Former teen star Donna Cruz hooked on marathon runs

by Ricky Calderon
Mar 31, 2009
Former teen sensation Donna Cruz keeps herself busy by joining marathons in Cebu City.

Super hooked na talaga sa running marathons ang semi-retired actress-singer na si Donna Cruz. Sa e-mail niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) last March 30, ibinalita ni Donna na nag-number one siya sa 5K division ng marathon na sinalihan niya noong March 29 sa Cebu City.

Wala nga lang siyang award kahit na siya ang nag-top sa women's division ng 5K run dahil kokonti lang ang participants, like mga 100 hundred runners lang. Yun lang daw mga kasali sa 10K run ang may award ang Top 10 finishers.

Ayon pa sa email ni Donna, nag-decide na lang siya na sa 5K run sumali dahil masakit ang kanyang puson because of her monthly period. Pero sa susunod na run niya on Sunday (sa Cebu pa rin) ay sa 10K run na uli siya sasali.

Donna finished with a time of 23:44 minutes, pero shorter daw ang distance na ito by 500 hundred meters kaya sabi niya bagong record na rin ito para sa kanya. Kasi ang dating oras niya for 5K run ay 25 minutes plus compared sa dati niyang oras na naitala na 30 minutes. Sabi pa ni Donna, malaki na ang improvement sa kanyang running time.

Continue reading below ↓

Nagpapasalamat si Donna sa kanyang asawa na si Yong Larrazabal at sa kanilang trainer dahil talagang bumilis ang oras niya. Hopefully, ang goal niya ay ma-break ang 57 minutes na itinala when she joined the UP Diliman 10K run last March 1, kahit na by one or two minutes lang. Iyon pa lang kasi ang second time na sasali siya sa isang 10K run.

Malapit na rin ang kanyang Big Sur Marathon sa April 30 na gaganapin sa San Francisco Sur Marathon na gaganapin sa April 26. Excited na si Donna sa pag-compete dito.

Read Next
Read More Stories About
Donna Cruz, Yong Larrazabal
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former teen sensation Donna Cruz keeps herself busy by joining marathons in Cebu City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results