Stars react to YES! list of 50 Most Powerful People in Showbiz

Rivals Willie Revillame (left) and Joey de Leon are among the entertainers who made it to YES! magazine's 50 Most Powerful People in Showbiz for 2008. Willie ranked first while Joey is at No. 10.


Pagkatapos lumabas ang April 2009 issue ng YES! magazine, kung saan nakapaloob ang 50 Most Powerful People in Showbiz in 2008—26 entertainers at 24 executives—sari-sari ang naging reaksiyon ng mga tao at maging ng mga celebrity na nakasama sa listahan ng No. 1 entertainment source ng bansa.

Tatlo ang naging criteria ng YES! sa pagbuo ng listahan:

1. Pagmamay-ari at impluwensiya ng isang personalidad sa alinmang sumusunod na institusyon: television network, film outfit, o production company.

2. Pagkakaroon ng administrative authority sa mga nabanggit na institusyon.

3. Ang kanyang kontribusyon sa programa, pelikula, at maging musika na tinatangkilik ng marami.

WILLIE REVILLAME. Sa hanay ng mga entertainers, nanguna ang host ng Wowowee na si Willie Revillame.

Sa panayam sa kanya ng SNN noong Huwebes, March 19, ay nagbigay ng pahayag si Willie tungkol sa pagiging No. 1 niya sa listahan ng Most Powerful People in Showbiz ng YES!.

"Well, nakakagulat," aniya. "Hindi ko naman kasi alam na may ganyan, e. Basta marami na lang nagsabi sa akin. Ipinakita sa akin yung magazine. Yun nga, nabasa ko kahapon. And pati yung litrato, hindi ko alam na may litrato pala akong ganoon."

"Powerful in a sense of what?" tanong ni Willie. "Wala naman akong power, e. Ang power lang na ibinibigay ko siguro dito is yung happiness to the people, not just in the Philippines, but [also] abroad.

"I think the power that I have is yung power sa sarili ko na gusto kong makapagpasaya. Yung happiness, yung mga ngiti, yung mga saya nila, yun ang power. Kasi I think, di ba, wala kang power pag may galit sa 'yo? Pero pag masaya ang tao sa 'yo, that's power."

Ayon sa extensive research ng YES!, kaya si Willie ang naging No. 1 entertainer ay dahil sa income nito, rating ng Wowowee, at overall impact ng personalidad nito for the past 14 months.

"Maraming salamat kung ganoon," sambit ni Willie. "Pero para sa akin, hindi yun pumapasok sa isip ko. Alam ninyo, napakasimpleng tao ko lang. Pag dumarating ako sa Wowowee, simpleng-simple lang ang suot ko, naka-short at tsinelas lang ako. Ganoon din ang suot ko pag umuuwi na ako. Hindi ako nagkaroon ng power, simple lang ang buhay ko. Ang power dito is kayo ho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro nakakapagbigay saya ako or nakaka-add. Pero walang kuwenta ho ang pagpapatawa ko kung walang tumatawa sa akin."

Totoo bang kumikita siya ng isang milyong piso kada araw?

"Hindi ho ako kumikita ng ganoon kalaki," tanggi ni Willie. "Simple lang ho ang kinikita ko. Nakakaraos lang sa tatlong beses isang araw. Nakakapag-merienda pa. May konting naiipon. Hindi naman siguro ako babayaran ng ABS-CBN ng ganoon."

Sumunod kay Willie sa 50 Most Powerful People in Showbiz ng YES! ang mga kapwa niya Kapamilya na sina Kris Aquino (No. 2) at John Lloyd Cruz (No. 3).


MARIAN RIVERA & DINGDONG DANTES. Nakuha naman ng mga Kapuso ang sumunod na apat na puwesto—Robin Padilla (No. 4), Marian Rivera (No. 5), Richard Gutierrez (No. 6), at Dingdong Dantes (No. 7).

Sa programang Startalk ay nagbigay rin ng kanilang reaksiyon ang mga bida sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na sina Marian at Dingdong tungkol sa pagkakasama nila sa listahan ng YES!.

Marian: Wow! Siyempre, nakakatuwa, nakakataba ng puso yung ganun, yung nalaman kong ganun.

Dingdong: Ako, hindi ko rin alam 'yan, e... Nakakatuwa at ganun na lang yung trust ng publiko sa amin. That's why dapat talagang, you know, be careful sa mga steps namin.

Marian: Sa Marimar talaga nagsimula 'yan. 'Tsaka thank you sa lahat ng nagtiwala sa akin. Kasi lahat nga ng nagawa ko last year, lahat sila bumalik, at saka nag-renew sila lahat. Kaya thank you talaga sa kanila.

Dingdong: Sa tingin ko may kasama ring hard work 'yan, e. Plus yung mga breaks na naibigay sa akin, kaya very thankful ako, especially noong 2008, lahat 'yon nagtulung-tulong.

Marian: Taus-puso kaming nagpapasalamat at hindi po namin talaga ini-expect na mapapasama kami do'n, kaya thank you sa inyo.

Dingdong: Maraming salamat sa tiwala. Sobrang nakakataba ng puso 'tong recognition na 'to, especially to YES! magazine. Trust that we will always remain good examples, especially to the Filipino people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOEY DE LEON & LOLIT SOLIS. Pagkatapos ilabas ang video ng interview nina Marian at Dingdong, hiningan naman ng reaksiyon ni Butch Francisco ang mga co-host niya sa Startalk na sina Joey de Leon at Lolit Solis. No. 10 si Joey sa hanay ng entertainers, samantalang No. 12 naman si Lolit sa hanay ng mga executive; kung saan nag-tie sa No. 1 ang top executives ng ABS-CBN at GMA-7.

Si Lolit muna ang nagsalita. Aniya, "Hindi ko na-feel yun, a! Hindi ko napi-feel na powerful ako, a! Lagi nga akong tinatarayan ni Floy [Quintos, Startalk director], 'no!"

Kung si Lolit ay pakuwela sa kanyang reaksiyon, seryoso naman si Joey sa naging pahayag niya.

"Well, ako, sa akin sana, nabigyan ng weight yung power na... Naguluhan ako, e. Ito ba ay power sa pera, power sa kung anu-anong bagay? Ito ba'y... Pinaka-importante sa akin yung respeto. Yung power ba rito ay kasali yung respeto ng tao? Ikaw ba ay walang dinaya sa buhay mo sa pagiging powerful mo? Ikaw ba'y walang ginoyo? Naging malinis ka ba o pantay sa pakikisama sa mga tao?

"'Yan ang hinihiling ko. Kasi you cannot equate power with respect. So, 'yon. Respeto ang number one. Kaya sa akin, okay lang, no thanks. Thank you, but no thanks," makahulugang sabi ni Joey, na obviously ay may pinatatamaan ngunit hindi siya nagbanggit ng anumang pangalan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN