Annabelle Rama sues Ms. Wilma Galvante for grave slander

"Nagsisimba ako araw-araw. Nangungumonyon ako araw-araw. Hindi ako puwedeng mag-imbento ng kuwento. Kaya nasa korte tayo ngayon para malaman kung sino ang hindi nagsasabi ng totoo," says Annabelle Rama.


Dalawang magkahiwalay na kaso ang isinampa ng talent manager na si Annabelle Rama laban kay Ms. Wilma Galvante, ang SVP For Entertainment TV ng GMA-7. Ito ay buwelta ni Annabelle sa P7-million damage suit na isinampa ng lady executive laban sa kanya noong March 17. (Click here to read related story.)

Kasama ni Annabelle Rama ang kanyang legal counsel na si Atty. Agnes Maranan nang magsadya siya kahapon, April 15, sa opisina ni Quezon City Assistant Prosecutor Baltazar Morales.

Noong Martes, April 14, nagsumite ng 17-page reply si Annabelle Rama sa mga akusasyon ni Ms. Galvante. Mariing pinabulaanan ni Rama ang mga reklamo ni Ms. Galvante, pero kalakip ng kanyang sagot ang limang Compulsory Counterclaims.

Hinihiling ni Rama sa korte na bayaran siya ni Galvante ng P25.5 million para sa mga sumusunod: P20 million for moral damages, P5 million for exemplary damages, at P500,000 para sa attorney's fees.

Kahapon ng 3:30 p.m., pormal na isinampa ni Rama ang kaso ng grave slander or serious oral defamation laban kay Ms. Galvante. Pinagbibintangan ni Annabelle Rama na siniraan siya ni Galvante sa kanyang mga alaga, partikular na sa kanyang talent na si JC de Vera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GRAVE SLANDER. Pagkatapos niyang i-file ang kanyang demanda laban kay Ms. Galvante, humarap si Annabelle Rama sa media para ma-interview.

"Itong kaso na ipinayl ko ngayon, itong yung kasong slander," simula niya. "Ibig sabihin ng slander, hindi ako papayag na kung sinu-sinong tao, sisiraan ako, saka mga talent ko.

"Ang ginawa ni Wilma Galvante, ikinulong niya ang alaga ko. Ikinulong niya sa kuwarto niya at sinisiraan niya ako as manager. Hindi ako papayag ng ganoon. Ang feeling ko, parang sinusulot niya sa akin si JC kaya nagdemanda ako ng slander ngayon. Kasi, mga mali-mali ang paninira na sinabi niya kay JC.

"Kahapon, ang isinampa ng lawyer ko, counter-claim. Twenty-five million pesos ang damages.

"Sa posisyon ni Wilma na pangatlo siya sa network. SVP siya sa Entertainment [TV], masama yung ginawa niya sa talent ko. Dumidirekta siya sa lahat ng talent ko. Ginawa rin niya ito kay Heart Evangelista, kaya hindi ako papayag na isa-isahin niya ang mga talent ko para siraan ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ng talent manager na dahil kay JC kaya siya idinemanda ni Wilma.

"Si JC ang prime witness, dahil idinemanda ako ni Wilma dahil kay JC. So, JC has to testify kung ano talaga ang nangyari sa loob ng kuwarto ni Wilma Galvante.

"Noong una, si JC hindi umamin sa akin. Kasi ang gusto niya talaga, peace. Ayaw niya na may gulo kaya hindi siya nagsalita. Pero nang idemanda na ako ni Wilma dahil sa kanya, nagsalita na siya. At hindi ko siya pinipilit, hindi ko siya tinuturuan. Kung ano yung nangyari sa loob ng kuwarto ni Wilma, 'yan ang sinasabi sa kanyang affidavit," saad ni Annabelle.

NO SETTLEMENT. Matigas din si Annabelle sa pagsasabing hindi siya makikipag-areglo kay Ms. Wilma.

"Hindi ako handa sa mediation," deklara niya. "Ipagpatuloy ko na ito. Inumpisahan niya, tatapusin ko. Nanahimik na ako ng one month. Hindi na ako kumikibo, kasi nakikiusap sa akin si Atty. [Felipe] Gozon na tumahimik na ako, hindi na ako magsasalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tumahimik na ako. Sinunod ko yung boss ko. Ngayon, hindi naman siya [Wilma] sumusunod sa usapan. Idinemanda niya ako. Sabi ko, lalabanan ko na siya. Hindi ako papayag na apak-apakan niya ako.

"Basta ipaglalaban mo ang karapatan mo, wala kang katatakutan kaya hindi ako takot sa kanya. Para sa akin, ginagamit niya ang power niya sa GMA. Inaabuso niya masyado. Inaabuso niya ang power niya kaya kailangan itong si Wilma, mabigyan ng leksiyon.

"Marami sa mga talent, mga managers na nagrereklamo sa kanya na takot humarap. Mabuti nga, nandito ako, naipaglalaban ko ang ibang managers na katulad ko," saad ni Annabelle.

Matagal daw pinag-isipan ni Annabelle na magsampa rin ng kaso laban kay Ms. Wilma.

"Matagal din," aniya. "Pinag-mitingan namin ng family ko. Alam nila na tama ako. Kung hindi siya nagdemanda sa akin, dapat walang nangyaring ganito."

HER ARTISTS WILL NOT BE AFFECTED. Kampante si Annabelle na hindi maaapektuhan ang mga alaga niyang nasa GMA-7 sa legal battle nilang ito ni Ms. Wilma. Bukod kay JC, kabilang sa mga talent ni Annabelle sa Kapuso network ngayon ay ang mga anak niyang sina Richard at Raymond Gutierrez, ang magkapatid na sina Ehra at Michelle Madrigal, Bubbles Paraiso, Arnell Ignacio, TJ Trinidad, at ang asawa niyang si Eddie Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman," sambit niya. "Kasi ako, hindi lang pamilya ko ang ipaglalaban ko. Itong mga talents ko, napamahal na sa akin. Parang mga anak ko na sila. Ayaw kong api-apihin sila ng isang malaking tao.

"Dapat si Wilma, huwag makialam kasi may manager naman ang mga talent ko. Para kausapin ang mga talent ko at sira-siraan ako, hindi ako papayag sa ganoon."

Ano naman ang naging reaksiyon ng asawa niyang si Eddie sa desisyon niyang idemanda si Ms. Wilma?

"Sumama ang loob ni Eddie," sagot ni Annabelle. "Pero ayoko siyang makialam, kasi kaoopera lang ng puso niya, ng kanyang angioplasty. Sabi ko, 'Kaya ko itong mag-isa, okey lang. Relax ka lang diyan.'

"Ang sabi niya, hindi siya natutuwa sa nangyayari. Na sobrang pakikisama namin, na sobrang pagod namin sa lahat ng klase ng trabaho, ito pa ang igaganti sa amin."

Hindi ba siya napapagod sa dami ng kasong kinahaharap niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa sipag-sipag kong ito, ala-sais pa lang, gising na ako. I don't think na mapapagod ako, kailangan ko ng exercise," sabi niya.

"CONSPIRACY" AGAINST RICHARD. Nagbigay rin ng pahayag si Annabelle tungkol sa P25-million libel case na isinampa ng kanyang anak na si Richard laban sa PEP (Philippine Entertainment Portal). May theory si Annabelle kung kanino nagsimula ang istorya na nailathala rito sa PEP tungkol sa "altercation" diumano nina Richard at Michael Flores sa birthday party ng Zorro director na si Mark Reyes.

"Actually, ngayon ko lang aaminin sa inyo. Noong April 8, may nag-text na sa akin. Sinabi na sa akin ang grupo, kung sino yung gumagawa ng imbento sa PEP. Yung paninirang-puri sa PEP kay Richard.

"Aaminin ko na sa inyo, may nag-text sa akin, na ang behind sa PEP story, e, si Wilma Galvante. Ayaw kong banggitin yung mga kasama niya, kasi ang kasama niya, talagang inggit na inggit kay Richard. Gusto talaga na pabagsakin si Richard. That's their plan now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ilabas nila ang mga witness nila. Kaya nga itinuloy ni Richard ang demandang ito para magkaliwanagan. Magkalabasan tayo ng witness, okay?" pahayag ng ina ni Richard.

Natanong din kay Annabelle ang tungkol sa pagbaba ng rating ng Zorro, ang fantaserye na pinagbibidahan ni Richard. Ayon sa latest overnight ratings ng AGB Nielsen Philippines sa Mega Manila households, mula sa No. 2 ay bumaba sa No. 4 ang Zorro noong Lunes (April 13), at No. 6 noong Martes (April 14).

Ayon kay Annabelle, may kinalaman din diumano rito si Ms. Wilma.

"Pinakialaman yung rating ng Zorro, pinakialaman yung commercial. Talagang idinemote niya [Wilma] yung anak ko para i-discourage ang GMA.

"Maraming-maraming salamat at alam ko na maniniwala si Atty. Gozon na yung rating ng Zorro, fake. Hindi totoo 'yon. Sino ang maniniwala na No. 4 ang Zorro? I don't think na may maniniwala. 'Day, alam ko kung sino kayo na gumawa ng kalokohan sa anak ko. Parusahan sana kayo ng Diyos!" saad ni Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw sinusuportahan ni Ms. Wilma ang anak niya.

"Hindi ko nga maintindihan e," sabi ni Annabelle. "Di ba, dapat executive siya, ang support niya, sa anak ko. Kaya lang, walang moral support kay Richard. Actually, hindi naman siya ang nag-aasikaso kay Richard. Direct ako doon sa ibang group. Ang nag-aasikaso kay Richard, may ibang grupo din."

MESSAGE TO WILMA. Sa huli, nagbigay ng kanyang mensahe si Annabelle.

"Mangumpisal ka kasi masama 'yan. Hindi ka tatanggapin sa Itaas. Pupunta ka sa impiyerno sa ginagawa mo sa akin. Umamin ka. Walang masamang umamin. Wilma, pagsisisihan mo lahat itong ginawa mo sa akin.

"Ako'y nakikiusap sa 'yo na sana magsabi ka ng totoo. Huwag ka nang magsinungaling. Wilma, magsisisi ka.

"Noon ko pa sinabi na ayoko makaaway ka. Minahal kita kaya nga naubos ang pera ko, kabibigay sa 'yo dahil minahal kita, tapos ganoon pa ang igaganti mo sa akin? Pang-iipit sa mga talent ko? Mali 'yon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagsisimba ako araw-araw. Nangungumonyon ako araw-araw. Hindi ako pwedeng mag-imbento ng kuwento. Kaya nasa korte tayo ngayon para malaman kung sino ang hindi nagsasabi ng totoo.

"Ipinahiya niya ako sa lahat ng buong Pilipinas. Ini-email niya ang lahat ng press people na idinemanda niya ako ng P7 million kaya nahihiya ako. Sobrang pagkapahiya ang ginawa niya sa akin."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close