Ara Mina keeps friendship with ex-boyfriend Jomari Yllana

"Matagal na rin kaming magkaibigan, bago pa ako magka-boyfriend. It's more on hi and hello sa text. We have common friends, e. Hindi maiiwasan na, kumbaga, talagang may possibility na magkita kami," says Ara Mina about ex-boyfriend Jomari Yllana.


Naging masaya ang birthday party ng PEP contributor na si Archie de Calma sa Music 21 sa may Timog Ave., Quezon City, kagabi, May 7. Mas naging masaya at maintriga pa ito dahil naroon ang dating magkasintahan na sina Jomari Yllana at Ara Mina.

Noong una, bagamat nag-beso-beso naman sina Jomari at Ara, sa magkahiwalay na silya naupo ang dalawa. Nagkasama at nagkatabi lang sila nang magpaunlak ng kanta si Ara at pagkatapos ay mag-request ang mga bisita na mag-duet sila ni Jomari.

Game namang nagpaunlak si Jomari at ang napili nga nilang kantahin ay ang "How Do You Keep The Music Playing?." Matagal bago naisalang ang napili nilang kanta kaya nagawa pa silang kausapin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press na naroroon.

Palitan sila ng mga hirit, tulad ng sinabi ni Jomari na at least daw ay single siya. Na sinagot naman ni Ara na "understanding" ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Bago umuwi ay nagpaunlak ulit si Ara na ma-interview ng PEP.

Ano nga ba ang pakiramdam sa muli nilang pagkikita ni Jomari?

"Wala naman, wala naman masyadong bago kasi nagkita na kami. Gumawa na rin kami ng Maalaala Mo Kaya. Actually, may girlfriend pa siya noong gumawa kami. Pero ngayon lang ulit kami nagkita na single na siya," sabi ni Ara.

At siya naman ay taken na?

"Yeah, ganoon talaga ang buhay," nakangiting sabi ng sexy actress. "Pero ano, okey naman. We're okay now. At least, maganda na yung ganoon."

Ayon kay Ara, feeling daw niya ay relax na siya at kaswal na lang talaga tuwing nagkikita sila ni Jomari.

"Oo, e. Parang feeling ko, kung hindi ka pa ready na makita siya, parang may something pa. Kanina, wala lang. Parang we're just best friends, best of friends, parang ganoon."

After their breakup, nauwi rin naman silang dalawa ni Jomari sa pagiging magkaibigan through texting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal na rin kaming magkaibigan, bago pa ako magka-boyfriend," banggit ni Ara. "It's more on hi and hello sa text. We have common friends, e. Hindi maiiwasan na, kumbaga, talagang may possibility na magkita kami."

Bago ang duet nilang dalawa, ang napiling kantahin ni Ara ay ang "Huwag Na Huwag Mong Sasabihin." Natawa siya when asked na parang may meaning yata yung kanta kaya yun ang napili niya.

"Actually, favorite ng boyfriend ko yun kaya ko kinanta!" tawa ng aktres. "Nagkataon lang na yung lyrics... Pero, favorite niya kasi yung dalawang songs ni Kitchie Nadal. Tapos yung duet namin ni Jomari, noon ko lang kinanta yun. Tapos, tinanong ko sa kanya, sabi niya, noon lang din daw niya kinanta. E, kasi, wala naman talaga kaming duet, e."

Since si Jomari ang isa sa mga producer ng concert nina David Cook at David Archuleta, hindi ba siya inimbitahan ng ex-boyfriend na manood nito?

"Actually, wala pang date, inimbitahan na niya ko before that," banggit ni Ara. "Nagpaplano pa lang siya na dadalhin niya rito yung dalawa. E, nagkataon naman na may taping ako that day ng concert, so hindi ako makakapanood."

Not because, hindi siya papayagan ng boyfriend niya?

"Hindi! Supportive naman yun, e."

Nagbiro si Jomari sa kanya bago sila mag-duet na "understanding" ang bagong boyfriend ni Ara, pero ang dinig daw ng aktor ay "seloso." So, hindi kaya mag-react ang boyfriend niya kapag nalaman na nag-duet pa sila?

"Actually, hindi pa nga niya alam, ipapaalam ko pa lang. Pero wala, sobrang understanding nun. Kapag nalaman niya, sasabihin lang nun, 'Oh, really? So, how was it?' Ganun lang yun. Yung seloso, nagbibiro lang yun! Hindi pa nga sila nagmi-meet!" natatawang sabi ni Ara.

Okay lang ba sa kanya na ipakilala ang dalawa sa isa't isa?

"Oo, bakit hindi? At saka kung seloso ang boyfriend ko at alam kong may TV, hindi na ako makikipag-duet sa kanya," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN