Rayver Cruz sees nothing wrong about Sarah Geronimo chatting with Mark Herras on Internet

"Wala namang masama kung may iba siyang nakaka-chat. Kasi Internet naman 'yan, ganun naman talaga yun. Alangan naman na isa lang ang ka-chat mo...," says Rayver Cruz about a report that Sarah Geronimo is chatting with Kapuso actor Mark Herras.


May usap-usapan na kahit nasa U.S. ngayon ang Pop Princess na si Sarah Geronimo for series of shows with Mark Bautista, consistent pa rin ang communication nila ng young actor na si Rayver Cruz through chat.

Pero bulung-bulungan din na bukod kay Rayver ay nakaka-chat din daw ni Sarah ang Kapuso young actor na si Mark Herras. Tiyak daw na makakadiskaril ito sa nababalitang panliligaw ni Rayver kay Sarah.

Dahil dito ay kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Rayver sa balitang pag-chat diumano nina Sarah at Mark.

"A, talaga? Wala namang masama kung may iba siyang nakaka-chat. Kasi Internet naman 'yan, ganun naman talaga yun. Alangan naman na isa lang ang ka-chat mo? Balewala lang ang mga YM [Yahoo! Messenger]... Nag-ganun ka pa, di ba? Wala naman sigurong kaso yun. Hindi naman siguro masamang magkaroon ng ibang kaibigan, di ba?" reaksiyon ni Rayver.

Paano kung sa pag-chat na ito nina Sarah at Mark ay ligawan ng young actor ang Pop Princess?

"Wala pa naman akong narirnig na ganun," sabi ni Rayver. "Tanungin n'yo na lang muna si Sarah. Babalik na naman yun, so hintayin na lang natin.


Hindi naman itinanggi ni Rayver na consistent pa rin ang communication nila ni Sarah through the Internet.

"Oo, nangangamusta ako," pagkumpirma niya. "Ngayon kasi, sa tingin ko, medyo busy sila talaga. Padating na sila kaya hindi ko muna kinukulit. This week, babalik na yata sila."

Hanggang ngayon ay consistent pa rin si Rayver sa pagsasabing hindi pa rin niya nililigawan si Sarah. Ito ay sa kabila ng mga lumalabas na issue na hindi raw boto sa kanya ang pamilya ni Sarah, partikular na ang ina nito. Ano ang masasabi niya rito?

"Mahirap kasi kung mamadaliin mo," sabi ni Rayver. "Mas maganda na maging magkaibigan muna kayo. Nabuo yung friendship dahil sa movie [You Changed My Life]. Kung saan man mapupunta, let's see. I don't want to rush things, kasi pangit yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Okey naman kami ni Mommy Divine [Sarah's mother]. Pag nagkikita kami, nagha-hi ako, nagbibigay-galang naman ako, and okey naman siya sa akin."

MOVIE WITH SARAH. Sa pinirmahang kontrata ni Rayver sa Star Cinema ay nakalinyang gumawa siya ng pelikula, kung saan makakapareha niya si Sarah. Aminado ang young actor na may pressure siyang nararamdaman, lalo't naging very successful ang mga pelikulang ginawa ni Sarah with John Lloyd Cruz, ang A Very Special Love at You Changed My Life.

"Ang sabi sa akin, baka this week daw kami magsimula," banggit ni Rayver. "But, wala pa si Sarah. Excited akong gawin kasi pag movie, iba ang style, intense din yun pag ginawa.

"Normal lang na ma-pressure ako. Yung You Changed My Life and yung first movie nila ay blockbuster talaga. Gagawin ko na lang lahat ng magagawa ko para mapaganda yung movie namin. Pero siyempre, iba talaga pag sinabi mong Sarah-John Lloyd."

SWEET MOMENT. Kamakailan ay lumabas sa isang tabloid ang sweet na sweet na kuha nina Rayver at Maja Salvador. Marami tuloy ang nag-isip na baka may espesyal na namamagitan sa dalawa, pero itinatago lang nila ito.

"Sa dressing room yun nakuhanan, siyempre love team kami ni Maja. Saka kami kasi, sobrang tagal na naming magkasama, sobrang kumportable na kami sa isa't isa. Pero magkaibigan lang talaga kami," paglilinaw ng binata.

BLOOMING CAREER. Kung dati ay medyo nanamlay ang career ni Rayver, ngayon ay may malinaw nang direksiyon na tinatahak ang career ng young actor. Kumbaga ay dahan-dahan nang nagbubunga ang lahat ng pinaghirapan niya.

"Sana ngayon, natutuwa ako kasi nagkaroon uli ako ng trabaho," sabi niya. "After Rounin kasi napahinga talaga ako, naghintay ako. Sa trabaho kasi natin, hindi mo dapat madaliin. Darating yung time na kailangang magpahinga ka muna, hinatayin mo kung magkakaroon ka ng project. Masaya kung mayroon, pero kung wala pa, hintay-hintay ka lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang bahagi ng teleseryeng May Bukas Pa, nagpahayag ng pasasalamat si Rayver dahil sa mataas na ratings ng kanilang programa.

"Sobrang saya kami kasi nung inumpisahan namin ang May Bukas Pa, ang usapan ay parang isa lang itong mabilis na soap na magbibigay ng aral sa mga tao. Nagulat kami na naging successful siya kaya sobrang saya kami kasi nag-No.1, tapos nire-recommend pa siya sa nga sermon ng priests sa simbahan. So, nakakatuwa talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN