Ara Mina admits P1.8 million debt to sister Cristine Reyes

"One time, siningil niya 'ko kung may pera na 'ko. Sabi ko naman, may binebenta 'kong property kasi yung mga pera ko rito, naka-allot na sa mga loans ko, so, kesa naman masira ako sa bangko. Nandiyan lang naman siya, hindi ko naman siya tatakbuhan. Kapatid ko naman siya. So, thank you sa kanya...she's being patient," says Ara Mina about her debt to younger sister Cristine Reyes.


Other woman ang role ni Ara Mina sa pinakabagong Sine Novela ng GMA-7, ang Dapat Ka Bang Mahalin? na mapapanood na sa Lunes, March 2. Ang character na ginampanan ng aktres na si Chanda Romero ang ipo-portray ni Ara at magiging third party nga sa relasyon nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Natatawa na lang si Ara na nalilinya nga raw siya sa mga ganitong klase ng character.

"Hindi ko nga alam kung bakit sa mga ganitong role ako napupunta! Hindi ko alam! Dahil siguro sa mga tsismis! Ha-ha-ha! And thanks to God, nagkaka-work ako!" biro pa ni Ara.

Hindi naman siya other woman in real life, 'di ba?

"I'm not the other woman. Gusto ko, I'm the only one!" natatawa rin niyang sabi.

NON-SHOWBIZ BF. When it comes to being the only one, balitang masaya raw ang lovelife niya ngayon and she has a non-showbiz boyfriend.

"As much as possible, gusto kong magkaroon ng privacy ang lovelife ko. Yeah, sinasabi ko na I have a non-showbiz boyfriend but ayokong sabihin ang name."

Pero diniretso na nga ng PEP si Ara na a certain Raymond Yap, apo ng may-ari ng broadsheet na Manila Bulletin, ang balitang espesyal sa puso niya ngayon.

"Hindi ko iko-confirm kung yun nga ang pangalan. Basta ano siya, tao siya! Ha-ha-ha!"

Pero happy ka sa kanya?

"Happy ako. Sobrang happy ako sa kanya."

This year lang daw nagsimula ang relationship nila. Pero iba raw ito this time kaya hangga't maari, she really wants to keep it private.

"Kasi I want to save this. Parang gusto ko siya na yung magse-settle down ako, siya na ang gusto ko. Kasi, sobrang compatible kami sa isa't isa. And sobrang...I don't know...di ba, yung sinasabi ko sa inyo, yung hinahanap kong 'magic'? Nakita ko sa kanya."

Last year, September raw sila nagkakilala on a blind date through a friend. Since then, palagi na raw itong nagyayayang lumabas, kumain at mag-dinner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung ligaw niya, alam mo na hindi bola. Parang binabarkada ka niya na let's go out, if you're free. If you're not free, it's okay."

Kuwento pa ni Ara, yun daw common friend nila na dapat ay magpapa-meet sa kanila ang hindi nakarating. Pero na-describe daw ang guy sa kanya na matangkad ito at 6'1".

Nagustuhan niya ba agad ang boyfriend sa first meeting pa lang nila?

"Kami ang nagsara ng restaurant! Ha-ha-ha! Hindi ako nailang sa kanya, pero, hindi rin naman ako na-love at first sight. Habang lumalabas kami, dun ako na-develop."

Sa palagay ba ni Ara, he's the 'one'?

"I hope...sana... Alam mo, parang sa qualities, hindi na ko naa-attract sa mga sobrang guwapo. Iba na ang type ko ngayon. Dyusko, sakit sa ulo ang guwapo. Alam n'yo kapag nakita n'yo siya, guwapo siya sa akin, cute siya sa akin at sobrang ganda yung pagpapalaki ng magulang niya sa kanya."

Na-meet na niya ang family?

"Na-meet ko na ang family niya at napaka-nice ng parents niya. I'm so lucky to have him in my life. Huwag na nating pag-usapan yung business niya, pero, may disiplina siya. May goal siya sa buhay niya at yun ang gusto ko sa lalaki. I think, magiging responsible husband siya."

Pero wala pa rin naman daw sa plano ni Ara ang pagse-settle down soon.

"Not yet, not yet...siguro three to four years from now. Kapag ano na 'ko, physically, mentally, emotionally and financially settled. Lahat-lahat na."

ON ENTERING POLITICS. Nang tanungin naman tungkol sa pulitika ay hindi pa raw niya masasagot. Pinag-iisipan pa raw niya ang pagtakbo sa darating na eleksyon lalo pa nga raw at hindi pa ito pinag-uusapan sa pamilya nila.

"Hindi pa namin napag-uusapan ng family. Dapat nga mapag-usapan na yun, e. Pero kung sakali, iko-consider ko, pero, iniisip ko pa rin kung paano ko hahatiin ang oras ko, lalo na kapag may dumarating na project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nanghihinayang ako, mahal ko ang pag-arte, e. Mahal ko ang craft ko. Pinaghirapan ko 'to. Sa awa ng Diyos, nandito pa rin ako sa industriya kahit wala nang mga sexy films. Nandito pa rin tayo, so, yun lang, happy ako. Ang tagal na nating magkakasama, Regal days pa, yung mga nude paintings ko pa, Sagad sa Init days...so, nakakatuwa kasi, nandito pa rin tayo.

"So, yun lang...sana lang, itong Dapat Ka Bang Mahalin mag-rate siya. At happy rin ako dahil yung Totoy Bato, number one siya."

