Regine Velasquez happy as host rather than judge for "Are You the Next Big Star?"

Asia's Songbird got her start in singing contests.


Sa halos lahat ng singing searches sa GMA-7 ay masasabing ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang nag-reyna rito, dahil siya ang palaging host ng mga naturang singing searches in the past. Hindi rin naman kaibahan ang bagong lunsad na singing search na mapapanood na sa May 16, ang Are You The Next Big Star?, dahil si Regine pa rin ang host nito with her new co-host, Keempee de Leon.

Masuwerte ang Kapuso network dahil may Regine na masasabing kung may isang show man siguro na malapit sa puso niya, ito ay ang mga singing searches dahil sa ganitong paraan siya nagsimula.

"Ako po kasi, naniniwala ako na napakarami pang Pinoy na napaka-talented, napakagagaling. Kaya masaya ako na kahit paano, nagiging instrumento ako para sa mga taong ito," nakangiting pahayag ni Regine.

Hindi itinanggi ni Regine na from her past hosting, kapansin-pansin na kapag may na-e-eliminate, tila hindi niya maiwasang maiyak, bakit nga ba?

"I was just actually explaining to Keempee that it's exciting to host a show like this, pero hindi n'yo rin po mahe-help to be attached. You'll see them every week. Pero siyempre, sa kahit anong contest, meron lang talagang winner, so, yun..."

Regine was also asked regarding the past winners na sa paningin ng karamihan sa entertainment press na um-attend sa presscon ng Are You The Next Big Star, tila wala pang masyadong nagiging sikat talaga. Anong masasabi niya sa bagay na yun?

"Ako kasi, kapag sumasali ka sa isang contest, it doesn't mean na kapag nanalo ka sa contest, ito na yung daan para maging superstar ka. This is just the beginning. Noong manalo po ako sa Bagong Kampeon, walang network to back me up, walang solo spot sa SOP. You have to push yourself and you have to prove yourself sa kung ano ba ang gusto mong gawin. At yung aking tatlong girls, sikat na ngayon! And I mean, they have the potential. They are great singers."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY AS HOST. Bilang host, wala ba siyang say kahit paano sa mga judges as kung sino para sa kanya sa mga contestants ang nakikitaan niya ng potential?

"Actually, like noon sa Pinoy Pop Superstar, kapag hindi sila maka-decide, they usually asked me. They asked me kung dapat ba si ganito, si ganyan. And then, yung opinion ko, they take it into consideration. Pero siyempre, since sila pa rin yung judges, yung final say, sa kanila pa rin.

"And as far as I'm concerned, I'd rather be the host of the program and not to be part of the judging system." Natatawa niyang biro: " You know, I am just there to be pretty, with myself, with my hair."

Ang Are You The Next Big Star? na mapapanood na sa May 16 after Pinoy Records ay original concept ng GMA-7. This time, hindi lamang isang winner ang pipiliin kundi dalawa: one male and one female. Both of them will be awarded a GMA Exclusive Management Contract, a GMA Records Recording Contract, and one million pesos in cash from SM Supermalls.

Ang mga judges for the first-ever AYTNBS are Danny Tan, Mon Faustino, Anne Quintos of The Company, and Pops Fernandez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN