Jomari Yllana busy preparing for concert of David Cook and David Archuleta in Manila

Jomari Yllana and Fearless Productions, where he is a partner, will bring to Manila American Idol Season 7's David Cook (inset, top) and David Archuleta (inset, bottom) in one concert to be held on May 16.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang members of the press si Jomari Yllana kaninang hapon, May 5, para sa isang pocket interview kaugnay ng nalalapit na concert ng America Idol Season 7 winner and runner-up na sina David Cook at David Archuleta, respectively, dito sa Pilipinas. Pinamagatang David Cook & David Archuleta: Live In Manila, gaganapin ang musical event na ito on May 16, 8 p.m., sa SM Mall of Asia Concert Grounds.

Si Jomari ang isa sa mga producer ng concert sa ilalim ng Fearless Productions, na siya ring nag-produce ng Missing You concert nina Martin Nievera at Pops Fernandez.

"Tuloy ang concert kahit pa namatay ang older brother ni David Cook, si Adam, last week," balita ni Jomari. "Hindi na masyadong mahirap para sa kanya ang pagkamatay ng brother niya, na siyang nag-push sa kanya para mag-join ng American Idol. Na-diagnose kasi ng brain cancer si Adam noon pang 1999 at nung 2006 lang ito na-full blown. Pero nag-cancel pa rin ng two shows si Cook dahil sa nangyari."

Ayon kay Jomari, sa May 12 (Tuesday), ang dating ng dalawang Davids. Pero magkahiwalay raw sila ng flights; si David Archuleta ay manggagaling sa London, samantalang sa U.S. naman manggagaling si David Cook.

Hindi ba sila nahirapang makuha ang dalawang American Idol sensations?

"Si Ronald [Singson, one of the producers] ang nakipag-negotiate sa kanila," sabi ni Jomari. "Maayos naman niyang nakausap ang mga managers nila at hindi naman sila humingi ng kung anu-ano, more sa technicals ang ni-require nila.

"Pero ito ang first time na they will perform with another artist. Nasanay silang mag-show alone. Hindi rin sila sanay mag-perform with a big crowd, sanay lang silang mag-promote ng kani-kanilang albums. Kaya first time talaga itong mangyayari na pinagsama sila.

"They will perform for sixty minutes [one hour] each, with 20 minutes break. Hindi sila magdu-duet. Isa sa kakantahin ni Cook ang sarili niyang composition na "Permanent," dedicated to Adam. May dala silang sariling banda and may dalawang team na makikipagtrabaho sa kanila para sa technicals," saad ng actor turned concert producer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magpu-promote ba ang dalawang Davids ng kanilang concert?

"Yes, sa mga radio and TV shows ng GMA-7. Magkakaroon din ng presscon pagdating nila. Dapat pupunta ako sa laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas kung natuloy silang manood ng laban. Pero pareho silang busy last May 2. Kaya nag-decide akong huwag na lang tumuloy. Ang dami-dami kasing trabaho pang dapat gawin dito at halos hindi nga ako napapahinga. On call ako palagi kung may kailangan para sa show."

BUSY JOMARI. Ang show ba ang dahilan kaya hindi siya naka-attend ng Goma Cup: The Reunion ng kaibigang si Richard Gomez sa Boracay?

"Gusto ko talagang mag-Goma Cup. Pero like what I've said, hindi ako makaalis dahil nga sa dami ng trabaho, doon ako naka-focus. Ang dami naming dapat ma-achieve, lalo na for this project dahil malapit na ang concert. I'm excited na nga dahil paparating na sila. Kaya ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako sa lahat ng mga fans nina Cook at Archuleta at sa mga friends na tumulong para matuloy ang concert na ito," saad ni Jomari.

Hindi ba napapagod si Jomari sa ginagawa niya?

"Napapagod din," sagot niya. "Madalas kung umuwi ako two or three p.m., then gigising na ako ng 9 a.m. Kung minsan naaawa rin ako sa sarili ko kapag pagod na pagod na ako, pero dapat ba akong magreklamo? Sa hirap ng buhay ngayon, ang mahalaga, may trabaho ka. Basta after ng concert na ito, magbabakasyon naman ako, gusto ko sa beach, para mag-unwind dahil magkasunod ang dalawang concert."

Paano naman ang anak niyang si Andrei, hindi ba niya napapabayaan ito kung ganoon siya ka-busy?

"Hindi naman," ani Jomari. "I make it a point na mag-bonding kaming mag-ama tuwing weekend. Kung minsan nag-a-out-of-town kami."

Nakikipag-date na ba siya after ng breakup nila ni Pops Fernandez?

"Hindi pa ako ready makipag-date. Dumating na kasi ang negotiation namin for this concert, during our Missing You concert pa. Kaya kahit natapos na 'yon, lalo na akong naging busy at nawalan na ng oras para makipag-date. Pero darating din 'yon, hindi ako nawawalan ng hope na makakahanap din ako ng right girl for me!" natatawang sabi ni Jomari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinalita rin ni Jomari na maganda ang sale ng tickets at marami na rin silang natatanggap na reservations para sa concert nina Cook at Archuleta.

Ang ticket prices ay ang sumusunod: Titanium, P12,426; Platinum, P6,215; VIP, P3,625; Gold, P2,075; Silver, P625; Bronze, P315.

For ticket reservations, you may call Ticketnet at 911-5555, Ticketworld at 891-9999; and Metrocard Club office at 232-8906 for premium seat reservations.

David Cook & David Archuleta: Live In Manila is presented by Metrocard Club, in cooperation with SM Mall of Asia and GMA Network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN