Watch Now

Allan Paule loves showbiz despite sham and pretentions

by Archie de Calma
Mar 30, 2009
Allan Paule says he has learned to love showbiz and its faults. "Hindi na maiaalis yun. Ayokong maging ipokrito. Lalo sa trabaho natin, feeling mo kaibigan mo, hindi pala. Just go with the flow."


May time noon na nasabi ni Allan Paule na gusto na niyang mag-migrate sa ibang bansa. Ito ay noong panahong mawala ang mentor niyang si Lino Brocka, na sa palagay niya, yun na rin ang katapusan ng career niya.

"Yung sistema lang, hindi ko gamay kaya naisip kong ganoon," sabi ni Allan. "Hindi ako probinsyano, pero ewan, laki ako sa Bulacan, e. Medyo mahiyain ako.

"Parang napilayan ako nang mawala yung guide, naisip ko lang na wala na, ayoko na," sabi pa ni Allan.

Kung babalikan ang time na yun, ano ang nararamdaman niya sa biglang pagkamatay ni Brocka?

"May panghihinayang lang," sabi pa niya. "Hindi naman doon natatapos ang lahat. Kailangang mag-move on na lang. Ang ginawa ko noon, nag-concentrate ako sa theater, mga dalawang taon din yun.

"Doon ako nakapag-umpisa ng panibago, na wala na si Lino. Sinubukan ko sa sarili ko kung hanggang saan ang kapasidad ko na wala na yung maestro ko," pagbabalik-tanaw ng mahusay na aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HATING THE "SYSTEM." Naririto pa rin nga si Allan, pagkatapos na mailunsad siya noong 1987 sa Macho Dancer, nakalabas pa siya sa ilang mahahalagang pelikula ni Brocka noon bago ito mamatay sa isang vehicular accident noong 1991.

"Buhay na buhay pa rin sa akin ang ideyalismo ni Brocka," sabi na lang ni Allan.

"Kumbaga sa pamilya, siya ang naging magulang ko. Nanay at tatay kumbaga, siya ang nagsasabi sa akin ng mga dapat at hindi dapat.

"Masalimuot ang showbiz without Lino Brocka. Magulo, pero hindi mo basta maiiwan dahil masaya, e. Pero, minsan, kailangan talagang i-detach mo ang sarili mo sa sistema.

"Mahirap magpalamon sa sistema. Yung showbiz lifestyle na baka hindi mo makayanan, doon papasok yung magda-drugs ka na. Magiging alcoholic ka. Kailangang humiwalay ka muna sa ganoong mundo at tratuhin lang ang showbiz bilang trabaho. May iba pa tayong buhay," patuloy ng aktor.

Para nga raw mga doktor na nasa ospital, pero sa paglabas, puwedeng makipag-inuman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Normal lang. Kumakain sa labas. Ganoon lang ang ginawa ko. In-enjoy ko lang, para hindi naman sumama ang loob ko," aniya pa.

Inamin ni Allan na may mga sama ng loob pa rin siya sa showbiz.

"Hindi na maiaalis yun," sabi pa niya. "Ayokong maging ipokrito. Lalo sa trabaho natin, feeling mo kaibigan mo, hindi pala. Just go with the flow."

STILL ENDING UP IN SHOWBIZ. Hindi na nga maiiwan ni Allan ang showbiz. Hayan nga't kasama siya sa cast ng Kambal sa Uma, bagong teleseryeng mapapanood sa afternoon slot ng ABS-CBN starting this April.

"Nagpunta na ako sa Amerika noon, stayed there for three months," sabi pa niya. "Na-try ko rin sa Europe, six months ako roon. Nag-Japan din ng three months. Bumabalik pa rin ako sa Pinas, kasi, hinahanap ng katawan ko.

"Kailangang subukan mo lang ang lahat hanggang kaya mo pa," sabi pa niya.

At nakatulong din yung grupo na kinabibilangan niya hanggang ngayon, na alam naming sa simula pa lamang ay mga nakatuntong na sa lupa—ang manager niyang si Ed Instrella at ang iba pang nasa kuwadra nito kumbaga, like Jaclyn Jose, Cherry Pie Picache, Gardo Versoza, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Makukuha sa tiyaga. Magsikap ka palagi at mahalin mo ang trabaho, maganda ang magiging balik sa 'yo. Lahat ng propesyon, hindi araw-araw, maganda ang turnout.

"Ipon lang, hangga't mayroon. Hindi mo talaga alam ang puwedeng mangyari. Medyo paghandaan lang," sabi na lang ni Allan bilang pagwawakas.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allan Paule says he has learned to love showbiz and its faults. "Hindi na maiaalis yun. Ayokong maging ipokrito. Lalo sa trabaho natin, feeling mo kaibigan mo, hindi pala. Just go with the flow."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results