BEING ATE TO CRISTINE. Ayaw namang patulan ni Ara ang komentong kesyo may nagsasabi raw na mas mabait pa rin siya kesa sa kapatid na si Cristine Reyes.

"Ganun? Hindi...siguro lang, nami-misinterpret lang nila si Cristine. Si Cristine kasi, hindi ma-PR. Ako kasi, super-Miss Friendship ako, e. Walang masamang tinapay sa akin.

"Yung kapatid ko kasi, kung ayaw niya, ayaw niya. Ako kasi, mas marunong akong mag-bend. Kung ayaw nitong taong ito, sige, ako ang mag-a-adjust. Ako ang magbibigay. Maybe because ate ako kaya sanay ako sa ganoon."

Dugtong pa niya, "E, siyempre, magkaiba kami ng birthday. Magkaiba kami ng father. Eventually, matututo rin 'yan."

Maiiwan na niya si Cristine sa ABS-CBN?

"Well, she has a contract at ABS-CBN. Sinasabi ko naman sa kanya, kapag may makikita kang senior stars, kailangan batiin mo. Kasi, ano, e, ganoon ako noong nagsisimula ako. Kesehodang supladahan ako ng senior stars, pero, basta binati ko sila."

Close ba sila ni Cristine?

"On and off ang closeness namin. Feeling ko, may ilang factor siya sa akin. Pero feeling ko nga, ako ang pinaka-understanding na ate. Pagdating sa lovelife, everything puwede naming pag-usapan. At feeling ko, mabibigyan ko siya ng advice."

Hindi pa ba nawawala ang ilang sa kanya ni Cristine to think na nakakapag-bonding na nga sila out-of-the country?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo iba ang moods ni Cristine, e. So, hinihintay ko na lang siyang mag-open-up. Kasi, kapag masyado mong pinanghihimasukan ang personal life niya, parang nag-iiba ang mood niya. Minsan ganito lang 'yan, minsan mag-i-invite lang 'yan na, 'O, seven pm manood ng sine. Kung sino ang available, kita tayo sa ganyan.' Ganoon lang. As in kunwari tonight, magte-text siya. Walang aangal basta kung sino lang ang puwede, okey..."

Sanay naman na siya sa ganoong ugali ng kapatid niya?

"Oo, sanay na 'ko, hinahayaan ko na lang din."

Pero happy ba naman siya sa mga nangyayari sa kanila ni Cristine?

"Happy naman ako kasi kapag nga ano...'Uy, si Ano, kapatid ni Eva Fonda. Si Eva Fonda nasaan?' Happy ako..."

Parang nabaligtad na yata. Hindi ba, before, mas kilala si Ara kesa kay Cristine?

"Yeah, hindi naman maiiwasan. May mga nagsusulat nga na laos na raw ako. Ganoon-ganyan. Sa akin, wala yun sa laos, e. Ang talagang ano, pana-panahon 'yan. Ang maganda diyan kung gaano ka tatagal sa industriya. Ibinibigay ko na nga sa kanya ang trono ko, e, di ba?"

DEBT ISSUE. Bakit hindi namamatay ang isyung may utang siya kay Cristine?

"Hindi ko nga alam kung bakit may lumabas na may utang ako, e. Siyempre, sino ba naman ang anong tao na ipagkakalat na may utang ka? Biro mo, bakit ngayon lang lumabas 'yan, e, umutang ako sa kanya, last year pa, noong February, di ba?

"One year na, bakit ngayon lang lumabas. I don't know...bakit may lumabas. Hindi ko rin maintindihan. Baka may napagkuwentuhan siya. O, baka may napagsabihan ako na kilala ko. Either sa aming dalawa."

Did she ask Cristine about it?

"Hindi...tinanong siya ng mom ko kung bakit daw lumabas yung ganyan, wala naman daw siyang sinasabihan."

Sinasabing sa movie nilang Ate, kunsaan, nag-over budget daw sila, 1.8 million daw ang nautang niya sa kapatid at talagang hindi pa naman daw siya nakakabayad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"One time, siningil niya 'ko kung may pera na 'ko. Sabi ko naman, may binebenta kong property kasi yung mga pera ko rito, naka-allot na sa mga loans ko, so, kesa naman masira ako sa bangko. Nandiyan lang naman siya, hindi ko naman siya tatakbuhan. Kapatid ko naman siya. So, thank you sa kanya...she's being patient. E, alam ko, gusto na niyang magkabahay at makakatulong ang 1.8 na yun para mabili or magpapagawa siya sa Marikina."

BACK TO KAPUSO NETWORK. Sa huli, how does she feel na nakabalik na siyang muli as Kapuso?

"Happy! Back to where I belong! Ha-ha-ha!"

Magkaganuman, wala raw siyang pagsisisi na dumating siya sa puntong lumipat pansamantala ng network.

"Walang regrets at all...kasi, in fairness naman inalagaan naman ako ng Prinsesa ng Banyera at Ligaw na Bulaklak. Hindi na nga lang ako nakapagpaalam. Kasi, alam naman nilang automatic, kapag wala na 'kong show, puwede na 'kong gumawa kahit saan."

Will she be a Kapuso for good?

"Sana tuluy-tuloy na. Freelancer pa rin ako pero sana, patuloy pa rin ang pagbibigay sa akin ng GMA. Sobrang na-miss ko rin ang Bubble Gang. So, magge-guest-guest muna raw ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN