Sisters Maxene and Saab Magalona end their rift

by Rose Garcia
Apr 19, 2009
Maxene to sister Saab: "I was really waiting for her to say that kasi yung isang problem niya, hindi siya marunong mag-sorry. Masakit talaga for me na hindi siya pansinin because she's my best friend. But I also did that because I wanted to help her as well. I wanted her to realize how much that small word can do. Ginawa naman niya at nakita niyang that was all that I was waiting, too. Thank you and I love you so much and I miss you also."

Hindi lingid sa publiko ang naging gusot sa pagitan ng magkapatid na sina Maxene at Saab Magalona. Pagkatapos ng mahabang panahon ay nagkaayos ang dalawa nang pumanaw ang kanilang ama, ang Master Rapper na si Francis Magalona.

Nakausap ng Startalk ang magkapatid sa 40th day ng pagkamatay ni Francis. Kinumpirma nina Maxene at Saab na okey na sila ngayon.

Ayon kay Maxene, "Ganoon naman talaga. Any family, may mga away naman talaga na nangyayari. At kami ni Saab, kami yung best friend sa family. Kami yung pinaka-close."

Sabi naman ni Saab, "Parang yung mga ganoong away, it's not important anymore."

Dagdag ni Maxene," Parang yung mga ganitong away, wala lang. It's a glitch na puwede namang maayos."

Aminado si Saab na sa away nilang ito ni Maxene, siya talaga ang may kasalanan.

"Of course, I'm the one sorry because I'm the one at fault. Hindi kasi ako sanay mag-sorry. Kasi before, kapag nag-away kami, one hour later, okey na kami. Nagtatawanan na kami. Parang hindi ko kailangang mag-sorry. Parang I feel na hindi niya ako pinapansin, so yun, tapos bati na kami," saad ni Saab.

Continue reading below ↓

Na-appreciate naman daw ito ni Maxene. Kaya nang mag-sorry ang kapatid, okey na agad.

Sa pangyayaring yun, alam daw nilang napasaya rin nila ang ina na si Pia Arroyo-Magalona at ang kanilang ama, wherever he is.

"Yeah, right now, ang ginagawa namin talaga, we see to it na mapapasaya namin ang mom namin," sabi ni Maxene

Ayon naman kay Saab, "Everything that I do now, I have to think na of the family."

Ayon sa dalawa, kapag nag-aaway raw sila, ang ina nila ay walang kinakampihan isa man sa kanila.

"One time nga nag-away kami, yung mommy ko, parang, 'O, Saab...' Siyempre, noong nag-away kami, I know na nalungkot ang mommy ko. Pero nang magbati na kami, nag-text ako sa kanya and I said, 'Hi Mom, I'm peace with Max now, I hope it made you happy.' Tapos sabi niya, 'Hallelujah!'" natatawang kuwento ni Maxene.

Mas lumaki ba ang responsibilidad nila magmula nang pumanaw ang kanilang ama?

Continue reading below ↓

Ayon kay Maxene, "Of course, lahat kaming malalaki... Si Ate ko, si Kuya, ako, si Saab, at pati si Elmo na rin, kasi tumatanda na rin si Mo. Ayun, as we grow older, mas lalo kaming nagma-mature.

"And of course, now that Papa is gone, mas lalo naming na-realize that we have our responsibilities now. Each one of us, not just me but all of us, nagtulung-tulong kami na ginagawa namin ang part namin. Kung paano namin matutulungan ang family."

Ayon pa kay Maxene, ang pagiging mas close daw nila ang isang naging pagbabagong napansin niya nang mawala ang ama.

"Naging close. Lahat kami, naging close," aniya.

Sabi naman ni Saab, "Ako naman, ayoko na ng nagsisinungaling. Ipinapaalam ko talaga kay Mama kung ano ang gagawin ko. Gusto ko, kung ano ang gagawin ko, okey sa kanya."

Since sa June ay Fathers Day, ano ang plano nila to honor their father on that day?

Continue reading below ↓

"Definitely, magkakaroon kami ng something like this again...yung concert. Siguro, gagawin namin on his birthday."

May mensahe ba sina Maxene at Saab sa isa't isa?

Saab: "Max, I want to thank you that you didn't give me a hard time sa pagso-sorry...yun lang. I love you, I love you... Matagal ko na rin wini-wish maging mature. Even in my heart, noong matagal tayong hindi nag-uusap, I've always wanted to talk to you."

Maxene: "Gusto kong sabihin sa 'yo na kahit noong hindi tayo nag-uusap at nagpapansinan, I'm praying for you every night. I was praying to God na sana, safe ka palagi. Hindi mo lang alam, pero pinagpi-pray ko talaga yun palagi and I'm glad na He kept you safe and He made a way for us to make peace, and I'm thankful for that. And I'm thankful for the one sorry you gave me because that means a lot to our relationship.

Continue reading below ↓

"I was really waiting for her to say that kasi yung isang problem niya, hindi siya marunong mag-sorry. Masakit talaga for me na hindi siya pansinin because she's my best friend. But I also did that because I wanted to help her as well. I wanted her to realize how much that small word can do. Ginawa naman niya at nakita niyang that was all that I was waiting too. Thank you and I love you so much and I miss you also."

Kung sakaling buhay ang ama nila, anong words of assurance ang puwede nilang ibigay kay Francis?

Ani Maxene, "Papa, yun, ayoko nang makipag-away kay Saab o kahit kanino sa mga kapatid ko. Ayoko nang magkaroon ng ganoong kalaking away. Of course, our fight is normal naman, but ayoko nang magkaroon ganoon kalaking away. I know that it really broke his heart. I promised to Papa that I will be a better sister and be a better daughter as well."

Continue reading below ↓

Ayon naman kay Saab, "Papa, I promise that I will be a better daughter. Everything I'm going to do talaga, I'll do it now for you and mama and family. And I really want to show na whatever I do, they deserve a much better daughter and sister."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maxene to sister Saab: "I was really waiting for her to say that kasi yung isang problem niya, hindi siya marunong mag-sorry. Masakit talaga for me na hindi siya pansinin because she's my best friend. But I also did that because I wanted to help her as well. I wanted her to realize how much that small word can do. Ginawa naman niya at nakita niyang that was all that I was waiting, too. Thank you and I love you so much and I miss you also."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results