Marvin Agustin confirms team-up with Jolina Magdangal in Adik Sa 'Yo

Fans of Marvin Agustin and Jolina Magdangal have something to rejoice about. The actor confirmed a report that they will soon reunite in the upcoming GMA-7 primetime series Adik Sa 'Yo.


Ang primetime series na I Luv NY ang siyang huling team-up nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal noong bagong lipat pa lamang si Marvin sa Kapuso network noong 2006. Ngayon, may balitang nasagap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na muling ibabalik ng GMA-7 ang love team ng dalawa via a primetime soap. Ito ay sa pamamagitan ng bagong seryeng Adik Sa 'Yo, na kung hindi kami nagkakamali ay hango sa kanta ng Rivermaya na "Hinahanap-Hanap Kita."

Ang Adik Sa 'Yo raw ang ipapalit ng GMA-7 pagkatapos ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa buwan ng Mayo. So far, hindi pa nagsisimula ang taping nito at magkakaroon pa lamang daw ng story conference pagkatapos ng Holy Week.

Nakumpirma ng PEP ang balitang ito kay Marvin nang makausap namin siya sa SOP kaninang hapon, April 5. Masaya niyang ibinalita ang kanyang new soap opera in GMA-7.

Excited din daw ang aktor sa balik-tambalan nila sa pag-arte ni Jolina. Magkasama sila ngayon sa weekly afternoon drama anthology na Dear Friend bilang hosts, although gumanap sila sa isang episode nito.

Romantic comedy ang tema ng Adik Sa 'Yo. This time, balik-original story naman ang Kapuso network pagkatapos ng sunud-sunod na adaptations nila from movies, komiks, and Asianovelas.

Ayon pa sa impormasyon na nakarating sa PEP, ang Adik Sa 'Yo ang pumalit sa Korean series adaptation na Coffee Prince na isasalang na sana. Pero balitang na-move ito dahil gusto ng GMA-7 na gumawa muna ng mga original story.

Sina Dennis Trillo at Jennica Garcia ang nababalitang magsisiganap sa Coffee Prince, although hindi pa ito kumpirmado. Pero sa Adik Sa 'Yo, may narinig kaming balita na bukod sa love team nina Marvin at Jolina, tampok din daw ang bagong team-up nina Dennis at Jennica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN