GMA Films President Annette Gozon Abrogar bares lineup of movies for 2009

Ms. Annette Gozon-Abrogar, GMA Films President, reveals to PEP the possible projects that the outfit will do for this year.


Nakakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang GMA Films President na si Ms. Annete Gozon-Abrogar sa Barrio Fiesta restaurant bago ang premiere night ng Sundo last Tuesday, March 17. Ang next projects ng GMA Films ang inalam namin kay Ms. Annette at game naman siyang nag-share ng mga gagawin nilang pelikula this year.

"Ang Spoiled Brat nina Ogie Alcasid at Michael V sana ang next na naka-lineup, adapted siya sa sikat na segment nila sa Bubble Gang. Co-produced ito ng APT Entertainment. Pero hindi ko pa alam kung sino ang director dahil baka gawing trilogy—may comedy, action at drama. Baka gawing one story na lang, tingnan natin," simula ni Ms. Annette.

Nabanggit din ni Ms. Annette na may plano ang GMA Films na muling gumawa ng Marian Rivera-Dingdong Dantes movie at magiging birthday presentation ng dalawa. Sa August ang playdate nito kung sakali, ang birthday month ng mga bida ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

"Romance-comedy ang naiisip namin o light romance na request ng kanilang fans. Co-produced naman ito with Regal Entertainment dahil may exclusive contract si Marian kay Mother Lily. Ang problema lang, gagawa yata si Marian ng movie with Vhong Navarro sa Regal, tingnan natin.

"May Panday rin na co-production with Imus Productions nina Bong [Revilla]. Sina Rhian Ramos at Iza Calzado ang leading ladies ni Bong, but more on Iza.

"Ang Ouija 2 rin na may October playdate. Si Topel Lee pa rin ang director at same cast; sina Judy Ann Santos, Jolina Magdangal, Rhian, at Iza. Gusto kong isama si Richard Gutierrez para magkasama na sila ni Judy Ann. Siya lang ang lalake sa cast at bale balik-horror na naman siya. Puwede rin si Dingdong para magkatrabaho uli sila ni Judy Ann."

Si Noel Ferrer ang nagbanggit na unang nagkasama sina Judy Ann at Dingdong sa I'm Sorry, My Love ng Regal at Akala Ko at Magkapatid ng Viva Films. Maganda raw kung horror movie naman ang gagawin ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binanggit ng PEP kay Ms. Annette na pang-Halloween presentation din ng Regal ang Tarot na pagtatambalan nina Dennis at Marian. Tatapatan ba ng GMA Films ang Regal?

"Ay, hindi! Hindi namin tatapatan si Mother Lily. Two weeks before or two weeks after Tarot ang playdate ng Ouija, walang tapatan," paglilinaw nito.

Ang binanggit ni Ms. Annette ay mga pelikulang gagawin ng GMA Films for 2009. Napansin naming wala siyang binanggit na Andres Bonifacio, na sabi'y entry nila sa 2009 Metro Manila Film Festival at si Dennis bida. Hindi na itinanong ng PEP ang tungkol dito dahil itinanggi na nina Noel at Joey Abacan na may gagawin silang pelikula ng GMA Films pa rin.

Marso pa lang kaya puwede pang mapalitan ang mga pelikulang naka-lineup na gagawin ng GMA Films. Ang Panday at Ouija 2 pa lang daw ang sigurado.

Pero tiyak na ikatutuwa ng fans nina Ogie at Michael V kung matutuloy ang Spoiled Brat. Maliligayahan din nang husto ang followers nina Marian at Dingdong kung may pelikula ang dalawa na kanilang mapapanood sa kanilang kaarawan. Sa August 2 ang birthday ni Dingdong at sa August 12 naman ang birthday ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN