Cristine Reyes denies rift with Angelica Panganiban

"Wala po kaming gap ni Angelica. Katunayan, kami nga pong dalawa ang madalas magkulitan sa set, e. At saka masasabi ko pong isa si Angelica sa mga talagang totoong tao sa showbiz na nakilala ko," says Cristine Reyes about the alleged rift with Angelica Panganiban.


Kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaction ni Cristine Reyes kaninang hapon, February 28, hinggil sa mga lumalabas na isyung kinasasangkutan ng kanyang pangalan.



Isa na rito ang diumano'y namumuong gap between her at ang co-star niya sa gag show ng ABS-CBN na Banana Split na si Angelica Panganiban. Naging ugat daw ang pagtanggi ni Cristine na maging kontrabida sa TV series na pagbibidahan dapat ng girlfriend ni Derek Ramsay.



"Naku, hindi po totoo 'yan! Wala po kaming gap ni Angelica. Katunayan, kami nga pong dalawa ang madalas magkulitan sa set, e," panimula ni Cristine sa pamamagitan ng text. "At saka masasabi ko pong isa si Angelica sa mga talagang totoong tao sa showbiz na nakilala ko," pahabol na text pa niya sa PEP.

Para patunayang wala talaga silang problema ni Angelica, sinabi pa ni AA (nickname ni Cristine) ang mga ka-close niya sa Banana Split.



"Actually, close naman po ako sa lahat ng mga taga-Banana Split, pero mas madalas na nakaka-bonding ko sina Angelica, Dianne [Medina], Princess Ryan at Roxanne [Guinoo] dahil kami ang magkakalapit ang room, e. At saka karamihan sa kanila—Princess, Angelica at Dianne—nakakasama ko hindi lang sa work, kundi kahit sa labas," pahabol pa ng sexy actress.



Nilinaw pa ng nakababatang kapatid ni Ara Mina na hindi rin totoo ang balitang hindi siya nag-e-enjoy sa set ng Banana Split.

"Masaya nga po kapag nasa set dahil parang naglalaro lamang kami, e. At saka, yun po ang pinaka-bonding time namin, during dinner o lunch break."

Gaano naman kaya katotoo ang balitang dalawa o tatlong mainstay ng kanilang gag show ang matsutsugi very soon?



"Hindi ko po alam 'yon, wala akong idea kung totoo man ang balita," matipid na sagot niya.



Inusisa rin ng PEP kung bakit siya tumanggi sa mga offer ng Dos, tulad ng Buhay ng Buhay Ko na dapat ay ang soap na pagsasamahan nila ng kapwa niya dating Kapuso na si Angel Locsin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko po kasi talaga ay sa primetime slot dahil yung mga suki ng Eva Fonda ay nasanay na sa ganoong time slot ako napapanood, e," rason ni Cristine.

Paano kung intrigahin na naman siya bilang pasaway at idagdag pang lumalaki ang kanyang ulo?

"Hindi ko po kasi alam, e. Actually, di po yun ang iniisip ko, e. Gusto ko lang naman ay yung project na maipapakita ko ang aking talent. 'Tsaka hindi naman po ako after sa pera na kikitain ko, kaya kahit anong project na lang ay tatanggapin ko para lang magkaroon ng income.

"Gusto ko po kasi, kung may gagawin ako ay yung talagang maipagmamalaki ko rin po," mahabang text niya.

"Basta po yung maganda at mabigat yung role na maipapakita ko ang aking talent sa acting. At siyempre po, gusto ko ay ako yung lead," pahabol ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN