Mark Anthony Fernandez unharmed in vehicular accident

Mark Anthony Fernandez was supposed to guest live on Showbiz Central yesterday, May 3. But on his way from Pagsanjan, Laguna, the actor was involved in a vehicular accident. Fortunately, he was unharmed.


Umpisa pa lang ng Showbiz Central ay in-annonunce na si Mark Anthony Fernandez ang sasalang sa segment na "Intriga Crossfire." Pero nagpa-abiso agad sila nang malaman na hindi makakarating si Mark dahil nasangkot daw ito sa isang road accident.

Via phone patch ay nakausap ni Raymond Gutierrez si Mark kung ano ang nangyari sa kanya at kung ano ang kalagayan niya.

"Galing po ako sa Pagsanjan, Laguna. Galing po sa basketball. Tapos, noong pauwi na po kami, medyo may nag-curve sa harapan namin. May iniwasan po yata. So, yun, tinamaan kami kaya hindi po ako nakaabot diyan. Pasensiya na po kayo," lahad ni Mark.

Tinanong ni Raymond si Mark kung nangyari ang aksidente sa highway.

"Opo, medyo highway siya, main road."

Isang private vehicle daw ang nakabangga sa sasakyan ni Mark. Pero wala naman daw siyang natamong pinsala, gayundin ang kasama niyang driver. Yung kanyang sasakyan lang daw ay natanggalan ng bumper.

Pero ayon kay Mark, "Wala naman akong kahit anong sugat, that's the good side, at least. Piniktyuran na lang namin yung sasakyan at sabi naman namin, insurance na lang ang aareglo. Okey naman, madali namang kausap yung tao."

Habang kausap ni Raymond si Mark, nag-stopover muna raw ang aktor sa Sucat, ParaƱaque para magpahinga nang kaunti dahil medyo na-shock din daw siya sa nangyari. Pero sa mga nag-alala raw agad sa kanya, especially sa mga fans niya, sinabi ni Mark na, "Huwag po kayong mag-alala. Wala pong masamang nangyari sa akin. The good side is, at least, yung kotse ko na lang po ang nasaktan, hindi ako."

ROSALINDA. Tinanong din ni Raymond si Mark tungkol sa napapabalitang siya na raw ang gaganap na Fernando Jose sa Pinoy remake ng Mexicanovela na Rosalinda.

"Kung pagpapalain po, sana ako ang makaganap," sagot ni Mark. "Pero sa ngayon po, ayaw pa po naming mag-confirm. Paparating pa lang po si Rosalinda. So, abangan po natin kung sino ba talaga si Fernando Jose. Sana makasali nga po tayo run bilang si Fernando Jose."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakahanda na ba siyang maging kapareha ang baguhang si Carla Abellana, na siyang gaganap na Rosalinda?

"Basta ako po, palagi naman pong nakahanda kung ano po ang project na ibibigay sa akin ng GMA dahil malaki po ang tiwala ko sa kanila," tugon ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN