Paolo Rivero says no to frontal nudity despite his sex-oriented videos

Mar 20, 2009
"Hindi ako nagpo-frontal, never. Siyempre may mga pinoprotektahan din tayo, ang pamilya ko, siyempre kailangan ko yung gawin," says Paolo Rivero about not doing frontal nudity in a movie.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Paolo Rivero, naungkat ang usaping may kinalaman sa pagkakaroon niya ng karanasan sa bading. Pero nilinaw naman agad ni Paolo ang isyu.

"Actually, may nag-attempt lang, that was in high school, pero hindi natuloy," paglilinaw ni Paolo. Kuwento pa niya, kaklase niya raw ang bading na nag-attempt sa kanya.

"CAT [Citizens Army Training] namin yun, sa public school ako, e. Sa classroom kami natulog nun. Yung kaklase ko... gumagapang-gapang. So siyempre nagalit ako, natakot ako, kaya sinuntok ko. Ginulpi ko!

"Nagkagulo yung mga students. Natanggal siya sa school."

Lola pa naman ni Paolo ang principal nila at ang ilan sa mga teachers sa naturang paaralan ay mga tiyahin niya, bukod pa sa lupa nila ang kinatatayuan ng school nila.

INDECENT PROPOSAL. Kahit ngayong artista na siya, marami pa ring bading ang nagpapakita ng interes sa kanya. Hindi na mabilang ang mga indecent proposals na natanggap ni Paolo who is one of the male lead stars ng sexy video na M2M4 Exxxxtreme: The Ultimate Guide to Sensational Sex released by Ivory Music & Video.

Continue reading below ↓

Ilang beses na nga raw nagpalit ng cell-phone number si Paolo para makaiwas sa mga tumatawag sa kanya na nag-aalok ng kung anu-ano kapalit ang katawan niya. Matitindi nga raw ang mga offer sa kanya.

"There was this guy na malaking tao na hindi ko na sasabihin kung sino. Kilalang tao, e. Nag-offer ng kotse, ng kung anu-ano. Nakakatawa nga, e. Parang ang yabang kasi ng dating, e."

Anong kotse ang inialok sa kanya?

"SiR, yung dati. Ako yung nagsabi, tinanong kasi ako. Sabi, 'How much?' Pagputok yun ng Live Show (2000). Sabi ko, SiR, brand new na Honda Civic. Kainitan ng SiR nun.

"Sabi, 'Oo, sige!' 'tapos wala na hindi ko na inano."

Pinasakay lang daw naman ni Paolo ang naturang bading.

"Yung brother ko yung gago, e. Yung brother ko kasi, parang nayabangan siya. Kinuwento ko dun sa brother ko. Sabi niya, 'Sige pasakayin mo!'"

What if ipinadala talaga sa kanya ng gay ang kotse?

Continue reading below ↓

"Wala pa rin, kaya ko namang kumuha nun kung sakali, e. Makukuha mo naman sa hirap yun, e. Sa matinong pagtatrabaho. Slowly but surely," sabi pa ni Paolo.

COUNTLESS SEXY MOVIES. Bukod kay Paolo, mapapanood din sa M2M4 Exxxxtreme: The Ultimate Guide To Sensational Sex sina Kristofer King, Hotman Cedric Javier, Provoq's John Miller at si Joseff Young.

Pang-ilang malaswang pelikula na ito ni Paolo?

"Dito sa Ivory, second, sa buong career ko, madami na, e."

Hindi naman daw puro kalaswaan ang mapapanood sa naturang video.

"Kasi sa lahat ng ginagawa kong pelikula, sinisigurado kong may istorya."

So far, ang pinaka-daring na nagawa niya ay yung M2M3 Versus nila ni Paolo Serrano na mula rin sa Ivory Music & Video.

"'Yun siguro yung pinakamatindi. Dito sa M2M4, ako lang yung nag-narrate. Actually, ang story kasi niyan nina-narrate ko, 'tapos ngayon ang eksena ko lang is sinisilipan ko sila. The story is all about the five senses: sense of sight, touch, smell, hearing and taste.

Continue reading below ↓

"Kunwari it's all my fantasy and then in the end natupad. Pero siyempre ang bentahe naman talaga is sila, sina Kristofer, Cedric, John at si Joseff.

"Ang trabaho ko is the whole story, about the fantasy, yun yung nina-narrate ko."

So dito, ano yung pinakagrabeng ginawa niya?

"May mga konting love scene din, butt exposure, may masturbation scene. Abangan ninyo yung masturbation scene, matindi yun!"

NO TO FRONTAL. Napag-alaman ng PEP na kahit nakilala siya sa mga seksing pelikula, ayaw ni Paolo na mag-frontal nudity.

"Hindi ako nagpo-frontal, never. Siyempre may mga pinoprotektahan din tayo, ang pamilya ko, siyempre kailangan ko yung gawin."

Pero hindi naman daw niya sinasabing never siyang gagawa ng frontal nudity scene.

"Siguro kapag nakahanap ako ng project na medyo... Yung movie naming, actually, ni Paolo Serrano, may silip dun, hindi sinasadya, although alam ko meron. Pero hindi pa ako nag-frontal na yung sadya na talagang kita. Siguro kung malaking pelikula bakit hindi? At ako ang bida bakit hindi? At magaling ang director, maganda ang script, magandang-maganda ang istorya, malaking-malaking pelikula, bakit hindi?"

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Paolo Rivero
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ako nagpo-frontal, never. Siyempre may mga pinoprotektahan din tayo, ang pamilya ko, siyempre kailangan ko yung gawin," says Paolo Rivero about not doing frontal nudity in a movie.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results