Marian Rivera willing to wear two-piece costume in her next TV project

by Nitz Miralles
Apr 17, 2009
"Nahihiya ako dati na isiping maglalakad ako sa kalye na naka-two-piece. Pero sa dami na ng pinagdaanan ko at dami ng commercials na naka-two-piece ako at nagpa-pictorial na rin ako na yun ang suot, kaya ko na. Sayang naman kung tatanggihan ko ang project dahil lang kailangan kong mag-two-piece. Gagawin ko na lahat ngayon," says Marian Rivera.

Sa April 22, Tuesday, na ang last taping day ng GMA-7 primetime series, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Ikinuwento na sa amin kung ano ang eksenang kukunan at kung ano ang magiging ending ng soap. Abangan na lang ng kanilang fans kung paano magwawakas ang love story nina Proserfina (Marian) at Homer (Dingdong Dantes).

Kung susundin ang calendar ng manager ni Marian na si Popoy Caritativo para sa aktres, ang paggawa ng pelikula naman ang aasikasuhin nito.

May tatlong movie projects kasi na gagawin si Marian sa Regal Entertainment. Una rito ang comedy movie nila ni Vhong Navarro na wala pang title. Sunod niyang gagawin ang movie nila ni Dennis Trillo, ang Tarot, na pang-Halloween presentation. Last ang Nieves na entry sa 2009 Metro Manila Film Festival.

DARNA OR NOT? Hindi naman pelikula na lang ang pagtutuunan ng pansin ni Marian ngayong taon dahil pinaghahandaan na rin ang next show niya sa GMA-7. Ang hula ng marami at batay na rin sa clue na ibinigay ni Marian, Darna ang kanyang susunod na gagawin.

Continue reading below ↓

Pero isang source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nagsabing hindi ito ang next project niya. Bawal ang spoiler, kaya maghintay na lang tayong lahat at baka magbago pa ang isip ng management ng GMA-7 at Darna nga ang ibigay kay Marian.

Ang hindi nagbabago ay ang ibinigay na clue ni Marian na: "Hindi siya light, mabigat siya at hindi ganun kadaling gawin. Sabi sa akin, ikundisyon ko na ang sarili ko dahil triple ang hirap ng gagawin ko dito kumpara sa Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang."

Naalala namin nang tinanong si Marian kung ang next series niya ay two-piece ang costume niya. Kaya siya tinanong dahil in an earlier interview, sinabi nitong hindi niya kayang mag-two-piece. Paano kung i-require siyang mag-two-piece sa next series niya?

"Nahihiya ako dati na isiping maglalakad ako sa kalye na naka-two-piece. Pero sa dami na ng pinagdaanan ko at dami ng commercials na naka-two-piece ako at nagpa-pictorial na rin ako na yun ang suot, kaya ko na. Sayang naman kung tatanggihan ko ang project dahil lang kailangan kong mag-two-piece. Gagawin ko na lahat ngayon," saad ni Marian.

MARIAN VS. CARLA. Kaugnay ng mga pelikulang gagawin ni Marian, nakatakdang mag-renew ng kontrata si Marian sa Regal next week. Bukod sa contract signing, may presscon din at dun ilalatag ang mga susunod niyang movie projects.

Ang Nieves ang huli sa eight-picture exclusive contract na unang pinirmahan ni Marian sa Regal, at kailangan na nga niyang mag-renew. Hindi nabanggit ni Mother Lily Monteverde kung another eight-picture contract ang io-offer niya sa aktres o baka dagdagan pa.

Ang ipagre-react ng fans ni Marian ay ang ibinalita ni Mother Lily na kasama sa cast ng Nieves si Carla Abellana, ang newcomer na ibi-buildup ng Regal at GMA-7.

"Mainit ang dugo" ng ibang fans ni Marian kay Carla dahil sa statement sa first interview niya na oo nga't pareho silang graduate ng De La Salle ni Marian, pero siya ay summa cum laude. Hindi yun nagustuhan ng fans ni Marian.

Pero nagpaliwanag si Carla na wala siyang masamang ibig sabihin at in-admire daw niya si Marian. Nang magkita nga sila sa trade party ng GMA Network, nagpakuha pa siya ng litrato kasama si Marian bilang patunay na hinahangaan at nirerespeto niya ang aktres.

Continue reading below ↓

Naalala rin namin na nabanggit ni Carla na payag siyang makatrabaho si Marian, at ganun din naman si Marian. Hindi raw siya namimili ng makakasama. Ang GMA-7 at Regal daw ang bahala rito.

Well, dumating na ang pagkakataong magkasama sa isang project sina Marian at Carla, at ang Regal at si Mother Lily ang unang nakaisip nito. Sa TV, malabo pang pagsamahin sila dahil ilu-launch muna si Carla sa Rosalinda at si Marian naman ay maghahanda na sa bago niyang teleserye.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nahihiya ako dati na isiping maglalakad ako sa kalye na naka-two-piece. Pero sa dami na ng pinagdaanan ko at dami ng commercials na naka-two-piece ako at nagpa-pictorial na rin ako na yun ang suot, kaya ko na. Sayang naman kung tatanggihan ko ang project dahil lang kailangan kong mag-two-piece. Gagawin ko na lahat ngayon," says Marian Rivera.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results