Anne Curtis took anti-flu vaccination before flying to Europe

"For safety talaga, I had my vaccine taken. Para sa anti-flu 'yon. Tapos, I researched naman sa Internet kung saan kumakalat ang sakit na swine flu. Wala naman daw so far sa mga pupuntahan naming countries; like Spain, United Kingdom, France, and Italy. Kaya alam kong safe ang health niya. But just to be sure, nagpa-vaccine talaga ako. Plus, nagpe-pray ako for my health and the health of my other friends," says Anne Curtis.


Siniguro ni Anne Curtis na sa one-month trip niya sa Europe ay hindi siya magkakasakit. Lahat daw ng precautions ay ginawa niya to make sure na sa pagbalik niya ay hindi siya ma-quarantine.

Ikinuwento ni Anne sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng kanyang bagong GSM Blue commercial sa poolside ng Malayan Plaza last May 4, na nagpabakuna siya para may proteksiyon siya sa anumang sakit na puwedeng dumapo sa kanya during her vacation.

Aware si Anne sa laganap na pagkalat ng A(H1N1) o mas kilala bilang swine flu sa iba't ibang bansa. Kaya to be safe ay nagpa-vaccinate si Anne para hindi raw mag-worry ang mga mahal niya sa buhay.

"Hindi na kasi ako puwedeng mag-backout sa trip na ito," sabi ng young actress. "I've planned and booked this trip noong birthday ko pa last February, di ba? 'Tsaka, I always take a vacation sa ganitong month.

"Kaya noong magkataon na may kumakalat na sakit, I was asked to postpone na my trip. Baka kung ano pa raw mangyari sa akin. Pero paano pa, e, matagal na itong na-book at bayad ko na siya? Plus, my friends are already there. Ako na lang ang hinihintay nila.

"Kaya for safety talaga, I had my vaccine taken. Para sa anti-flu 'yon. Tapos, I researched naman sa Internet kung saan kumakalat ang sakit na swine flu. Wala naman daw so far sa mga pupuntahan naming countries; like Spain, United Kingdom, France, and Italy. Kaya alam kong safe ang health niya. But just to be sure, nagpa-vaccine talaga ako. Plus, nagpe-pray ako for my health and the health of my other friends."

SINGLE LADY. Seven months nang single si Anne since nag-break sila ni Sam Milby. Marami ang nagbibiro kay Anne na baka sa trip niyang ito sa Europe matagpuan ang lalaki na para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No naman, I'm doing this for myself. I'm on vacation. I've been working so hard since last year. Break ko ito and I have no intention to look for someone special right now.

"But who knows, mas okey daw if you are not looking for Mr. Right. Basta na lang daw siyang darating kapag hindi mo siya hinahanap. I believe naman in destiny and fate. If someone is meant for you, he will come naman into your life na hindi mo inaasahan. I like to be surprised kasi, e. Parang exciting 'yon, di ba?

"But for now, I'm happy with my single life. I'm a single lady and I'm enjoying every minute of it. I also have a productive career and I have upcoming projects. Kaya okey lahat. I'm not asking for anything else right now. Not even a man!" sabay tawa ni Anne.

BACK TO WORK. Pag-uwi ni Anne ay balik siya sa taping para sa bago niyang series sa ABS-CBN, The Wedding. Marami na raw siyang na-tape na mga episodes kaya hindi siya worried na mawawala siya ng isang buwan para sa bakasyon niya.

Tungkol naman sa nababalitang pelikula nila ni Richard Gutierrez para sa GMA Films, ayaw pang magbigay ng detalye ni Anne dahil isang malaking sorpresa raw 'yon.

"I can't say anything for now about the project. Basta malaking pasabog when we get to start with the project. I'm excited about it, but everyone has to wait for the right time for us to really announce it. It's going to be a reunion like no other," ngiti ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN