Hong Kong. Dagdag niya, nakita rin niya ang aktor kasama ang isang dalaga na tila kahawig ni Jewel, ang dating katambal ni Richard sa fantaserye nitong Kamandag.

Kung susundan pa ang thread, siniguro ng registered user na ito, na may pangalang it's_giselle27, na sina Richard at Jewel talaga ang nakita niya noong February 16 sa Hong Kong.

Dahil dito, sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kumpirmahin ang impormasyong ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa ilang mga tao na may koneksiyon sa dalawang Kapuso actors.

Sa press conference ng MyPLDT DSL noong February 19, isang entertainment reporter ang nagtanong sa endorser nitong si Rhian Ramos kung bakit hindi nakapag-taping ang kasama niya sa Zorro na si Richard noong ikalawang linggo ng Pebrero. Ayon kay Rhian, nagbakasyon daw ang kanyang leading man. "Alam ko nasa States siya ngayon. Kasi hindi pa siya nagpapahinga since last year," sabi ng young actress.

Ayon naman sa isa pang source ng PEP, tinanong niya ang isang taga-Kapuso network kung nasaan si Richard noong panahon 'yon. Ang tugon ng kanyang pinagtanungan ay ito: "Nagbakasyon, mag-isa lang. I don't know where."

Ganito rin ang napag-alaman ng PEP sa isa pang source. Ang kaibahan lang, tiniyak niya na noong week ng February 16 ay nagbakasyon si Richard sa Hong Kong.

Kaugnay nito, isa ring source ng PEP ang nagtanong sa GMA Artist Center kung nasaan si Jewel noong February 16. Ang tugon diumano ng nakausap ng source ay: "Wala, nagbakasyon, kasama si ano..." sabay tawa nito.

STILL ROMANTICALLY INVOLVED? Base sa mga impormasyong nakalap ng PEP, iba't ibang katanungan ang nabuo. Posible kayang nagkita sina Richard at Jewel sa Hong Kong? Totoo kaya ang usap-usapan na sikreto pa ring nagkikita ang dalawa kahit na nag-deny na sila pareho ukol dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaan na noong natapos ang Kamandag, sinabi ni Jewel sa isang panayam sa PEP na nawala na ang komunikasyon niya kay Richard.

Dagdag pa niya, "Hindi naman sa nagkalimutan. It's because nagkaroon ako ng ibang priorities kaya yung communication namin ni Chard ay naputol. It's okay for me kasi I have school and Chard is doing his job as an actor both on TV and film. Hindi naman ako yung tipo na mangungulit because I know na busy yung tao. Ako rin naman, ayoko rin na kinukulit ako."

Nilinaw rin ng StarStruck 4 Ultimate Sweetheart na walang namuong relasyon sa pagitan nila ni Richard. "For the record, hindi naging kami ni Chard," sabi ni Jewel. (Click here to read related article.)

Nawala nga ang issue tungkol sa pagiging sweet ng dalawa matapos ang Kamandag ngunit panandalian lamang ito. Noong October 2008, ibinalita ng PEP na muling nadikit ang pangalan ni Jewel kay Richard noong muntik nang magkaroon ng away sa pagitan ng huli at ang kasabayan ni Jewel sa StarStruck 4 na si Aljur Abrenica sa isang bar sa Makati City. (Click here to read related article.)

Noong panahong 'yon, bagamat hindi umamin ang dalawa, malakas ang naging usap-usapan na madalas pa ring nagkikita ang dalawa kahit tapos na ang TV project nila.

May nakapagsabi rin sa PEP na kung personal na tinatanong ang dalagang aktres, umaamin naman siya na sila pa rin ni Richard kahit pinabulaanan na niya ito sa harap ng ilang media.

Sa ngayon, sa bagong impormasyon na nakuha ng PEP, maaari kayang itinatago lang ng dalawa ang anumang relasyong na mayroon sa kanilang dalawa?

RICHARD DENIES. Bago pa man mailathala ang istorya na ito ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na tanungin si Richard tungkol sa balitang nakita sila ni Jewel sa Hong Kong. Nakausap ng PEP si Richard kagabi, February 26, sa thanksgiving party ng When I Met U sa Gazebo Royale, Visayas Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang kapanayamin ng PEP senior editor na si Jocelyn Dimaculangan si Richard, tanging nasabi nito ay: "No comment ako diyan."

Paliwanag ni Richard, hindi siya ang pumunta sa Hong Kong kundi ang kakambal niyang si Raymond Gutierrez. "Actually, narinig ko yung balitang 'yan. Natawa ako dahil si Raymond ang nag-Hong Kong, hindi ako. Nakakatawa, kasi baka si Raymond yung nakita nila. Ganun talaga, e, hindi naman natin maiiwasan yun," saad ng aktor.

Pero inamin ni Richard na bukas pa rin ang komunikasyon niya sa dating niyang leading lady sa Kamandag.

Ayon kay Richard, "Lahat naman, actually, lahat naman ng naging leading ladies ko, open yung communications ko, all of them. So, walang problema dun."

Sa huli, sinabi ni Richard na hindi na niya masyadong iniintindi ang mga balitang katulad nitong muling pagkakaugnay niya kay Jewel.

"Actually, matagal na yung isyu na 'yon, e, pero di ko na pinapalaki. Hindi ko na pinapansin. You know, right now, I'm concentrating on my work. Lahat ng oras ko nasa trabaho and 'yon muna main focus ko ngayon," pahayag ni Richard.

Dagdag niya, "Actually, marami namang nali-link sa akin, e, sanay na ako dun. Ganun talaga, it's part of the job."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN