Gabby Concepcion says he has no offer to do cameo role in Sharon's movie with Ai-Ai

"Regarding cameo role in BFF, to be honest, hindi ko alam. Ang daming nagsasabi sa akin, nagtatanong, balita raw nila gagawa ako ng cameo role sa BFF na surprise. Paano magiging surprise, e, kumalat na?" says Gabby Concepcion.


Marami ang natuwa sa pagkikita at pag-uusap nang personal ng dating mag-asawa na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa bakuran ng ABS-CBN kamakailan. Hudyat daw ito na natuldukan na ang matagal nang samaan ng loob na namagitan sa dalawa. Bukod dito, nabuhayan din ng loob ang kanilang avid fans na posibleng matuloy na ang matagal nang kahilingan nila na magsama muli sa pelikula sina Sharon at Gabby.

Kaugnay nito, kumalat ang balita na may cameo role diumano si Gabby sa bagong pelikula ni Sharon with Ai-Ai delas Alas, ang BFF (Best Friends Forever). Pero hindi raw ito natuloy dahil isinaalang-alang din daw ang magiging damdamin ng asawa ng Megastar na si Senator Kiko Pangilinan kung matuloy nga na magsama muli ang dating mag-asawa.

"Wala namang offer and, besides, ang mag-o-offer niyan ay Star Cinema," sabi ni Gabby sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "I'm sure they're open with the idea. I think yung mga concerns ng marami sa amin ay yung maintriga yung pamilya namin because mayroon na kaming kanya-kanyang pamilya. Sa akin, sana huwag nang gawan ng intriga. They [respective spouses] both live private lives, wala sila sa showbiz.

"Regarding cameo role in BFF, to be honest, hindi ko alam. Ang daming nagsasabi sa akin, nagtatanong, balita raw nila gagawa ako ng cameo role sa BFF na surprise. Paano magiging surprise, e, kumalat na?

"Sabi ko nga, I don't think na mangyayari yun. Pero yung movie namin would be nice, would be different kung comedy lang, huwag siyang drama. Maganda nung 1980s dahil nag-uumpisa pa lang kami, 1990s medyo serious na yung roles namin, tapos itong 2000 and beyond, maganda kung light naman."

Magmula nang magkita at magkausap sila ni Sharon ay hindi pa raw sila nagkikitang muli. Pero nag-uusap daw sila minsan sa telepono.

PROUD PAPA. Masayang-masaya naman si Gabby sa pagwawagi ng kanyang anak kay Sharon na si KC Concepcion ng Breakthrough Performance by an Actress sa Golden Screen Awards para sa una nitong pelikula na For The First Time. Kapwa nandun sa awards night sina Gabby at KC nang magwagi ang huli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ako ang nanalo, ang sarap ng feeling!" bulalas ni Gabby. "This is the first time at kahit yung feeling niya kanina, hindi niya ma-explain. Nag-uusap pa kami dito nung tinawag siya kanina. Sumunod din ako para makita ko kung ano ang nangyayari. Ang galing! Lahat naman tayo, we wish na one day magkaro'n din tayo ng recognition. And I think sa efforts na ginagawa niya, I think ito yung reward niya."

Na-link si KC noon kay Richard Gutierrez at ngayon ay bali-balita ang sobrang closeness ng dalaga kay Piolo Pascual, na kapareha ng aktres sa Pinoy remake ng Lovers in Paris. Between Richard and Piolo, kanino mas boto si Gabby para sa anak?

"Kasi ako, naniniwala ako na whenever you do a project or movie, minsan gimik lang yung ganyang mga issues, malayo sa katotohanan, puro media hype lang. Pero ang botomline diyan, siya [KC] ang tanungin ninyo. Ako naman, kahit sino okey lang basta masaya at mahahalin siya," sagot ni Gabby.

UPCOMING PROJECTS. Isa sa nakalinyang gawin ni Gabby sa ABS-CBN ay ang teleseryeng Dahil May Isang Ikaw, kung saan makakatambal niyang muli si Lorna Tolentino. Kasama rin nila rito sina John Estrada, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Karylle, Sid Lucero, at Gina PareƱo.

"Nagkaroon na kami ng storycon," banggit ni Gabby. "Mag-uumpisa na kaming mag-taping this week, ang target namin is on July. I can assure you that this is a very good teleserye na sana ay suportahan, abangan at panoorin nila dahil maganda ang istorya bukod pa ang huhusay ng mga kasama ko."

Tinatapos din ni Gabby ang isang pelikula sa Star Cinema na mala-Unfaithful ang tema, kung saan makakasama niya sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay. Sa tingin ba ni Gabby ay may chemistry sila ni Angelica, na halos kasing-edad lang ng anak niyang si KC?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Yan ang kagandahan sa pagbabago ng Philippine movies, may mga ganitong combination," sagot niya. "Kahit ako, naiintriga kaya this is something new also na mangyayari. Ngayon ko lang nae-experience ito.

"This would be my first movie after 13 years at matagal ko na ring hindi nakaktrabaho si Laurice [Guillen, the director of the series]. Nakasama ko siya sa Iisa Pa Lamang but not as a director," pagtatapos ni Gabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN