Matt Evans slightly worried about report that Jake Cuenca is courting Melissa Ricks

by Archie de Calma
Mar 27, 2009
"Kaibigan namin si Jake, e. Yung sa love team lang, medyo nag-alala ako. Kapag ganoon, nanghihinayang ako na baka masira yung love team, di ba? Personal na kasi nila 'yan, if ever. Tingin ko naman, hindi rin siguro aabot sa masisira na lang ang love team namin ni Melissa," says Matt Evans about reports that Jake Cuenca is courting Matt's screen partner, Melissa Ricks.

Kung minsan, nakababagot na rin ang mga kuwentong Matt Evans-Melissa Ricks. Kasi naman, sa tagal na ng pagsasama nila bilang magka-love team, parang wala namang nade-develop sa kanila.

Pero ayon kay Matt, "Hindi na man siguro kailangang ipilit kung wala talaga. Masaya kami ng ganito. Mahirap yung magsasalita pa kami ng kung anu-ano, e, wala naman. We're just happy that we're always together.

"Never kaming naging mag-on ni Melissa," diin niya. "Hindi ko talaga ipipilit yung panliligaw, kasi alam ni Melissa 'yan. Pareho kaming naka-focus sa work. 'Pag nagiging kayo kasi, di ba, nakakaapekto pati sa career? Hindi maiiwasan yun. Kaya huwag na lang muna.

"Hindi mo rin masasabi. Kami kasi, ayaw lang naming maapektuhan ang trabaho namin. Tingan mo, hindi naman kami, pero bakit tuloy-tuloy ang work na magkasama kami? Professional lang ang trato namin sa mga ganyang bagay," sabi ni Matt sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kung mag-on nga raw sila at maghiwalay, hindi sa pagne-nega, mas malaking problema ang kakabit niyon.

Continue reading below ↓

"Kung magkaka-girlfriend ako, okey lang kung taga-showbiz o kahit hindi," sabi ng binata. "Basta masaya lang at nagmamahalan. Pero alam mo na, 'pag ganyan, hindi mo masasabing puro saya lang. Kaya mas mabuting huwag na lang makipag-relasyon muna sa ngayon."

Sinabihan si Melissa noon ng parents niya na hindi siya dapat mag-boyfriend habang nasa showbiz. Mapipilitan daw ang mga ito na i-pull out ang young actress kapag nagka-boyfriend. Ano ang masasabi ni Matt dito?

"Ang alam ko, noong bago pa lang si Melissa sa showbiz, siyempre hindi naman tamang magka-boyfriend agad siya. Pero sa ngayon, ang tingin ko, puwede na," parang tiyak na tiyak na nasabi ni Matt.

NOT IN A LONG WHILE. Okey lang kaya kay Matt na paghiwalayin sila ni Melissa as screen partners? As of now, very remote ito. Heto nga't hataw pa rin sila sa Your Song, na ang featured series ay ang "Underage." Ngayon, magkakasama na naman sila sa TV remake ng 1978 film na Kambal sa Uma.

Continue reading below ↓

"Nasa management lang naman 'yan," sabi ng ex-PBB Teen housemate. "Nakakarinig nga tayo na gusto nang i-partner si Gerald Anderson kay Sarah Geronimo, pero malakas pa rin ang Gerald-Kim Chiu, di ba?

"Hindi natin masasabi yun, pero ang desisyon kasi nasa management ng ABS-CBN. Sumusunod lang naman ako sa gusto nila. Kami ni Melissa, ginagawa namin ang nararapat sa trabaho namin, at kung ano ang gusto ng ABS para sa image namin, gagawin namin."

DARING MATT. Medyo nagiging daring na nga raw ang image ni Matt, gaya sa "Underage," at inaasahang mas mature pa ang projection niya sa Kambal sa Uma.

"Again, depende 'yan sa kung ano ang gusto ng ABS para sa amin. Sumusunod lang ako, at may handlers naman na nakakaalam kung ano ang restrictions para sa amin, kung hanggang saan lang.

"Happy lang ako rito sa bagong teleserye namin ni Melissa, kasi marami kaming makakasama ritong mahuhusay na artista, like Rio Locsin, Allan Paule, Gina Alajar, and more. Marami kaming matututunan sa kanila. Thankful kami ni Melissa sa ibibigay nilang support sa amin."

Continue reading below ↓

JAKE & MELISSA. Wala ring basta maiko-comment na negatibo si Matt tungkol sa napapabalitang panliligaw ni Jake Cuenca kay Melissa.

"At first, naisip ko lang, single naman si Melissa. Ganoon din si Jake. Puwedeng ligawan ni Jake si Melissa, at hindi ako against kay Jake dahil kilala ko naman siyang mabait na tao.

"Kaibigan namin si Jake, e. Yung sa loveteam lang, medyo nag-alala ako. Kapag ganoon, nanghihinayang ako na baka masira yung love team, di ba? Personal na kasi nila 'yan, if ever. Tingin ko naman, hindi rin siguro aabot sa masisira na lang ang love team namin ni Melissa," pagwawakas ni Matt.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kaibigan namin si Jake, e. Yung sa love team lang, medyo nag-alala ako. Kapag ganoon, nanghihinayang ako na baka masira yung love team, di ba? Personal na kasi nila 'yan, if ever. Tingin ko naman, hindi rin siguro aabot sa masisira na lang ang love team namin ni Melissa," says Matt Evans about reports that Jake Cuenca is courting Matt's screen partner, Melissa Ricks.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results