Karylle invited ex-boyfriend Dingdong Dantes to her birthday party

"Hindi, kasi hindi mo naman mapipilit ang isang tao, e. At saka kung dumating yun, it's a nice thing. For me kasi on my side, I did something for my self, na hindi ko naisip na magagawa ko at this point. So, nagawa ko yun na feeling ko totoo naman na I want to make peace," says Karylle about ex-boyfriend Dingdong Dantes's non-appearance at her birthday party.


Excited si Karylle sa first full-length soap niya sa ABS-CBN, ang Komiks Presents Maruja, na mapapanood tuwing Sabado ng gabi starting May 2. Una kasi siyang lumabas sa I Love Betty La Fea, pero special guest nga lang siya roon. Dito sa Maruja ay isa na siya sa mga bida, kasama sina Kristine Hermosa, Derek Ramsay, John Estrada, Ms. Gloria Romero, Bing Pimentel, at Enchong Dee.

"Oo, excited ako kasi ito yung first full length drama ko. Alam mo yun, kasama ako sa pictorial," masayang pahayag ni Karylle sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the break sa pictorial ng Maruja kahapon, March 30, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Ano ang role niya sa Maruja?

"Ako rito si Helen Rivera. Half-sister ko si Kristine. Para kaming best friends, sobra kaming close. Medyo accident-prone siya, so ako yung parang savior niya. Parang pinoprotektahan ko siya kasi lagi siyang nag-i-sleepwalk at kung saan-saan siya napupunta. Kahit na ate ko siya, parang kailangan may extra alaga ako sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARUJA CO-ACTORS. Kumusta ang working relationship nila ni Kristine Hermosa?

"First time ko siyang makatrabaho pero okay naman. Very, very nice. Maganda kasi...hindi siya masyadong hectic [schedule] , so merong mga time na kuwentuhan lang, nagmemeryenda kami, kung anu-ano.

"Natutuwa ako kasi noong una, tingin ako nang tingin kay Kristine, sobra niya kasing ganda! Lalo na ngayon she lost weight, nag-haircut siya. Ako naman parang titig ako nang titig sa kanya, baka kung ano ang isipin niya. Ang sabi ko sa kanya, na-starstruck lang ako sa kanya kasi ang puti niya, ang ganda niya, so yun. Tapos eventually, na-overcome ko na yung pagka-fan ko, tapos kinakausap ko na siya. Noong una kasi nahihiya ako talaga!" natatawang kuwento ni Karylle.

So, can you say kaibigan mo na si Kristine ngayon?

"Oo, actually lahat kami. Yun nga, e, very light lang yung setup namin sa set. Alam mo yun, may time talaga to bond."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First time ding makatrabaho ni Karylle si Derek Ramsay at aminado rin si Karylle na katulad kay Kristine ay nahiya rin siya noong una sa aktor.

"Sobrang nahiya rin ako sa kanya noong una kasi first time ko rin siyang makatrabaho. Tapos yung first scene namin, hindi pa kami nag-uusap masyado. Although nag-workshop din naman kami together. Tapos nakapagkuwentuhan na kami. Napaka-interesting ng buhay niya kasi kung anu-anong sports ang ginagawa niya. Captain siya ng frisbee team niya. May injury siya dito [sa tuhod], tapos next week may bago na naman siyang injury, nag-rugby daw...

"Ang dami niyang ginagawa, tapos parang everyday yata siya nagte-taping. Hindi ko maintindihan kung paano siya nabubuhay. At may mga extra-curricular pa siya. Sobrang nakakainggit nga. Bukas nga magbi-beach naman daw siya. Tapos magwe-whale watching daw siya. Basta ngayon lang ako naka-meet ng taong ganyang active, parang in all areas talaga."

Ano ang aabangan ng mga tao dito sa Maruja?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, yung story as a whole, maganda na talaga. Tapos may element ito ng horror. Yung sa akin naman, siyempre, yung mga dramatic moments ko. Hindi ko naman maire-reveal pa kasi baka mapre-empt."

HAPPY WITH ABS-CBN. Masaya si Karylle na magagandang projects ang ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.

"Ay, sobra, parang nagsabay-sabay nga lahat! Nag-ASAP ako, tapos Betty La Fea, nailabas ko pa yung album ko. Nag-Myx celebrity VJ pa ako for March. May endorsements pa and magazine covers. Then, ito ngang Maruja."

Masasabi ba niyang mas masaya siya ngayon sa ABS-CBN kaysa noong nasa GMA-7 pa siya?

"Ayokong mag-compare. Generally, I'm very happy now. Ang dami lang talagang magagandang nangyari. Yun nga last birthday ko, sumayaw ako sa ASAP. Kahit na hirap na hirap ako doon sa ginagawa ko, they're pushing me kasi alam nila kaya ko. Talagang aalagaan ka. Sobrang dami lang talaga ng opportunities na dumadating. Ayoko naman mag-compare. Ako naman very thankful ako sa nagawa sa akin ng GMA, and I love everyone there naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano pa ba ang gusto niyang ma-chieve?

"Syempre, concert, kasi singer naman talaga ako. Ngayon nga nagkakaroon ng opportunity sa abroad. Like for June, I'm going to London. First time kong mag-show sa Europe. Ako naman, nagulat ako na parang kalilipat ko pa lang may ganun na."

JERICHO AND CHRISTIAN. Nali-link si Karylle ngayon kay Jericho Rosales, na alam naman ng lahat ay ex-boyfriend ni Kristine. Natanong tuloy ng PEP kay Karylle kung nagkaroon ba ng chance na mapag-usapan nila si Jericho ?

"Hindi naman namin napag-uusapan. At saka si Jericho, hindi naman talaga siya nanliligaw. More of parang marami lang tsismis, ganun."

So, ano ang real score sa inyo ni Jericho ?

"Dati pa kaming magkaibigan kasi we have the same management before when I was with Genesis. Kumbaga, we have the same person handling us kasi, so kahit papaano alam namin yung nangyayari sa isa't isa. Ang kanya kasi it's more of alalay kasi alam niya bago ako dito [ABS-CBN]. Isa siya sa mga kakilala ko here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How about ang isa pang nali-link sa kanya na si Christian Bautista, natuloy na ba ang panliligaw nito?

"Hindi ko naman masasabing nanliligaw na. I mean, ako kasi ayokong mag-assume na nanliligaw sila unless nagsasabi. E, wala namang nagsasabi. At saka sinasabi nila, we're friends. Totoo din naman din yun."

Pero in time, isa ba sa kanila ang posibleng maging future boyfriend niya?

"Hindi ko alam. Ayokong magsabi ng possibilities kasi hindi naman nanliligaw yung tao."

DINGDONG DANTES. Napapagod na rin ba siyang pag-usapan ang ex-boyfriend niyang si Dingdong Dantes?

"Hindi naman. If somebody has a question, I'll answer it. I have nothing to hide. Wala naman akong magagawa doon. People are curious and I can understand that. At saka parang it's not the same person yung laging nagtatanong, iba-ibang reporter or TV crew. They just want to hear it straight from your mouth. Pero I know naman it will die down naturally. Ngayon naman pakonti na nang pakonti, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, okay lang ba sa kanya na si Dingdong ay nababanggit pa rin ang name niya sa mga interviews ng aktor?

"Oo, kasi hindi naman maiiwasan, e. Tinatanong siya, sumasagot lang siya. Ang hirap naman masabihan na nagsusungit ka about the issue. Mas pangit pa yung dating minsan, di ba? Puwede mo naman sagutin nang konti."

May communication pa ba sila ni Dingdong?

"Minsan lang through text. Gaya noong birthday ko [last March 22], I felt like I wanted to make peace. Siyempre for yourself. So, yun, in-invite ko siya sa birthday ko."

Ayon kay Karylle, hindi raw sumipot si Dingdong at hindi rin siya binati ng "happy birthday" ng aktor. Na-hurt ba siya?

"Hindi, kasi hindi mo naman mapipilit ang isang tao, e," sagot niya. "At saka kung dumating yun, it's a nice thing. For me kasi on my side, I did something for myself, na hindi ko naisip na magagawa ko at this point. So, nagawa ko yun na feeling ko totoo naman na I want to make peace."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Feeling ba niya hindi pa ready si Dingdong na magkaharap sila ulit?

"I don't know. We will find out when we see each other. Pero I think pa-okay naman nang pa-okay."

Dahil siya nga ang gumawa ng move, ibig sabihin ba ready na siya to face Dingdong ulit?

"I think dadating naman yung time na ia-allow naman ni God pag ready na kayong dalawa."

Yung friendship between them possible pa ba?

"Siguro, in time. Hindi naman kasi iyon pinipilit. I mean yung friendship dadating din iyon in time."

ZSA ZSA AND DOLPHY. Hiningi rin ng PEP ang reaksyon ni Karylle tungkol sa urong-sulong na approval ng annulment ng kanyang parents na sina Modesto Tatlonghari at Zsa Zsa Padilla. Dahil dito hindi matuloy-tuloy ang kasalang hinihintay nina Zsa Zsa at Dolphy.

"Yung annulment kasi may mga things na I can't comment about, kasi under legal proceeding na nga. Sa Dad ko, hindi naman siya yung reason kasi hindi naman siya yung nagde-decide. Labas naman siya doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naawa ba siya sa mommy niya, especially noong last TV interview sa Divine Diva bago pumunta ng abroad for a series of shows, lungkot na lungkot kasi ito sa nangyayari sa annulment case?

"Hindi ko actually napanood. Kaya hindi ako maka-comment. At saka ayoko na ring mag-comment about the case kasi mamaya makatanggap ako ng letter from the court. Kasi pag under legal proceedings, bawal talaga. Mahirap nang ma-award."

Close ba sila ni Dolphy?

"Hindi kami ganung ka-close. Pero very supportive naman siya sa akin. Dun sa West Side Story, kinongratulate niya pa ako. So, na-touch naman ako."

Nabigyan na ba siya ng regalo ni Dolphy?

"Oo, last birthday ko actually. It's something to wear. Nice top."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN