Marian Rivera and Dennis Trillo star in Lenten special Sugat ng Kahapon

Marian Rivera and Dennis Trillo will finally be paired in the Lenten special Sugat ng Kahapon. Marian will also play the character Juana dela Cruz in GMA News and Public Affairs Global Recession special Walang Pera.


Ang eyebags lang ang sign na puyat si Marian Rivera nang humarap sa press kaninang tanghali para magbigay ng update sa mga pinagkakaabalahan nitong mga nakaraang araw. Pero kahit may eyebags, hindi pa rin nasira ang ganda ng actress at masaya rin itong nakipagkuwentuhan sa press, kasama ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

Alas-singko ng umaga ng Sabado nakauwi si Marian mula sa taping ng "safe house" scene sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at alas-onse ng umaga hanggang ala-una ng hapon, nakipagtsikahan siya sa mga reporter. Dumiretso siya sa rehearsal ng S.O.P. at pagkatapos noon, saka pupunta sa branch ng Karimadon sa Robinson's Galleria para sa isang ribbon-cutting ceremony. Pagkatapos noon, saka pa lang siya magpapahinga para paghandaan ang guesting sa S.O.P. bukas. Sa Lunes, ratsada na naman siya ng taping ng Ang Babaeng... sa dini-develop na resort pa rin sa Baras, Rizal na two hours ang biyahe.

Idi-describe muna ng PEP ang ayos ni Marian kanina para may idea kayo ng kanyang hitsura. Very minimal ang makeup nito na siguradong gawa ng ini-endorse niyang Natasha Beauty products ang ginamit.

Karimadon ang suot na damit, ayos-Proserfina (character niya sa Ang Babaeng...)ang buhok, white with silver trimmings ang Chanel sandals na suot na worth P50,000 at suot ang diamond-studded Christmas gift ni Dingdong Dantes na eternity bracelet.

Ang Chanel sandals ang isa sa footwear na binili ni Marian last December at Christmas gift niya sa sarili. Nakita na rin naming suot niya ang Louis Vuitton black shoes na ayaw naman niyang sabihin ang presyo.

Sa naunang artikulo tungkol kay Marian, sinabi nitong sinabihan na siya ng manager niyang si Popoy Caritativo na siya pa rin ang endorser ng Blue Water Spa (click here to read related article). Pero nito ngang mga nakaraang araw, umugong ang usap-usapang talagang pinalitan na si Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman nakausap ng PEP si Popoy dahil nasa Cebu City ito at sinamahan si Dennis Trillo, pero sa kanya aalamin ng PEP ang katotohanan sa isyung ito. Sa press lang nalaman ni Marian na si Karylle ang ipinalit sa kanya at makakasama na ni Piolo bilang endorser ng spa.

Usapang endorsement pa rin, noong isang araw, nag-shoot si Marian ng TVC ng isang produkto na dati na niyang in-endorse at muli siyang kinuhang endorser. Any day now, lalabas na ang TVC na ito at susunod sa April ang labas ng TVC ng bago niyang endorsement na bawal pang sabihin kung ano, pero ang clue ay may kinalaman sa pagkain.

TV SPECIALS. Rason pa sa pagharap ni Marian sa press ay para ibalitang ipalalabas na sa March 22, ang GMA News and Public Affairs Global Recession Special na Walang Pera. Siya ang papapel na Juana dela Cruz na biktima ng recession.

"Dalawang araw rin akong nag-taping sa iba't ibang locations at kung anuman ang rason na kinuha ako ng GMA-7 na isama kay Mike Enriquez, natutuwa ako. Ni-request nila ako at okey naman ang project."

Sa Black Saturday, sila ni Dennis Trillo ang tampok sa Lenten special ng APT Entertainment na mapapanood sa April 11. Pinamagatang Sugat ng Kahapon ang special kung saan kasama nila sina Gardo Versoza at Perla Bautista. Matutuwa nito ang viewers ng Kapuso network na matagal nang nagre-request na mapanood sila sa telebisyon na nagda-drama.

Kahit may katagalan pa, ibinalita na rin ni Marian na ang next soap niya sa Channel 7 ay pambata na uli.

"Hindi pa sinasasabi sa akin ang project, pero pambata na uli at yun ang gusto ng fans. Okey nang na-try namin ni Dingdong na kaya namin ang matured role, balik kami sa pambatang project next time para mas marami ang masaya."

Ano ang mga napatunayan niya sa pagganap sa role ni Proserfina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami, gaya nang kaya ko palang mag-action at puwede rin ako sa comedy. Kaya ko rin palang magsuot ng sexy dresses na hindi ko ginagawa dati. Kumportable na rin akong naka-shorts dahil dati, ang feeling ko, hindi ako bagay mag-shorts, pero after Ang Babaeng..., kaya ko na pala."

EXCLUSIVELY DATING. May dream role pa ba siya?

"Ay, marami pa! Konti pa lang naman ang nagagawa kong project. Ang pinakagusto ko, maging superhero, heroine naman, tingnan natin kung kaya ko."

Halimbawang may Facebook account siya, ano ang ilalagay niyang status niya?

"'Exclusively dating!' Wala kasi akong ibang dini-date kundi si Dingdong lang. Kumakain kami sa labas at nanonood ng sine, kami pa rin ang magkasama. Nanonood kami ng sine sa Greenbelt at minsan sa Shangri-La, kung saan malapit sa lugar kung saan kami that time."

Hindi ba siya nagsasawa na puro si Dingdong ang kanyang kasama? Hindi ba sila nag-aaway?

"Hindi naman ako nagsasawang kasama siya at sana, ganun din siya. Iba-iba kasi ang pinag-uusapan namin at di kami nauubusan ng pinag-uusapan. Gaya ng dating buhay namin bago kami nag-artista, puro sharing kami."

"Hindi kami nag-aaway, puro tampuhan lang, puro Ar-Ar o Artehan lang. Magkasundo kami dahil pareho kaming Leo [August 12 ang birthday ni Marian at Aug. 2 naman si Dingdong]. Pareho pa kaming may Spanish blood, pero nagbibigayan kami. Kapag wala siya sa mood, tumatahimik ako at 'pag ako ang wala sa mood, tumatahimik naman siya. Tatanungin ko lang siya ng 'May topak ka pa?' at pag wala na, bati na naman kami at aasarin ko na naman siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN