Edu Manzano spearheads "Ako Mismo" movement

"If you decide to run, you cannot choose. Or kung sino ang makakasama mo, halimbawa, [from] provincial board member to Congress. Ang importante is your willingness to serve. Sana lahat ng kasama mo, iisa ang layunin ninyo," replies Edu Manzano when asked of he is willing to run on the same ticket as Senator Bong Revilla.


Umugong ang usap-usapan na any moment ay magdedeklara na ang aktor at Optical Media Board Chairman na si Edu Manzano ng kanyang kandidatura bilang senador sa 2010 elections. Agad naman itong binigyang linaw ni Edu nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng kanyang game show sa ABS-CBN, ang Pilipinas, Game KNB?.

"No, hindi naman opisyal... Nandun yung mga nagko-convince sa 'yo," paglilinaw ni Edu.

AKO MISMO. Walang announcement na inihayag so far si Edu, pero may magaganap daw na isang importanteng paglulunsad ng isang movement.

"This is an advocacy naman na ilu-launch end of the month," sabi niya. "Ang pangalan, 'Ako Mismo.' Lahat tayo, we take responsibility na, you know, marami tayong personality na involved. It's non-political. Bawal ang politician.

"Pero, kumbaga nga, like may magsasabi na taxi driver, kinunan namin siya. Sabi niya, 'Hindi na ako mangongontrata.. Ako mismo, ako mismo nagbabayad ng tamang buwis. Hindi ko na aasahan ang gobyerno na pagandahin ang kuwalidad ng buhay ng pamilya ko. Ako mismo ang gagawa ng paraan.' So, we should launch it by the end of the month."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga taga-showbiz bang kasali sa kanyang advocacy movement?

"Magugulat kayo. Kasi nakakakuha ako ng [permit]...last year pa. Kaya lang, medyo may kamahalan kahit sabihin na advocacy lang. We were able to put sponsors sa tulong ng isang advertising agency. Nakunan na kahapon yung iba. Today, meron din and the whole week, kinukunan namin.

"Walang fundraising ito. No money involved," paglilinaw ni Edu. "It's a call-to-arms na huwag na nating laging iasa ang buhay natin sa iba. Kaya 'Ako Mismo. Ako mismo ang ang gagawa ng paraan.'"

Si Edu raw ang nakaisip na ang ibigay na pangalan sa kanilang advocacy movement ay "Ako Na." But they hired people from advertising agency na nakausap nila hanggang sa mapagdesisyunan na gawin na itong "Ako Mismo." At isa sa tumulong sa kanila ay ang DBP Cares.

NO POLITICIANS ALLOWED, INCLUDING GOV. VI. Hiningan din ba niya ng tulong ang kanyang ex-wife na si Batangas Governor Vilma Santos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, bawal ang pulitiko dito. Kahit volunteers," sabi ni Edu.

Kahit kilala rin naman si Governor Vi bilang Star For All Seasons?

"No, kasi baka isipin ng tao it's being manipulated. Alam mo ang tao, masyadong cynical and sometimes... So, sometimes, sa mga tutulong, sakaling gustong mag-endorse ng pulitiko, umalis na kayo. Kasi tuluy-tuloy na ito, e. Even after election. Ang commitment, tuluy-tuloy na."

PRELUDE TO 2010? Puwedeng isipin ng iba na simula na ito ng kanyang pangangampanya if ever tumakbo siya sa 2010. Ano ang masasabi ni Edu rito?

"No," tanggi niya. "We think about running, but first of all, I'm still working with OMB. We even have member from the clergy. Ang problema ko kasi, if I decide to run, I have to give up my work November pa lang."

May haka-haka rin na tatakbo bilang senador si Edu sa 2010 under the administration party. Totoo ba ito?

"No, actually, wala pa kaming team," sagot niya. "Kaya nagkaroon ng espekulasyon dahil napasok [ang pangalan ko] sa Pulse Asia survey. Pero hindi naman kami ang nagpalagay ng pangalan. Nag-random sila ng 65 individuals kaya yun ang lumabas. I'm on number seven sa kanilang list."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Personally, alin kaya ang puwede niyag pasuking partido sa 2010—sa administrasyon ba o sa oposisyon?

"Yung plataporma," sagot niya. "That's why puwede namang maging independent, e. I mean, it doesn't really... Si Kiko [Francis Pangilinan] nga, independent yun, e.

"You know, honestly, I think it's about time na ibalik na ang debate. We are only as good as the leaders we elect. Kaya minsan, hindi na tayo dapat magreklamo, e. Kasalanan din natin, e.

"That's why yun ang isa sa heart ng Ako Mismo. Kasi may mag-aano kung sino ang iboboto mo. A part of this is sabihin sa mga estudyante... Sila kasi ang biggest voting force ngayon, e—18 to 24 years old. Ang problema, karamihan sa kanila, hindi rehistrado. Kasi yung iba, ayaw na nila. Kasi ganyan na lang nang ganyan.

"Pero kasi, ang values mo talaga magbabago when you start having children and that's really... 14 years old na si Enzo, si Adi kaka-16 lang nitong April 1. Si Luis, believe it or not, kaka-28 na. Wala sa hitsura niya. 'Tsaka parang wala rin sa mindset. Pero college graduate siya," banggit ni Edu sa kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mag-aartista rin ba sina Enzo at Adi gaya ng Kuya Luis nila?

"Bahala sila. After graduation," tugon ni Edu.

Handa na ba siyang magka-apo?

"Oo, di ba? 54 na ako this year."

EDU-BONG IN 2010? Open ba siya sa idea na makasama sa tiket ang dating chairman ng Video Regulatory Board (na ngayon ay OMB na) at senador na si Bong Revilla?

"If you decide to run, you cannot choose. Or kung sino ang makakasama mo, halimbawa, [from] provincial board member to Congress. Ang importante is your willingness to serve. Sana lahat ng kasama mo, iisa ang layunin ninyo."

Hindi ba siya magba-backout kapag pareho silang nasa isang partido ni Bong sa 2010 election? Hanggang ngayon kasi ay may "word war" pa sina Edu at Bong dahil sa isyu ng piracy.

"Hindi mo rin masasabi. Baka kung hindi ka naman masasama doon sa mga mananalo, baka hindi ka pagbibigyan ng tulong sa mga projects. Kaya kailangan balansihin, e. Is it worth it? May naipon ka ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think we should also be thankful to Jinggoy Estrada. Jinggoy is number one in the survey, di ba? And he is also showing na ang artista, puwede ring gumawa ng magandang pangalan sa Senado. Tingnan mo siya, nagtatrabaho siya," saad ni Edu.

BIG FISH. Ibinalita naman ng OMB Chariman na nahuli nila kamakailan ang isang big fish sa mga namimirata ng mga pelikulang Pinoy at foreign.

"Ang tagal na naming hinahanap ito. Kasi ito, paikut-ikot. Pinasok namin siya sa De Jesus St. sa Baler. Siya si Lawrence Gatchalian alyas Lawrence Tiu. Dito lang sa may Pugadlawin.

"Nahuli namin ang kanyang factory. Tingnan mo ang Meralco billing niya, P140,000 and P143,000! Pero ang front ng bahay niya, mataas na bakod. Papasok ka, kakanan, kakaliwa ka

"Nahuli namin siya kasi si Usec. Bebot Villar ng PASG [Presidential Anti-Smuggling Group], sila ang first line of defense. Kasi itong mga makina, galing sa abroad. Hindi naman gawa dito, e. So, ang first line of defense mo talaga, dapat yung Customs at yung PASG.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, lately, yung PASG kasi, hindi nila alam kung anong klaseng makina 'yan, e. Kaya kailangan silang bigyan ng tulong ng OMB. So, kung meron silang nakikitang misdeclaration na spare parts, tools... Pero yun pala, makina, so baklas-baklas. Kaya tumatawag ang PASG.

"So, I guess, yung latest success nung OMB is because of the inter-agency cooperation. Magaling si Usec. Villar. 'Tsaka maganda, kasi alam mo, sila dapat ang mauna dahil anti-smuggling, di ba? So, bago nila ma-smuggle. Kapag nandito na, saka namin naging problema."

WEDDING RUMOR. Samantala, usap-usapan din ang pagpapakasal diumano ni Edu sa co-host niya sa Umagang Kay Ganda na si Pinky Webb

"May plano, e, noon," sabi ni Edu. "No, actually we thought about it. Pero doon lang muna. Parang apat ang ginagawa niyang [Pinky] shows. Peak ito ng career niya. Bata pa naman siya. She will be turning 39 on April 11."

Ibig bang sabihin pagbibigyan muna ni Edu si Pinky na i-enjoy ang magandang takbo ng career nito sa television?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, oo, nakita namin yun, e," sabi niya. "While we don't say na eto ang pinaka-peak, kita mo talaga. 'Tsaka, aaminin mo rin, magpi-54 na ako sa September 14. Sinong mag-aakala na mabibigyan pa ako ng break na ganito? Grabe!

"At hindi lang yun, yung iba, relegated to support yung ibang mga roles. Yung iba, nagpabaya rin. Or yung iba, hindi naging focus sa kanilang buhay o paggawa ng pelikula at TV shows.

"Suwerte, 'no? At iniisip ko, ano bang nagawa mo? Malaking bagay yung OMB and also malaking bagay yung maturity level ko. Mas naging understanding ako. Kaya kapag nakita ko talaga yung tao sa PGKNB, I have truly an interest sa kanila, e."

Lumabas sa ilang reports na engaged na sina Senator Mar Roxas at Korina Sanchez. Engaged na rin ba sila ni Pinky?

"Naks! Huwag na... Pabor ako sa long engagement," bitin na sagot ni Edu.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN