Marian Rivera still has no label on real deal between her and Dingdong Dantes

by Nora Calderon
Mar 14, 2009
"Ganoon pa rin po, walang nababago, lumalabas kami, kumakain, nanonood ng sine kapag may oras na libre. Lagi po kaming masaya, laging magkausap, hindi po kami nawawalan ng topic na pag-uusapan kahit laging kami lang ang magkasama," says Marian Rivera on how she and Dingdong Dantes are getting along.

Dinayo ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ang taping ng soap ng GMA-7 na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang sa napakalayong lugar, sa isang subdivision sa Baras, Rizal, kahapon, Friday, March 13. Malayo man, pagdating mo doon ay ang ganda-ganda ng scenery, malamig ang hangin at very warm ang pag-welcome nina Direk Joyce Bernal, Dingdong Dantes, at Marian Rivera. Naroon din sina Paolo Ballesteros at Francine Prieto.

THE BLIND ITEM. Nakausap ng PEP sina Dingdong at Marian habang nagsu-shoot ng ibang scenes si Direk Joyce with Jackielou Blanco and Mart Escudero. Marami kaming pinalinaw na intriga kay Marian. Isa na rito ay ang blind item na halatang siya ang tinutukoy; dahil daw sa pagmamaldita niya, ay natanggalan siya ng isang endorsement.

"Ah, iyon po bang Blue Water Spa?" nakangiting sagot ni Marian. "Natapos na po ang contract ko roon at tinanong ko nga po ang manager ko, si Momsie [Popoy Caritativo] kung hindi na sila magre-renew. Tuloy pa rin daw po ako, in fact, nagpadala na sila ng bagong kontrata. Pero hindi na po si Piolo [Pascual] ang makakasama ko, ang Brazilian-Japanese model na si Akihiro Sato na. Naghahanap na lang sila ng availability ng schedule ko para sa pictorial namin."

Continue reading below ↓

Ilan na ba ang mga endorsements niya?

"Bale 25 na po lahat, may tatlo pang bagong lalabas, isang health drink, isang sa pagkain, at isa pa na hindi ko pa po talaga puwedeng sabihin," dagdag pa ni Marian.

NO PROBLEM GETTING BATTERED. Napag-usapan naman ang taping nila ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Hindi ba siya nahihirapan sa mga eksena na halos nag-a-action na siya at madalas sinasaktan sa mga eksena?

"Iyon pong mga bugbog, okey lang po sa akin, ang nahihirapan po talaga ako sa paglalabas ko ng iba't ibang emotions. Iyong nagagalit, 'tapos iiyak, mahirap po. Pero salamat kay Direk Joyce, maayos ko pong nagagampanan ang mga eksena."

Pinansin namin na halos wala siyang makeup, at kahit si Dingdong ay haggard-looking din na tulad niya.

"Ito po kasi ang kailangan sa character namin. Minsan nga, pagdating namin sa set, fully made-up na ako, napagsabihan po ako ni Direk Joyce, na nakakulong na raw ako, ang ganda-ganda ko pa, gusto raw niya iyong mukha akong ngarag kasi nga iba-iba ang emotions na nararamdaman ko na inilayo ako sa kapatid ko, kay Ulysses [Mart] at nalaman ko pa na fake pala ang nanay ko sa story [Jackielou]. Marami, marami pa pong revelations sa story. Nasa seventh week pa lang kami, sixteen weeks po tatagal ang aming soap."

PAPA AND DONG. On a lighter side, malapit na ang April, ang month na sinasabing pag-uwi sa Pilipinas ng ama niyang nasa Madrid. Excited na ba siya at ipakikilala ba niya si Dingdong sa papa niya?

"Iyon nga po ang problema, baka hindi siya matuloy umuwi rito, hindi po niya maiwanan ang tatlong restaurants niya roon, kaya baka po ako na lang ang pumunta, para magkita kami at makabalik din ako sa Spain. Four years na po iyong last na nagkita kami ng papa ko, nang umuwi siya rito. Ang maganda po lang ngayon, halos araw-araw na nag-uusap kami sa cell phone.

"Nakakausap na po siya ni Dong, nag-uusap sila in English, Tagalog at Spanish, pero madalas po na hindi kami nagkakaintindihan, hindi na po kasi ako masyadong nakakaintindi ng Spanish. Pero tinatanong po niya ako kung bakit araw-araw daw ako nagtatrabaho, tuwing tatawag daw siya, nasa trabaho ako.

"Kaya nang minsang umuwi ako sa Cavite, pinatawagan ko siya kay Mama at nag-usap sila, in-explain niya kay Papa ang tungkol sa trabaho ko at sabi niya, i-enjoy ko raw kung ano ang ginagawa ko, pero important pa rin ang health ko."

Continue reading below ↓

If ever na pupunta siya sa Madrid, isasama ba niya si Dingdong?

"Ewan ko po sa kanya, kung gusto ba niya. Pero ang problema po talaga, kung kailan kami magkakaroon ng time. Maybe pagkatapos po ng taping namin nito o sa Holy Week sana, kung papayagan nila ako, kahit po one week lamang. Kaso, kung minsan, kung wala man po akong taping, may iba naman akong commitment na hindi naman puwedeng hindi ko puntahan."

LOLA AND DONG. Paano naman tinatanggap si Dingdong ng kanyang family?

"Naku, ang lola ko, kasundung-kasundo siya," natatawang wika ni Marian. "Kapag may trabaho po kami ni Dong na madadaan kami sa Cavite, tinatawagan ko siya at sasabihin ko na dadaan kami sa bahay, excited siya agad at itanong ko raw kung ano ang gusto ni Dong na lutuin niya. Si Dong naman paborito niya talaga ang luto ni Lola ng menudo, kaya iyon lagi ang isa sa iniluluto niya. Happy si Lola kapag dinadalaw namin siya ni Dong, kinukulit niya ito, kung anu-anong tinatanong."

Continue reading below ↓

Ayaw namang sabihin ni Marian kung ano ang mga itinatanong ng lola niya kay Dingdong.

APARTMENT AND LV. Kumusta naman ang ipinagagawa niyang 12-door apartment?

"Tapos na po, may pangalan na rin siya, La Buena Casa, pero wala pa po akong tenants. Nagtatanung-tanong pa ako kung magkano ba ang affordable price na dapat kong singilin sa kanila. Pero gusto ko po munang maipa-bless ito, ayaw kong patirahan ito na hindi pa nabi-bless, wala pa lang akong time na umuwi ng Cavite para personal na maipa-bless ang apartment."

Biniro siya ng PEP kung kaya na ba niyang bumili ng isang handbag na nagkakahalaga ng milyon, o nabigyan na ba siya ni Dingdong ng mamahaling handbag like a Louis Vuitton?

"Hindi po, hindi kasi naniniwala si Dong sa LV. Meron po akong isang LV bag, pero ako ang bumili noon. Shoes po kasi ang hilig ko, pero bibili po ako kapag alam kong may extra akong pera. Mas priority ko po kasi ang mag-ipon at mag-invest. Kapag gamit ko na ang shoes at mga damit ko, bibili na ako ng bago at ipinadadala ko sa Cavite iyong nagamit ko na, biro ko kay Lola, ibenta namin. Ayaw niya, nakakahiya raw, kaya ipinamimigay niya sa mga kapitbahay namin."

Continue reading below ↓

POLITICS AND DONG. Tinanong naman ng PEP si Dingdong, may mga tarpaulin daw kasing nakita sa lugar nila sa District IV ng Quezon City, kaya may usap-usapan na kakandidato yata si Dong sa 2010. Kakandidato nga ba siya?

Napailing si Dong at sinabing hindi raw totoo iyon, may mga humingi lang daw sa kanya ng greetings sa mga graduates at nagbigay naman siya. Nang tanungin namin si Marian kung papayag ba siyang kumandidato si Dingdong, maikli lang ang sagot niya: "Bahala po siya."

Alam ba ni Marian na gusto siyang makatambal ni Robin Padilla sa susunod daw na movie nito sa GMA Films?

"Wala po naman ako sa posisyon na tumanggi kung iyon po ang ibibigay na assignment sa akin. Naipakilala na po siya sa akin personally. Minsan kapag nagkakasabay kaming mag-guest sa SOP, lumalapit siya sa akin at bumabati. First impression ko sa kanya, 'Astig!'"

MARIAN AND DONG. Pero nang humantong na ang tanungan tungkol naman sa tunay na estado ng kanilang relasyon ni Dingdong, walang nakuhang malinaw na sagot ang PEP mula kay Marian.

Continue reading below ↓

"Ganoon pa rin po, walang nababago, lumalabas kami, kumakain, nanonood ng sine kapag may oras na libre. Lagi po kaming masaya, laging magkausap, hindi po kami nawawalan ng topic na pag-uusapan kahit laging kami lang ang magkasama."

Nag-away na ba sila?

"Hindi po naman away, asaran lang, tampuhan lang. Mahilig po akong mang-asar, 'tapos napipikon siya. Kapag hindi na po siya sumasagot sa tanong ko, alam kong nagtatampo na siya, ganoon din naman ako, kapag inaasar niya ako, napipikon din ako at tumatahimik na rin ako. Pero mga five minutes lang iyon, bati na ulit kami. Nagbibigayan po kasi kami, hindi nagsasalubong kung asar na kami o nagtatampo na."

Wala ba siyang suitor at si Dingdong, wala bang ibang nililigawan?

"Wala po talaga sa ngayon, kami lang dalawa ang laging magkasama. Nagkakasundo po kami sa lahat ng bagay. Isa lang po naman ang ayaw namin pareho, ang magsinungaling. Ako, kung ano ako, hindi po ako natatakot na ipakita sa kanya ang totoong ako, kasi hindi siya mapanghusgang tao, kaya nasasabi ko ang lahat sa kanya, wala po akong inililihim sa kanya. Kay Dong, ang sabi ko lang sa kanya, sabihin niya ang lahat sa akin, masama man o mabuti, maiintindihan ko siya, huwag lang siyang magsisinungaling. Kaya kilala na po talaga namin ang isa't isa."

Continue reading below ↓

Totoo bang may aaminin na sila pagkatapos ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang?

"Hindi po totoo iyon. Ayaw naming magpa-pressure, kung anuman po meron kami ngayon, hindi namin alam kung saan iyon tutuloy, ang mahalaga po, happy kaming dalawa," nakangiting patapos ni Marian dahil siya na ang susunod mag-take.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ganoon pa rin po, walang nababago, lumalabas kami, kumakain, nanonood ng sine kapag may oras na libre. Lagi po kaming masaya, laging magkausap, hindi po kami nawawalan ng topic na pag-uusapan kahit laging kami lang ang magkasama," says Marian Rivera on how she and Dingdong Dantes are getting along.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results