Tirso Cruz III advises stars who switch channels "not to burn bridges"

"Siguro naman, common knowledge na you never burn bridges. Kung magpa-part ways kayo, dapat yung parting of ways n'yo, maganda. Mahirap kasi yung kapag nagbe-burn ka ng bridges, well, there might be a chance pa rin," says seasoned actor Tirso Cruz III.


Isa si Tirso Cruz III sa nae-enjoy ang pagtatrabaho sa dalawang pinakamalaking TV networks sa bansa—ang ABS-CBN at GMA-7. Pagkatapos niyang mapanood sa Paano Ba ang Mangarap? ng GMA-7, heto't nasa ABS-CBN naman siya via the primetime series Only You.

Nakatrabaho na rin daw niya in the past sina Diether Ocampo at Angel Locsin, but it's his first time to work with Sam Milby, na gaganap pang anak niya sa Only You. Si Pip din ang nagkuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na yung ginagamit daw nilang location ay ang mismong rest house ng dating pangulong Joseph Estrada.

Ayon kay Pip, wala naman daw siyang problema with both networks.

"Actually siguro, dahil sa tagal ko na, yung mga senior ngayon dito, yun ang mga nakasabay ko noong nag-uumpisa ako. Noong bata ako, di ba? Ang nangyari kasi, hindi lang sila mga naging katrabaho, naging kaibigan ko pa through the years. And sometimes, nagbi-business kami. Kami nila Malou [Santos, Star Cinema's managing director], or kung minsan kami nila Redgie [Magno, GMA-7's senior program manager], walang business, kuwento-kuwento lang," pahayag ng veteran actor.

Pero out of respect, kung may existing show daw siya sa isang network, hindi raw siya tumatanggap sa kabila.

"Kung gagawa man ako, yung walang tatamaan kung magko-crossover man ako," sabi ni Pip. "Tulad ngayon, yung tapos na ako sa kabila [GMA-7] bago ako mag-umpisa rito [ABS-CBN]. O, kung meron man dito, I make sure na kahit may offer sa kabila, sinasabi ko talaga na meron pa akong existing. Minsan nga, kahit maganda ang role, sayang, pero meron pa akong existing, e."

Yun na rin daw siguro ang maipapayo niya sa mga artistang lumilipat ng network nang hindi maayos.

"Huwag naman sana, napakaliit ng industry na ito," sabi niya. "Siguro naman, common knowledge na you never burn bridges. Kung magpa-part ways kayo, dapat yung parting of ways n'yo, maganda. Mahirap kasi yung kapag nagbe-burn ka ng bridges, well, there might be a chance pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dito nga sa akin, mag-aaway, akala mo wala nang pag-asang magkabati. Pero bukas-makalawa, may isang tao na magiging daan para magkabati ulit. Kaya sabi ko nga sa iba, kapag ganun, when you get the chance, it's nice, e."

LIKE FATHER, LIKE SON. Dahil nag-aartista na rin ang panganay niyang anak na si Bodie Cruz, na unang napanood sa Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 ng ABS-CBN at ngayon ay nasa Zorro naman ng GMA-7, ganun din daw ang advice niya sa anak.

"Oo, kasi dito naman, ang nangyari sa kanya, yung PBB, yun lang talaga ang pinirmahan niya. Nagkaroon din naman siya ng ilang shows sa ABS-CBN, tapos nag-expire ang contract. Nag-freelance for a while.

"Tapos, sabi ko, 'Sige, gusto mong ma-experience na makatrabaho sa kabila, so, observe mong pareho at makikita mo, it's a profession. Walang personalan, trabaho lang. Now, if you get lucky enough na puwede kang makapag-crossover, all the better for you.' And even yung mga ibang nakasama ko naman, I wish them the same thing."

Sa ngayon, nakikita naman daw niyang nag-e-enjoy ang kanyang anak sa pag-aartista nito.

"So far, he's enjoying. Sabi ko nga sa kanya, 'Well, marami kang pagdadaanan. Sometimes kasi, some people get lucky, mabilis ang growth ng career. Meron mabagal-bagal ng kaunti. But if you're serious and you get lucky, maka-land ka ng magandang roles. You just make sure you prove yourself. It's not an overnight thing. Pero kung makikitaan ka na merong potential, bakit hindi?'"

GUY & PIP REUNION? On the other hand, definitely ay welcome daw sa kanya na makatrabahong muli ang dating ka-love team niya, ang Superstar na si Nora Aunor, kung sakaling totoo ngang magbabalik na ito sa Pilipinas. Ayon kasi sa balita, may album daw na ire-release si Nora at posibleng mag-concert din siya rito.

"Ilang taon na rin naman siyang nawawala, ilang years na," sabi ni Pip. "So, I think, it's about time na bumalik siya. Kung naayos na rin naman niya yung mga papers niya and everything. Sabi ko nga, e, kokonti na nga lang tayo rito. Sayang naman kung meron ka namang ibibigay sa industriya, bakit hindi?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay lang ba sa kanya na gumawa ulit ng project with Nora?

"Yeah," mabilis niyang sagot. "Ako naman, okey lang na gumawa ng project. Pero sana naman, talagang project na maganda. Ayokong gumawa ng project for the sake of doing a project."

Dugtong niya, "The industry somehow has grown. Kung minsan may mabagal na time, may mabilis. Pero dapat mag-transcend na rin kami at tumawid na rin kami. Just for the sake of conversation lang, halimbawa, gagawa tayo ng musical, let's do a musical na parang Chicago or Moulin Rouge. Pangit din naman, both on our part... Pangit para sa industry at pangit din para sa amin na gagawa kami just for the sake na makagawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN