PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jinggoy Estrada plays hard-hitting radio commentator in Bente

The actor-politician would give way to his father, former president Joseph Estrada, in the 2009 MMFF.
by Kate Borbon
Published Apr 27, 2009
"Hiningi ko muna ang script para malaman ko kung ano talaga ang story ng Bente. Nang simulan kong basahin ang script, hindi ko na 'yon binitiwan at within 30 minutes, natapos ko itong basahin. Tungkol ito sa madalas nating mabalitaang mga nawawala o pinapatay na mga journalists and activists," says actor-politician Jinggoy Estrada about his new film, Bente, which is part of Sine Direk.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press si Sen. Jinggoy Estrada pagkatapos ng press conference ng "Sine Direk," isang proyekto ng Director's Guild of the Philippines (DGPI) na tinulungan ni Mr. Tony Tuviera at ng kanyang APT Entertainment, noong April 24.

Hosted by Optical Media Board Chairman Edu Manzano, ang naturang event ay dinaluhan ng halos lahat ng mga artista at ng mga direktor ng anim na pelikulang kalahok. Ang mga direktor ay sina Joel Lamangan (Fuschia), Soxy Topacio (Ded na si Lolo), Lore Reyes (Litsonero), Peque Gallaga (Agaton & Mindy), Mel Chionglo (Bente), at Maryo J. delos Reyes (Kamoteng Kahoy).

Kasama si Jinggoy sa Bente ni Mel Chionglo. Paano siya napapayag na gawin ang pelikula?

Kuwento ng actor-politician, "Si Gina [Alajar] ang nagsabi sa akin na naghahanap daw si Direk Mel Chionglo ng gaganap sa role ng hard-hitting radio commentator at ako raw ang sinabi niya na bagay sa role. Hiningi ko muna ang script para malaman ko kung ano talaga ang story ng Bente. Nang simulan kong basahin ang script, hindi ko na 'yon binitiwan at within 30 minutes, natapos ko itong basahin. Tungkol ito sa madalas nating mabalitaang mga nawawala o pinapatay na mga journalists and activists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako nga yung radio commentator at ang kalaban ko ang kaklase ko na town mayor namin, played by Ricky Davao. My story will run parallel to the story of the student activist, played by Aldred Gatchalian, on the run with his activist-girlfriend played by Glaiza de Castro. May third story pa, ang isang former military man played by Richard Gomez, na siyang hired killer after me and Aldred. Nadagdagan pa ang galit niya sa akin dahil obssessed siya sa asawa ko [played by Snooky Serna]."

November 2008 pa pala nang tanggapin ni Jinggoy ang offer ni Direk Mel.

"Nakakatawa nga dahil kinulit ko pa si Gina bakit hindi pa ako ulit tinatawagan ni Direk Mel para mag-shooting. Akala ko, hindi na matutuloy. Yun pala, na-depress si Direk Mel dahil namatay si Marky Cielo, na gusto sana niyang gumanap sa role ng student activist, at hindi pa niya alam kung sino ang ipapalit kay Marky," lahad ng senador. (Si Aldred Gatchalian ang pumalit sa role ng yumaong young actor na si Marky Cielo.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa magandang story at sa naiibang role na kanyang gagampanan, ano pa ang reason ni Jinggoy kung bakit tinanggap niya ang role sa Bente?

"Nalaman ko na for a good cause pala itong Sine Direk," sagot niya. "And natutuwa ako sa pagtulong ni Mr. Tony Tuviera para matupad ang aspirations nila na ang kikitain ng mga pelikula ay magamit sa scholarship program ng DGPI, to help the underprivileged children go through school. Nalaman ko rin na marami sa mga artista, kung hindi man humingi ng regular talent fees, ay hindi na nagpabayad. Humahanga ako sa kanila."

Two years in a row na siyang may entry sa Metro Manila Film Festival. This year ba ay may entry ulit siya?

"Wala. Bale itong Bente ang movie ko this year. Kakalabanin ko ba ang daddy ko [Joseph Estrada]? May filmfest entry siya sa Star Cinema, ang Tanging Ama with Ai-Ai delas Alas," saad niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Speaking of Erap, tuloy ba ang balak nitong tumakbong muli for president?

"Uulitin ko na lamang ang sinabi niya: 'Kapag hindi nagkasundo ang opposition na magkaroon ng kandidato sa 2010 elections, ako ang tatakbong presidente.'"

Si Jinggoy naman daw ay tatakbong muli sa senatorial race, gaya ng kaibigan niyang si Bong Revilla.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hiningi ko muna ang script para malaman ko kung ano talaga ang story ng Bente. Nang simulan kong basahin ang script, hindi ko na 'yon binitiwan at within 30 minutes, natapos ko itong basahin. Tungkol ito sa madalas nating mabalitaang mga nawawala o pinapatay na mga journalists and activists," says actor-politician Jinggoy Estrada about his new film, Bente, which is part of Sine Direk.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results