Annabelle Rama clarifies issues of Heart Evangelista and JC de Vera with GMA-7

Controversial talent manager Annabelle Rama calls an emergency presscon to answer issues concerning her talents, JC de Vera (inset, top) and Heart Evangelista (inset, bottom).


Nagpatawag ng emergency presscon si Annabelle Rama sa Dulcinea restaurant kagabi, February 27, para linawin at sagutin ang lahat ng mga isyu na kinasasangkutan niya at ng kanyang mga alagang sina Heart Evangelista at JC de Vera.

Sa umpisa ng presscon, sinabi kaagad ni Annabelle na wala sana siyang plano na magsalita dahil namamaga pa ang kanyang dental implant. Pero sinunod niya raw ang payo ng kanyang asawa na si Eddie Gutierrez at ang kanyang mga anak.

"Kaninang umaga, sa dinami-dami ng mga lumabas sa diyaryo, na ayokong sagutin isa-isa dahil ang daming tumatawag sa akin, lahat nagte-text sa akin, sabi sa akin ng asawa ko at saka ni Ruffa, 'Once and for all, magpa-presscon ka na para masagot lahat-lahat 'yan.' Ngayon, marami lang ako ika-clarify," sabi ni Annabelle.

ON HEART EVANGELISTA. Kuwento ni Annabelle, " Nag-meeting kami para sa project ni Heart. Sabi ko kay Lilybeth [Rasonable, AVP for TV Drama], masyadong matured para kay Heart yung Muling Buksan Ang Puso. Kasi nasa Luna Mystika siya ngayon, nagre-rate naman ang Luna Mystika at pang-wholesome.

"Ang sabi ko, kung puwede, ibang project na lang. Sabi ni Lilybeth, 'O sige, sabihin ko na lang kay Ma'am Wilma Galvante [SVP for Entertainment TV ng GMA-7].

"After three days, sulat agad, galing sa lawyer. Tama ba 'yon? Tumanggi ka lang, may sulat agad sa lawyer? Damages daw, 15 million damages! Ang daming sinasabi na.

"Ngayon, nag-meeting sila ni Atty. [Felipe] Gozon [President, CEO, and Chairman ng GMA-7], ang sabi sa akin ng father ni Heart [Mr. Reynaldo Ongpauco], bibigyan ng panibagong project. Baka yung Ngayon at Kailanman. Puwede naman pala na magbigay ng project, bakit idinaan pa sa lawyer? Dumaan pa sa lahat ng klase ng gulo? Nag-away pa kami, di ba? Puwede naman pala papalitan.

"Sabi nga sa PEP [Philippine Entertainment Portal]... Hindi ako nagbabasa sa PEP, hindi ako marunong. Pero sabi ni Ruffa, nakalagay raw sa PEP na, 'kawawa raw si Bisaya, na-bypass ng parents ni Heart. Bakit hindi na lang siya mag-resign as manager, kawawa naman siya.' Parang inuudyukan ako. Sabi ko, walang fans na gumagawa ng ganoon. Kay Wilma din 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinapalabas kasi sa mga email niya sa publications, ang father ni Heart, saka mother ni Heart, tumawag kay Gozon para makipag-appointment. Sabi ko, ngayon, Holy Week, dapat huwag ka magsinungaling. Ang tumawag kay Rey at saka kay Cecille [Ongpauco, Heart's mother], ang secretary ni Gozon.

"Kasi ako, sinabihan ko si Annette [Gozon-Abrogar, GMA Films president], 'Igawa mo nga ng paraan na makipag-appointment ang tatay ni Heart sa daddy mo.' Gusto kasi niya na kausapin si Gozon dahil gumulo na nga ang isyu. Puro lawyer na. Lawyer nila, sumulat. Lawyer ko, sumagot. Parang naguluhan ang tatay ni Heart.

"Bakit napunta na kami sa lawyer, e, tumanggi lang naman sa project na ayaw gawin? Tapos, after three days, may sulat na galing sa GMA lawyer na damages daw. Bakit daw hindi tinanggap. Babayaran daw ni Heart. Naguluhan yung tatay [ni Heart] kaya gumawa ng appointment si Annette para sa father.

"Ang sabi ko sa father, 'Kayo ang humarap. I'm sure, nandiyan si Wilma, ayoko siyang harapin.' Hindi totoo yung na-bypass ako ng parents. Lahat ng mga pinag-usapan nila doon sa meeting, alam ko. Pinapalabas nila kasi na, 'Kawawa naman si Bisaya, binaypass ng tatay.' Alam ko lahat ang meeting na 'yon."

ON JC DE VERA. "Last two weeks ago, may offer ang Obra. Nag-meeting sa Obra, in-offer kay JC [ang role]. Wala ako doon. Ka-meeting ko ang lawyer ko sa UCC para naman sa kaso ni Heart.

"Tinawagan ko si JC, 'JC, kumusta ang storycon ninyo?'

"Ang sabi niya, 'Hindi ako happy sa role ko.'

"'Bakit?'

"'Akala ko ako ang bida, si Marvin Agustin pala.'

"'E, kung hindi ka happy, huwag nang tanggapin 'yan.'

"Ako kasi, ang mga alaga ko, parang mga anak ko na rin 'yan. Mahal na mahal ko ang mga alaga ko. Siyempre, pinaghirapan ni JC na umakyat. Nandiyan na siya sa itaas, ibababa pa uli, ayoko. Parang na-demote ang role niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unang-una, nag-Obra na siya for one month. Nag-rate naman ang Obra niya na siya ang bida. Tapos nag-Lalola na siya, nag-rate, nag-number one. Tapos, bibigyan ka ng Obra na iba ang bida, parang teka muna!

"Nang tinawagan ko si Otep [Joseph Boncalan, executive producer ng Obra], sabi ko, tatanggalin ko muna si JC. Pinapalabas ngayon ni Wilma na tinanggihan daw namin ang project dahil kay Marvin Agustin.

"Hindi naman. Wala akong against kay Marvin Agustin. Mabait na bata 'yan. Pero ang nangyari kasi, nagkataon na yung mga project na ibinibigay kay Marvin, hindi bagay sa kanya ang role, tulad ng Zorro. Pilit na inilalagay si Marvin na kontrabida ni Richard. Ang Zorro, ang sabi sa akin, dapat daw puro mga tisoy. E, hindi naman siya [Marvin] tisoy, di ba? At saka hindi naman siya dapat siguro maging kontrabida ni Richard.

"Ang sabi ko lang, hindi sila bagay. Hindi naman sa tumatanggi ako na ayaw ko sa kanya. Kailangan kasi, kung mga project ng talent ko at anak ko, kailangan bagay yung karakter na ilalagay. Hindi ako nagsasabi na ayoko kay Marvin Agustin. Ayoko doon sa role ni JC.

"Tapos, the other day, may natanggap kami na sulat mula sa lawyer ng GMA. Siguro, si Wilma lang 'yon dahil wala naman cc: sina Gozon at [Jimmy] Duavit. Nakalagay doon na si JC, parang idedemanda yata dahil tumanggi sa project na makakasama si Marvin Agustin.

"Tinanong ko naman ang aking mga kaibigan na fiscal at justice tungkol sa kaso ni Heart at JC, na puwede pala mademanda kapag tumanggi? Ang sabi nila, walang puwedeng magdemanda at ang isang tao, may karapatan na tumanggi kung ayaw niya na gawin. Sabi kasi, contract star sila ng network. Kailangan daw, lahat ng ibibigay, tatanggapin dapat.

"Hindi puwede! Hindi ko tatanggapin! Magdemandahan man, hindi ko tatanggapin kung hindi maganda [para] sa alaga ko! Inalagaan ko si JC for six years, Six years na si JC sa GMA, ngayon lang siya gumanoon [sumikat]. Tapos, ibabalik ko sa ibaba uli, hindi puwede!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kagabi [Feb. 26] nga, nagkausap kami ni Annette. Mag-meeting daw kami next week, sa daddy niya about JC. Sinabi ko kay Annette na kung si Wilma ang mamamahala sa mga casting-casting, ipu-pullout ko na talaga ang mga alaga ko. Pati si Richard, ipu-pullout ko!

"Magmi-meeting kami ni Atty. Gozon dahil may bagong sulat na naman na galing sa lawyer ng GMA na wala na naman kopya yung Gozon at Duavit. Siguro, gawa-gawa na naman ni Wilma! Baka kakutsaba niya ang lawyer ng GMA!

"Tumanggi lang ako sa Obra, pinapalabas na tinanggihan ko si Marvin Agustin, idedemanda naman daw si JC. Tama ba 'yon, Alfie [Lorenzo]? Tinanggihan daw ni JC si Marvin Agustin? Hindi naman si Marvin Agustin ang reason, e. Tinanggihan... Heto ha? Iklaro natin, tinanggihan ko yung Obra dahil hindi ko gusto ang role ni JC de Vera.

"At saka nabanggit ko 'yon, kasi si Marvin, yung ano kasi, Babangon... ano yun... Dudurugin, Marvin Agustin... Tapos itong Lalola, Marvin Agustin... Obra, Marvin Agustin. Sabi ko, hindi ko pinangarap na mag-love team silang dalawa [ni JC]! Yun lang talaga. Wala akong against kay Marvin. Mabait na bata siya. Ayoko lang talaga na parang love team sila. Mahal siya ni Wilma, okey lang. Lahat ng shows, Monday to Sunday, kasali siya. Suwerte talaga siya... Napakasuwerte.

"Si JC, araw-araw ko siya kausap. Sabi ko sa kanya, huwag siya mag-worry."


ABS-CBN OFFER TO JC. "Napakaganda! Mahirap tanggihan, kaya sabi ko kay Annette kagabi, 'Day, kailangan maganda rin ang offer ninyo kay JC kasi, unang-una, ang pangarap ni JC, makatambal niya si Juday.

"Pero ang sabi naman ni Wilma sa ibang press, sa 2010 pa ang expiration ng kontrata ni JC. Automatic daw na may option to renew ang GMA. Totoo 'yon. Sabi ng lawyer ko, may option to renew, pero meron palang lapse 'yan na three months. Nagpadala na sila sa amin ng sulat na ire-renew si JC. Kapag hindi ka pala pumirma sa receive copy, balewala pala 'yon. Kailangan, kapag pumirma ka ng receive, automatic pala 'yon, renew ka na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis ang sagot ni Annabelle nang sabihin ni Joe Barrameda, entertainment columnist ng Abante Tonite, na pinirmahan ni JC ang received copy ng GMA-7.

"Hindi siya pumirma, Dong! Ewan ko, baka finake siya! Hindi ako pumirma. E, ako ang manager, paano? Si JC, may contract sa akin. Kare-renew lang niya, five years," sagot ni Annabelle.

Sumingit sa puntong ito si Alfie Lorenzo, ang manager ni Judy Ann Santos na imbitado rin sa presscon.

Aniya, "Ang usapan namin ni Annabelle, hihiramin muna siya [JC] habang walang ginagawa, tapos ibabalik din [sa GMA-7]. Pagbalik niya, bigger star na siya! "

Sabi naman ni Annabelle, "Yun ang pangarap ni JC, na makasama si Juday. Yung offer sa akin ng ABS, actually, hindi sila ang nag-offer sa akin. Hindi ang ABS. May nagsabi lang sa akin, pero hindi pa ako nakikipag-usap sa kanila dahil hindi pa nga tapos ang kontrata ni JC. Sa March 14 pa kaya wala pa akong ikino-commit, maski kanino."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN