Angel Locsin reveals birthday gift to boyfriend Luis Manzano

"Ang future ko, hindi ko pa sure. Ang dami ko pa kasing gustong mangyari. Pero yung family ko, sobrang secured na sila," says Angel Locsin, who will celebrate her 24th birthday tomorrow, April 23.


Limited lang ang oras ng cast ng bagong primetime show ng ABS-CBN na Only You sa grand launch nito kagabi, April 21, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN. Kailangan pa kasi nilang bumalik sa taping para tapusin ang ilang mahahalagang eksena.

Kaya naman konting oras lang ang nailaan ng production at publicity group para sa question-and-answer portion ng buong cast at maging sa one-on-one interview sa mga bidang sina Angel Locsin bilang Jillian at Diether Ocampo bilang Jonathan. Wala ang isa pang bida na si Sam Milby, na gumaganap na TJ, dahil nasa U.S. pa ito kahapon, at ngayong araw, April 22, pa lang ang dating niya sa Pilipinas.

Pero bago ang presscon proper ay nag-cooking demo muna si Angel ng natutunan niyang bagong putahe, ang "talangkanin," na spicy-flavored rice topped mostly with seafoods, sa pangunguna ng taba ng talangka o aligue.

ONLY YOU. Sa Q&A, mostly about Only You at sa pagluluto ang naging mga katanungan ng entertainment press kay Angel Locsin, na magse-selebrate ng kanyang 24th birthday bukas, April 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil ba sa Only You kaya nahilig talaga siya sa pagluluto?

"Bago pa lang ako nagluluto, pero nagustuhan ko talaga siya."

Ano ang secret ingredient ng character ni Jillian?

"Naku, hindi ko po alam kung puwede kong sabihin. Iyan po ang kailangan n'yong abangan sa Only You. Ang masasabi ko lang, si Jillian ay meron talaga siyang magic sa kitchen."

Kung mga pagkain ang dalawang leading men niya na sina Diether at Sam, anong klaseng pagkain sila?

"Si Sam, siguro sushi or tempura. Kasi for me, napaka-elegante siyang tingnan, pero hindi siya kumplikado. Napakasimple lang. Si Diet, kasi si Diet, down to earth ito, e. So, masasabi ko, adobo."

Kung si Angel naman ay ulam, anong klaseng ulam siya?

"Favorite ko po kasi sinigang," sagot niya. "Unang-una, mahilig ako sa kanin. So, walang kuwenta yung sinigang kung walang kanin. Tapos, hindi rin siya kumplikado. Hindi maarte, simple lang. At saka madaling pakisamahan ang sinigang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING IN KOREA. Naitanong din during the Q&A ang tungkol sa karanasan ni Angel sa pagtatrabaho sa Korea, kung saan sila nag-stay for almost a month.

Noong nasa Korea ba sila, Korean crew o Filipino crew ang kasama nila?

"Both po, pareho po. Meron po kaming anim na Korean crew, yung iba Pinoy na. Yung isa pong Korean crew namin, nagpunta pa ng Boracay kasi naaaliw daw siya sa ating mga Pilipino dahil lagi raw tayong nakatawa. Kahit may problems, tawa lang daw kami nang tawa. So, gusto pa niyang makilala nang mabuti ang mga Pilipino, kaya nagpunta siya ng Boracay."

Paano niya ikukumpara ang pagtatrabaho rito at sa pagtratrabaho sa Korea?

"Mas mahirap lang po sa Korea kasi bagong lugar. Mahirap kumuha ng permit. At saka dito kasi, kilala na namin ang mga tao. So, madali nang pakiusapan, kunwari huwag titingin sa camera. Pero okay naman po. Sa Korea lang, sobrang lamig ng weather nung nandun kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-miss niya ba ang Filipino food nung nadun sila o puro Korean food ang kinain nila?

"Noong una po. Pero ang mga Pinoy po doon, maasikaso po. Binigyan po kami ng mga Pinoy doon ng mga pagkaing Pinoy para hindi naman po kami magutom or magsawa sa mga bibimbap or sa mga bulgogi."

Ano ang ginagawa nila kapag hindi sila nagsu-shooting?

"Shopping! Si Iya [Villania], shopping buddies po kami. Actually, may isang araw na naka-wig po kami. Nag-wig po kami ni Iya, buong araw 'yan, kasi akala po namin hindi kami makikilala kasi Korea , walang masyadong Pilipino. Pero noong araw na yun, bonggang-bongga po talaga yung mga Pilipino. Nahihiya po kami kasi baka isipin nila baka nagtatago kami ni Iya. At saka nakapang-anime wigs po kami talaga."

LUIS MANZANO. After ng Q&A, nagmadali kaming lumapit kay Angel para makapagtanong ng ilang questions bago siya hilahin ng production para sa kanilang scheduled taping that evening. Mostly about Luis Manzano, Angel's boyfriend, ang naging topic ng tanong ng PEP kay Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga natikman na ba si Luis sa mga luto niya?

"Meron na ring iba. Pero hindi pa itong mga bago. Baka mag-propose kasi siya bigla, so huwag na lang!"

Ano yung mga natikman na niya sa mga niluto ni Angel?

"Natikman na niya...paborito niya kasi carbonara, shrimp, kahit itong talangkanin. Balak ko nga sanang ipatikim sa kanya ngayong gabi kaya lang medyo cannot be. Birthday niya kasi ngayon [April 21], e."

So, paano 'yan, may taping sila ngayon, anong balak nila?

"Nagpaalam naman ako sa taping. Magdi-dinner lang kami, tapos back to work na ulit."

Ano ang birthday gift niya sa bf?

"Naibigay ko na, dalawang pairs ng sapatos. DNG yung isa, basta kay Luis n'yo na lang tanungin."

Ano naman ang plano nila sa birthday niya sa April 23?

"May plano na siyang gawin. Mag-dinner lang din siguro. Di ko na alam yung iba pa niyang gagawin."

Na-miss ba nila ang isa't isa noong nagpunta siya sa Korea para sa shooting ng Only You?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobra! Pero siyempre, pinapaganda na lang namin yung Only You. Binubuhos na lang namin yung effort namin."

Ano ang nagpapakilig sa kanya kay Luis?

"Wow, hindi naman ako kinikilig!" sabay tawa ni Angel. "We're so happy lang kahit na magkahiwalay kami nang matagal. Ako nasa Korea, siya naman nasa Boracay. Wala kaming chance na mag-date talaga."

Paki-clear naman na umabot daw ng P50,000 ang cell phone bill nila?

"Ay, hindi naman!" sabi ng aktres. "Pag magkahiwalay naman kami, hindi naman kami yung maya't maya. Binibigyang freedom ko rin naman yung tao. Pag tinawagan niya ako, wow! Pag hindi, okay lang."

Sa dami ng work nilang dalawa ni Luis, paano nila nabibigyan ng oras ang isa't isa?

"Siyempre, nandun naman yung love, di ba? Hindi naman namin hini-hinder yung growth ng isa't isa. Ganun lang kami. Alam namin yung priorities namin."

Mas naging matatag ba ang relationship after ng mga problemang pinagdaanan nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, mas naging matatag kami."

GENEROUS ANGEL. Last Monday, April 20, ay nanalo si Angel ng P1 million sa game show ni Kris Aquino sa ABS-CBN na Pinoy Bingo Night. Fifty percent ng napanalunan niyang isang milyon ay ibinigay niya sa mga Bingoers o studio contestants. Twenty-five percent naman ang napunta sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan na kasama niya sa studio, habang ang natitirang twenty-five percent ay ibinigay niya sa charity.

Bakit nga ba siya "generous"?

"Hindi naman ako generous. Isine-share ko lang sa mga tao yung blessings ko. E, dati naman kasi, walang-wala rin kami, di ba? E, papaano kung... Siyempre yung trabaho ko, hindi naman permanente, di ba? Paano kung may mangyaring... Huwag naman sana... Pero kung may mangyaring hindi kanais-nais, parang ayoko lang makarama. Alam mo yun? Once na ako naman ang mangangailangan ng tulong, walang tutulong sa akin. Ayokong mangyari yun," saad niya.

Pero secure na ba ang future niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang future ko, hindi ko pa sure. Ang dami ko pa kasing gustong mangyari. Pero yung family ko, sobrang secured na sila."

Speaking of her family, nakaka-relate ba siya sa role niya as Jillian sa Only You dahil pareho silang pina-prioritize ang family?

"Yes, yun ang pinaka-core ni Jillian, e. Yun ang talagang weakness niya, yung family niya. She'll do everything to make her family happy. Ganun din ako. Ganun ko kamahal ang family ko," pagtatapos ni Angel.

Bukod kina Angel, Diether, at Sam, kasama din sa cast ng Only You sina Tirso Cruz III, Iya Villania, Dimples Romana, Bing Pimentel, Candy Pangilinan, Dick Israel, Al Tantay, Irma Adlawan, at Ella Cruz.

Directed by Rory B. Quintos, ang Only You ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi simula sa April 27 sa ABS-CBN Primetime Bida.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN