Paolo Contis denies report he was kicked out of home because of girlfriend Lian Paz

Apr 27, 2009
"They keep on asking me, 'O, ano, okey na ba ang family mo?' Paanong magiging okey, e, pakialam kayo ng pakialam? Di ba? May iba kasi na medyo makitid ang utak. Nakikialam nang nakikialam. Pumapasok nang pumapasok. Maayos na, e, tapos, may mababasa na namang katarantaduhan. Tapos, may iba rin namang mga bitter na tao na magpapasulat ng kung ano-ano," says Paolo Contis.

Isa si Paolo Contis sa halos hindi nababakanteng mga artista sa Kapuso network. Heto nga't pagkatapos ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, na magtatapos na sa May 1, ay may kasunod na siya agad na proyekto.

"Hindi pa puwedeng sabihin, e. Pahinga ako ng mga three weeks, tapos start work. Konti lang yun, malalaman n'yo rin agad kung ano yun," sabi ni Paolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ang Rosalinda ba ang next project niya?

"No comment, no comment!" iwas ng aktor. "Basta ako naman, kung ano ang ibigay sa akin ng GMA-7, gagawin ko. Basta ang sabi nila, mag-i-start ako after three weeks. So, I'll work after three weeks.

"Hosting meron din... Actually, suwerte ako kasi naging maayos ang rating ng My Dad Is Better Than Your Dad, so may kasunod akong hosting na gagawin, weekdays naman. Tuluy-tuloy yun. It's new. Hindi ko pa alam ang title, pero ang alam ko lang, yung papalit sa World Records. May kontrabida at may hosting din."

Continue reading below ↓

EVIL TO THE BONE. Bilang si Rado sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, aminado si Paolo na sobrang masama raw niya rito. In fact, sa sama niya, hindi na raw siya babait at hindi na rin niya inilihim na mamamatay siya sa serye.

"Dapat mamatay talaga si Rado. Sa sobrang sama niya!" natatawang sabi ni Paolo.

Mabuti at hindi siya katulad ng ibang nagkokontrabida na hindi pumapayag na hanggang sa dulo ay masama pa rin ang kanilang character?

"Actually, noong wala pa akong hosting, sobrang ano ko yun... Gusto ko sa ending, may redeeming factor. But since I do hosting naman on weekends, okey na sa akin yun. Kung napansin ng iba, grabe ang sama ko sa Babae, at the same time, with the rating na meron kami sa My Dad, I think, okey naman."

Ayon kay Paolo, mula 8 a.m. hanggang 6 p.m. daw umabot ang fight scene nila ni Dingdong Dantes sa ending ng soap. Mula day effect daw ang kinuhanan. Mismong si Dingdong na raw ang nagsabi kung paano dapat mamatay si Rado.

Continue reading below ↓

"Masaya kaming dalawa. Sabi nga namin, hindi puwedeng hindi si Dingdong ang pumatay sa akin!" natatawang sabi ni Paolo.

Dagdag niya, "I think, we have very good ratings during the time na kami na ni Dingdong ang naglalaban. So, happy naman ako sa naging [pagtanggap] ng tao. I hope maulit. I hope sa next soap, maaaring hindi kami ang gawing magkalaban, pero sana maulit naman 'yan. It won't stop the friendship or whatever."

LIAN PAZ. Sa launching ng "Sine Direk" sa Teatrino Greenhills, kasama ni Paolo ang girlfriend niyang si Lian Paz. Isa si Paolo sa mga artistang may ginawang pelikula, ang Litsonero under the direction of Lore Reyes.

Kumusta na sila ni Lian?

"We're doing great," sagot ni Paolo. "We're doing great. Lian and I, we're doing great. More or less, we're on our four months."

Paano niya ide-describe ang four months na yun?

"Masaya...masaya! Sobrang saya, sobrang challenging."

Continue reading below ↓

Hindi naman masasabing masalimuot?

"Hindi... Everything, okay kami."

May isyung pinalayas diumano siya ng kanyang ina sa bahay nila dahil sa relasyon nila ni Lian. Totoo ba ito?

"Hindi ako pinalayas," tanggi ni Paolo. "It's very typical. When you're 21, sa ibang bansa or kahit dito, you could move out. I've been planning it for years. Nagkataon lang na ganoon. Bago pa lang dumating si Lian, paalis na ako. Alam na nila yun. Nata-timing lang. I can't say it was very good. I can't say it was a great separation for both parties, pero okey lahat sila. Okey lahat sila sa pag-alis.

"Maybe, it's just a little sudden. Napabilis ang pag-alis kasi when I decide, I'm on my own. Nagugulat na lang sila, nakaayos na. Ganoon ako kabilis mag-isip."

Pero napabilis ba ang pag-alis niya sa bahay nila dahil sa namamagitan sa kanila ni Lian?

"No, no, no...sa akin yun," diin ni Paolo. "Actually, naging kami ni Lian, doon pa ako nakatira. Inaayos ko lang. But when I decided to leave, I left. Until after New Year, nasa bahay pa ako. Kami na [ni Lian] nun."

Continue reading below ↓

Totoo bang nagli-live in na sila ni Lian?

"Hindi ko maano ang live-in sa aming dalawa. Kasi, ganito lang 'yan, e: Paggising ko at wala akong trabaho, sa kanya ako pupunta. Pagpunta ko sa kanya, sabay na kaming aalis. Minsan, nakapambahay pa ako. Siyempre, ang dating sa tao, magkasama kayo, which is not true. She lives with her family and I live on my own. She comes to my place from time to time.

"Hindi namin ginagawa yun. Hindi pa oras," pahabol niya.

LIAN IS SICK. May napapabalitang sakit si Lian kung kaya't kinailangan niyang mag-leave sa Eat Bulaga!. Kinumpirma naman ito ni Paolo sa PEP.

"Yun nga, I think nasulat na naman... Meron siyang karamdaman na ayoko na sanang i-elaborate which we will try to fix within three months. Kung hindi maayos within three months, she will get operated.

"Again, after the operation, it still doesn't guarantee na okay siya. So, we'd rather... Kumbaga, personal na lang yun. Pero yung rest niya, yung munting pinahinga niya, medyo umokey actually yung karamdaman. Medyo lumiit yung, wika nga, cyst niya," saad ni Paolo.

Continue reading below ↓

Kumusta naman si Lian sa pag-handle ng sakit nito?

"She's great, she's great... Okey siya."

What about him?

"Ako? Okey ako dun. I mean, okey ako. Hindi ako puwedeng mag-react. Of course, she's depressed. May days that she's depressed. You can't act weak, siyempre. Actually, I'm very blessed na tapos na ang Tadyang na taping, tapos na ang My Dad na taping.

"So, lahat ng check-up niya, nandoon ako. I'm there to support her. I gave her all the doctors. All the best doctors that I know. Confident naman ako na maayos at nakita ko naman na okey yung treatment sa kanya. Wala pang tatlong buwan, umookey naman siya."

MEETING THE PARENTS. Aminado si Paolo na hanggang ngayon, hindi pa niya personal na naipapakilala ang girlfriend sa kanyang mga magulang.

"Honestly, I think it's the least priority," sabi niya. "Siguro, typical lang sa bansa natin na ganoon. But it's my choice. If ever, Lian and I will do our own family. So, it's my choice. Para sa akin, ganoon lang yun.

Continue reading below ↓

"Siyempre, maganda kung may blessing. Kaso, ang nangyari kasi diyan, it became, masyadong na-sensationalize. Naunahan ng report. Naunahan ng publiko na walang alam. Naunahan ng first impression. Hindi mo masisisi. I'm just letting time heal everything."

Kung tutuusin, kilala na rin ni Paolo ang kanyang ina kung ang pagbabasehan ay ang mga naging past relationships niya?

"Exactly, that's why I know her," sabi niya. "That's why I need more time. That's why hindi ko siya kinukulit and at the same time, pinipilit kong iwasan yung isyung yun. Kasi, hanggang lumabas yun, iinit lang ng iinit ang ulo niya. Okay na, e.

"That's why I'm doing all my best. I'm working hard. Hindi ako naggagago para ipakita sa kanilang lahat na okey, contrary sa lahat ng lumalabas na hindi maganda. Kasi nakakaawa yung girlfriend ko. I mean, naunahan lang ng first impression na wala namang alam yung mga... Well, nauunahan lang ng first impression. Na technically, mga ipokritong tao na wala namang alam. Feeling nila, part na sila ng family ko."

Continue reading below ↓

Sa puntong ito, halatang naging emosyunal na si Paolo.

"I really feel bad," sabi niya. "They keep on asking me, 'O, ano, okey na ba ang family mo?' Paanong magiging okey, e, pakialam kayo nang pakialam, di ba? May iba kasi na medyo makitid ang utak. Nakikialam nang nakikialam. Pumapasok nang pumapasok. Maayos na, e, tapos, may mababasa na namang katarantaduhan. Tapos, may iba rin namang mga bitter na tao na magpapasulat ng kung ano-ano."

Looking back, meron na rin daw siyang mga naging girlfriend o niligawan niya na hindi boto ang mommy niya.

"Yeah, I know, I know... That's why I'm giving her time. Ang problema, kung ano-anong pumapasok, e."

For the record, okay ba sila ng mommy niya?

"Okey kami, okey kami...mahal ko yun! Mahal ko yung family ko. I always see my brother, my father. Hindi ko pa lang nakikita ang mommy ko. Pero darating din tayo dun."

Continue reading below ↓

Ano nga ba ang nabago sa kanya ni Lian?

"To stand up for what I really want. Actually, kahit naman noon, ganoon ako, e. Pero kung meron kang ipaglalaban, siyempre hindi niya ginawa yun, pero ipinakita niyang worth it na gawin yun."

Parang you and me against the world ba ang drama nila?

"Huwag naman! You and me against some friends...some friends...one or two!" tawa ni Paolo. "I think, it's standing up for what you really want. I think wala namang masama dun as long as wala kang inaapakang tao, masaya kayo, okey ang pananalig namin sa Diyos. We're very good.

"At sa lahat naman, may sakripisyo. Hindi masaya kapag walang sakripisyo. But I believe, one day, everything will fall into place. Everything will be fine. Everything will be okay. If it doesn't, I still don't care. As long as we're together," pagtatapos ni Paolo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"They keep on asking me, 'O, ano, okey na ba ang family mo?' Paanong magiging okey, e, pakialam kayo ng pakialam? Di ba? May iba kasi na medyo makitid ang utak. Nakikialam nang nakikialam. Pumapasok nang pumapasok. Maayos na, e, tapos, may mababasa na namang katarantaduhan. Tapos, may iba rin namang mga bitter na tao na magpapasulat ng kung ano-ano," says Paolo Contis.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results