Jinkee Pacquiao hires makeup artist for mother-in-law Nanay Dionisia

Mrs. Dionisia Pacquiao, mother of boxing champ Manny Pacquiao, had a "makeover" for her exclusive interview with Showbiz Central. Her daughter-in-law Jinkee hired the makeup artist, Los Angeles-based Arwin Bernabe (inset, with Nanay Dionisia and her cousin).


LAS VEGAS, NEVADA. Nag-hire ng makeup artist si Jinkee Pacquiao para sa kanya at sa biyenan niyang si Mrs. Dionisia Pacquiao.

Ang Los Angeles-based makeup artist na si Arwin Bernabe ang tinawagan ni Jinkee para "mag-makeover" sa 60-year-old mother ni Manny "Pacman" Pacquiao. Bumata ng ilang taon ang hitsura ni Nanay Dionisia dahil sa makeover sa kanya ni Arwin kanina (9 p.m. ng May 1 sa Las Vegas, 12 noon ng May 2 sa Pilipinas) sa kuwarto niya sa The Hotel, sister hotel ng Mandalay Bay.

For the first time, naranasan ni Nanay Dionisia ang pagkakaroon ng false eyelashes pero hindi siya naringgan ng reklamo.

Lilac gown ang isinuot ni Aling Dionisia para sa interview niya sa Showbiz Central na exclusive na mapapanood bukas ng hapon, May 3.

Purple ang favorite color ng nanay ni Manny kaya purple gown din ang gagamitin niya sa kanyang 60th birthday celebration sa May 16. Limang gowns ang binili niya sa Eagle Rock Mall sa Los Angeles. Ang manalo si Manny sa laban nito kay Ricky Hatton ang tanging birthday wish ni Nanay Dionisia.

Ikinuwento ni Aling Dionisia na magkakaroon ng malaking ballroom dance competition sa kanyang kaarawan. Titiyakin daw niya na magiging masaya ang lahat.

Ayon kay Nanay Dionisia, bihira siyang manatili sa bahay ni Manny sa L.A. dahil mas priority niya ang mamasyal para makita ang U.S. Maraming Pinoy ang bumabati at nakakakilala sa kanya sa tuwing namamasyal siya.

Makikita sa hotel room ni Nanay Dionisia ang iba't ibang klase ng imahe at litrato ng Sto. Nino. Dinala pa niya mula sa Pilipinas ang mga rebulto ng mga santo para pagdasalan habang ongoing ang laban ni Manny kay Hatton.

Hindi nanonood ng laban ng kanyang anak si Nanay Dionisia. Hangga't hindi tapos ang laban ni Manny, hindi siya tumitigil sa pagdarasal.

Tuwang-tuwa si Nanay Dionisia dahil nagawa ni Arwin na baguhin ang hitsura niya. Sa sobrang kasiyahan, gustong isama ng nanay ni Manny sa Pilipinas ang makeup artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang matapos ang makeup session, masigabong palakpakan ang ibinigay kay Nanay Dionisia ng mga tao sa loob ng kanyang hotel room.

Hindi lamang makeover ang ginawa kay Aling Dionisia ng makeup artist. Tinuruan din siya ni Arwin ng proper poise tulad ng wastong pag-upo at ng beauty-queen wave na nagamit niya habang pinupuri ng mga tao ang kanyang bagong-tuklas na kagandahan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN