Dingdong Dantes and Marian Rivera answer most wanted questions of their fans

by Rose Garcia
Mar 16, 2009
Dingdong Dantes and Marian Rivera sat as guests in "Gimme Mo" segment of Showbiz Central and answered the most wanted questions of their fans.

Nagsilbing fans day para sa mga tagahanga nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang episode ng Showbiz Central noong Linggo, March 15, dahil sa segment na "Gimme Mo!" ni Mo Twister. Mismong ang mga tagahanga nina Dingdong at Marian ang pumili ng mga tanong ni Mo sa lead stars ng primetime soap na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Most Wanted Question No. 5. May lihim pa ba kayo sa isa't isa?

Marian: Ako wala, e. Lahat alam niya at lahat sinasabi ko sa kanya.

Dingdong: Oo, siyempre. Ano naman ako, e, transparent naman ako, especially sa kanya. Halos lahat talaga alam niya. Pero marami pa 'yan, e...marami pa.

Mo: Kung susulat ng biography for Marian, puwedeng ikaw ang sumulat nun?

Dingdong: Siyempre, gusto kong i-claim na ako ang gagawa nun. Pero I'm sure, there are other people na mas nakakakilala sa kanya. Like her family, mga kaibigan niya noon, like noong bata siya. Pero sa ngayon, sa mga napagdaanan namin, yun ang maisusulat ko about those days.

Continue reading below ↓

Most Wanted Question No. 4. Nagkaroon ba kayo ng matinding tampuhan at paano ninyo sinusuyo ang isa't isa?

Marian: Parang hindi yata kami sanay na hindi kami nagpipikunang dalawa. Pero naayos din naman kaagad.

Mo: Tell me yung latest LQ, sobrang asar ba? Yung nag-joke, hindi siya in the mood, nag-sorry ka?

Dingdong: Kasi pikon siya (Marian), e!

Marian: Hoy! Ikaw rin, 'no! Ha ha ha!


Dingdong: Mas pikon ka...

Marian: Ikaw kaya!

Mo: Hayan, nag-e-LQ na kayo...

Dingdong: Yun, parang ganun. 'Eto na ang latest. Petty stuff. Mahilig kaming mag-discussion, pero yung masayang discussion.

Mo: Paano n'yo inaayos?

Dingdong: Objective naman, e. Sa lahat ng ginagawa namin, sinasabi niya kung ano ang gusto niya, sinasabi ko kung ano ang gusto ko. And we meet halfway.

Mo: Like in a relationship?

Dingdong: Sort of... Pero maganda yung ganoon, e. At least, nagbibigayan kayo.

Most Wanted Question No. 3. Ano ang nararamdaman n'yo whenever you're not with each other?

Continue reading below ↓

Marian: Parang hindi ako masaya kapag wala siya.

Dingdong: E, papaano kapag hindi na tayo magkatrabaho?

Marian: Ha? E, 'wag ka nang umiyak (sabay siko kay Dingdong). Hayan tuloy, nabubuking ka! (At saka payakap na tinakpan ni Marian ang bibig ni Dingdong habang natatawa.) Joke lang!

Mo: So, Dingdong, how does it feel kapag hindi mo kasama si Marian?

Dingdong: Weird, weird! Kasi siyempre, sanay na nga kaming magkasama palagi. Parang something is missing.

Most Wanted Question No. 2. Let's say ikaw talaga si Homer at ikaw si Proserfina in real life. We know in Babae, pinoprotektahan ni Homer si Proserfina. But when it comes to the two of you, ano ang pinaka-extreme na ginawa n'yo to protect each other?

Dingdong: Siguro yung pinaka-naaalala ko, e, yung time na nabalian siya (Marian). Sinamahan ko siya sa hospital. Madalas may mga activities kami nun kahit bali na ang paa niya. Pumunta kami ng Amerika, may shows pa rito. So, I was there all the time, literally. Kung may kailangang puntahan at hirap siyang maglakad, I would carry her.

Continue reading below ↓

Mo: Ikaw Marian, what's the extreme thing you've done para i-protect [si Dong]?

Marian: Siguro hindi na lang yun ['protect'] ang gamitin ko, yung makakapagpasaya na lang sa kanya. Kasi extreme, parang wala pang sobra, e. Siguro yung pagiging ako lang sa sarili ko. Kasi parang kung ano yung nakikita niya, natatawa or natutuwa siya sa akin. Siguro sa ganoong bagay rin. Sa pagiging totoo ko sa kanya at sa pagiging open ko sa kanya.

Dingdong: Ang lalim nun, a!

Most Wanted Question No. 1. Sa ngayon, we're not sure how Homer and Proserfina's [their characters in Ang Babaeng Hinugot...] love story will end. Pero kung kayo ang tatanungin, why do you deserve each other?

Dingdong: Well, as always, love should prevail. In all love stories, especially this one, kasi sobrang passionate, kakaiba yung passion ni Homer dito at pagmamahal niya kay Proserfina.

Mo: Do we see yung pagmamahal ni Homer, do we see that happening in real life, yung feelings ni Dingdong kay Marian? Masasabi ba nating ginagamit mo ang totoong feelings mo kay Marian for Homer and Proserfina?

Continue reading below ↓

Dingdong: Inspired by...

Mo: Marian, why does Homer deserve you?

Marian: Si Homer 'to at si Proserfina, ha, lilinawin ko lang! Well, unang-una kasi, si Proserfina, siyempre hanggang ngayon, hindi pa rin nila nalalaman. Unti-unti pa lang. Pero malaki kasi ang impluwensiya ni Homer kay Proserfina at sa magandang paraan yun. So, naniniwala ako na sa bawat relasyon, kapag tumutungo sa maganda, mas maganda yun at dire-diretso yun.

Dingdong: Ang lalim nun!

Mo: All the questions that I asked are from the fans. Sana pumayag ang show, this is my one question for you and it's one question I always wanted to ask... When you look around, when you see the road you took to get where you are now, inikot mo ang room and you see people screaming, how does it feel to be the country's biggest star? The road to this is not an easy road... And when you look around, million and million of Filipinos, scream your name?

Continue reading below ↓

Dingdong: Iba, iba talaga ang feeling, totoo. These people [fans], they keep us grounded. Talagang itinuturing namin silang mga kaibigan dahil sila talaga ang nag-i-inspire sa amin. Kapag nakakasama namin sila and we see how happy they are, lalo kaming nabibigyan ng gana. And we want to do better in all our endeavors each time, para sa kanila yun.

Mo: Marian, nagda-drive ka sa EDSA, nakikita mo lahat ng pictures, Marian Rivera, tapos sumisigaw ang mga tao... How does it feel?

Marian: Palagi ko kasing sinasabi, ayokong isipin kung ano ang meron kami ngayon. Ang importante kasi sa akin, nakikita ko sa kanila [fans] na mahal nila kami. Ang sarap! At saka nakakataba ng puso, kasi parang doon kami kumukuha ng lakas. Kahit anong intriga, kahit anong mangyari, wow, thank you, parang ang saya!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes and Marian Rivera sat as guests in "Gimme Mo" segment of Showbiz Central and answered the most wanted questions of their fans.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results