Mga Dapat Tandaan sa Pagboto sa May 9

May 4, 2016
<p>The national elections is a few days away. But before that important day, read the important guidelines to help you on this crucial day.</p>

Handa ka na bang bumoto sa darating na May 9?

Ilang araw bago maganap ang pinakahihintay na national elections, na siyang magluluklok sa bagong Pangulo ng Republika ng Pilipinas, Pangalawang Pangulo, at iba pang tagapamuno ng bansa, narito ang ilang paalaala sa pagboto sa Lunes, May 9.

Mahalaga ang inyong boto, kaya naman nararapat lamang na alamin ang mahahalagang hakbang at alituntunin sa araw ng botohan.

Basahing mabuti, unawain, at tandaan ang mga hakbang pagdating ng eleksyon.

  1. Siguraduhing ikaw ay rehistrado. Isang taon ang ibinigay ng Commission on Elections (Comelec) para gawin ito at upang maiwasan ang mga flying voters. Tandaan, No Bio, No Boto.
  2. Magdala ng IDs upang mapabilis ang proseso ng pag-verify ng inyong pagkakakilanlan. Iminumungkahi ang government-issued ID tulad ng lisensya, SSS/GSIS ID o pasaporte.
  3. Kung ikaw naman ay isang PWD (Person with Disability) huwag kalimutang dalhin ang iyong PWD ID. May special voting place para sa mga botanteng may kapansanan, kung saan ay may special assistance na nakalaan para sa inyo.
  4. Para sa senior citizens, maaaring bumoto sa regular na presinto, at bibigyan ng prayoridad.
  5. Iwasang magsuot ng gamit na may pangalan ng mga kandidato at partido, kagaya ng t-shirts, pamaypay, sun visor cap, baller o ano pa mang uri ng kagamitan na may bahid ng pangangampanya sa oras ng pagboto. Ipinagbabawal ito ng Comelec at maaari kayong sitahin habang nasa pila pa lamang.
  6. Mas maigi na maagang alamin kung saang lugar ka boboto at kung ano ang iyong precinct number. Maaari din naman kayong bumisita sa tanggapan ng Comelec sa inyong lugar bago ang araw ng eleksyon upang alamin ito. O maaaring subukan na bumisita sa website ng Comelec at gamitin ang kanilang precinct finder.
  7. Isulat sa kapirasong papel ang inyong precinct number at dalhin ito sa araw ng halalan.
  8. Makatutulong ang pagsusulat ng kodigo na listahan ng mga kandidatong iboboto at ang kanilang numero sa balota. Sa ganitong pamamaraan, mapapabilis ang inyong pagboto at hindi na makakaantala sa mga iba pang nakapila.
  9. Hanapin agad ang iyong pangalan sa Election Day Computerized Voter’s List (EDCVL) pagdating sa precinct at bibigyan ka ng isa sa mga miyembro ng Board of Election Inspectors (BEI) ng balota.
  10. Mapapansin mong iba na ang balotang gagamitin. Hindi na ito kasing haba ng balotang ginamit nung 2013 election. Mas maiksi ito nang kaunti at BACK-TO-BACK ang laman, kaya’t huwag kakalimutang tingnan ang likod bago umalis sa voting area.
  11. Hindi mo na kailangan pang magdala ng sariling ballpen sa araw ng eleksyon. Bibigyan ka ng BEI ng isang marking pen at ballot secrecy folder upang gamitin sa pagboto. Ang ballot secrecy folder ay ginagamit upang takpan ang iyong balota habang bumoboto.
  12. Gamit ang marker, punuan nang mabuti ang bilog na hugis itlog na makikita bago ang pangalan ng inyong iboboto.
  13. Iwasang mapunit, matupi, magusot o mabasa ang inyong balota sapagka’t maaaring hindi ito tanggapin ng vote-counting machine o VCM. Tandaan! Hindi na maaari pang kumuha ng panibagong balota kapag nangyari ito dahil mayroon lamang sapat na balota para sa lahat ng mga botante.
  14. Pagkatapos bumoto, lumapit sa VCM upang ipasok ang inyong balota. Kahit baliktad, paharap o una likod, okay lang.
  15. Babasahin ng VCM ang balota mo at ipapakita sa screen ang mga binoto mo. Ipapakita din kung may undervote o overvote ka. Hindi touchscreen ang VCM. Para makita mo yung kabuuan ng nakasaad sa balota mo, pindutin ang ↑ o ↓ para makapag-scroll ka pataas at pababa.
  16. Pindutin ang berdeng check (√) kung gusto mo nang ipabilang ang balota mo. Ang undervote o overvote ay maaaring balikan ng isang beses. Kung may undervote ka at nais mo itong balikan, pindutin mo ang ekis (×) at bumalik sa voting area. Kung tapos na, ipasok muli ang balota sa VCM at pinduting ang check (√).
  17. Tandaan! Ikaw lamang ang maaaring makakita ng iyong screen pagkatapos mong ipasok ang iyong balota sa VCM. Siguraduhin na ang sinumang miyembro ng BEI ay nakatayo lang dapat sa likod ng VCM at hindi nakikisilip lalo na’t hindi ka naman nagpapatulong.
  18. Maglalabas ng resibo ang VCM na naglalaman ng mga binoto mo. Tingnan ito at kung maayos na nabilang ang iyong boto, ipasok sa kahon ang resibo. Tandaan! Hindi ito maaaring iuwi o kuhanan ng selfie.
  19. Pagkatapos ay ibigay muli sa BEI ang ballot secrecy folder at ang marking pen sapagka’t hindi din ito maaaring iuwi.
  20. Kung ikaw ay may katanungan, lumapit sa miyembro ng BEI at doon magtanong. Huwag magtanong kung kani-kanino. Hindi sa watcher, hindi sa pulis o sa kung sinuman na kasamahan mo, sa BEI ka lang pwedeng lumapit.
  21. Bibigyan ka lamang ng hanggang labinlimang minuto para bumoto. Kapag humigit dito ay maaari ka nang i-report sa BEI at ipadakip sa pulis dahil ikaw ay nakakaantala na sa halalan. Tandaan! Madami pang botante ang nais bumoto kaya’t bigyan sila ng pagkakataon.
  22. Matapos bumoto, magpalagay ng indelible ink sa kuko ng inyong kanang hintuturo. At pagkatapos ay maglagay ng thumb mark sa isang espasyong ibibigay malapit sa iyong pangalan sa Election Day Computerized Voters’ List (EDCVL).
  23. Pagkatapos ay maaari mo nang lisanin ang inyong presinto.

Makiisa sa pagbabago ng Pilipinas. Sa simpleng pagsunod upang maisaayos at gawing disiplinado ang paraan ng pagboto’y makakamit natin ang pagbabago.

Ipagdasal natin na sana’y naliwanagan ang lahat sa nagdaang kampanya at ang kanilang ibinoto ay karapa’t dapat sa kaniyang pwesto.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>The national elections is a few days away. But before that important day, read the important guidelines to help you on this crucial day.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results