Rufa Mae Quinto lashes out at Showbiz Central co-host Mo Twister in The Buzz

"Naku, ayokong magmensahe sa kanya, 'no! Kaloka ka! Ang cheap-cheap mo! Hindi, ang sama lang niya. Ang sama niya! Alam mo yun, nasasamaan ako. Bahala na siya sa buhay niya," says Rufa Mae Quinto about co-host Mo Twister (inset).


Kung dati ay tampuhan lang ang nangyayari sa pagitan ng Showbiz Central co-hosts na sina Rufa Mae Quinto at Mo Twister, this time ay grumabe na ito—sa unang pagkakataon ay isiniwalat na ni Rufa Mae ang kanyang sama ng loob sa kasamahang host.

Ang mas matindi pa nito ay sa katapat at kalabang show pa nilang The Buzz nagbigay ng pahayag ang sexy actress kontra kay Mo. Bagama't hindi pinangalanan sa kanyang interview ay obvious namang si Mo ang tinutukoy niya.

Na-interview si Rufa Mae ng The Buzz pagdating na pagdating niya sa Pilipinas mula sa halos isang buwang U.S. tour na kasama si Pooh. Sa naturang interview na ipinalabas kahapon, March 15, nagsalita na ang aktres sa pagkakadawit sa pangalan niya ng co-host (Mo) na ito sa hiwalayang Dr. Vicki Belo at Hayden Kho.

"Ayun, ewan ko sa kanya, hindi ko naman siya friend. So, wala na akong care," matinding pahayag ni Rufa Mae. "Trabaho is trabaho. Ayoko namang mamrublema dahil lang sa kanya, di ba? Pero ganun siya talaga. Bahala na siya sa buhay niya, choice niya 'yon, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin naitago ni Rufa Mae ang sama ng loob niya sa diumano'y pambabastos sa kanya ng co-host.

"E, bastos siyang tao e, alam mo yun! E, ganun siya. E, katrabaho ko naman siya, so I'll be professional na lang siguro. And I think okay lang naman yata sa kanya yung ganun, e, medyo insensitive siya. So, siya yun, e, di ba? Gusto rin naman yata niya na ganun yung image niya. Ewan ko sa kanya!"

Galit ba siya sa kasama niyang host?

"Hindi rin dahil bakit ako magtatanim ng sama ng loob... magkakaroon ng feeling na hateful sa isang tao, alam mo yun, dahil sa kanya? Hindi na rin, 'no! I don't mind, I don't care. I just don't care about him. I don't like him. I like him as ano...as co-host. 'Kala ko okay naman, mabait naman siya. And mahilig naman siyang mag-sorry, maglambing after. Pero this time siguro, let's leave it at that," saad ni Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Rufa Mae, hindi na dapat pang binibigyang pansin kung ano ang mga sasabihin pa sa kanya ng co-host.

"Masyado akong masaya. I feel so grateful, I'm so blessed. Marami pong nanood ng show namin at nakapag-U.S. tour ako. At siya, kung anuman yung ginagawa niya dito, sa sarili naming show, problema na niya 'yon, di ba? Basta ako, wala akong ginagawa sa kanya."

At kung sakali itong humingi ng tawad sa kanya?

"Puwede naman siyang mag-sorry. Pero hindi ko na siya gusto talaga bilang a friend. Too much na, e. Kasi ilan taon na rin kaming magkasama, walang pagbabago, e."

At ang mensahe ni Rufa Mae sa kanyang co-host?

"Naku, ayokong magmensahe sa kanya, 'no! Kaloka ka! Ang cheap-cheap mo!" sabi ni Rufa Mae, sabay tawa. "Hindi, ang sama lang niya. Ang sama niya! Alam mo yun, nasasamaan ako. Bahala na siya sa buhay niya."

Dahil bahagi nga ang report na ito sa "P.O.V. (Points, Opinions and Violent Reactions)" segment ng The Buzz, kung saan pagkatapos maipalabas ang VTR ay nagbibigay ng comment ang mga host, narito naman ang naging opinyon nina Boy Abunda, Ruffa Gutierrez, at Kris Aquino:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, kausap ko si P-Chi [Rufa Mae] kanina. Galit na galit talaga siya sa co-host niya sa show," ani Ruffa, sabay tanong kay Kris ng, "Do you like him?"

"As I told you, we have no relationship. I don't have feelings, wise or otherwise," sagot ni Kris at ibinalik niya ang tanong kay Ruffa, "Ikaw?"

"No, I don't really like him!" diretsang pag-amin ni Ruffa. "But I'm very good friends with his best friend, Donita [Rose]."

Maigsi pero matapang naman ang naging pahayag ni Boy, na manager ni Rufa Mae. Aniya, "Ako, I stand by Peachy. I stand by my talent and friend. Yun lang ang aking masasabi."

Dagdag pa ni Ruffa, "Well, anyway, he doesn't like us either. Kasi whenever he watches us, sabi ng mga PA [production assistants] ko, kasi yung PA ko pumupunta rin sa kabila, he always makes us pintas. So, I don't like him na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, alangan naman magustuhan nila tayo, di ba? Pero ito na lang siguro ang masasabi ko, sila may time panoorin tayo. Tayo, wala, di ba?" may himig patutsada ni Kris.

"Uy, in fairness, yung kapatid ko naman nandun. Hi, Mond [Raymond Gutierrez]!" pagbati ni Ruffa.

At natapos ang segment na nagtatawanan sila.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN