GMA-7 top executives formally announce Dingdong Dantes will play Cholo in Stairway to Heaven

"Mixed emotions ako—excited, doble kaba. Naroon na ang challenge, but I'm optimistic," says Dingdong Dantes about playing the role of Cholo in the Pinoy adaptation of Stairway to Heaven.


Gaya ng unang report ng PEP (Philippine Entertainment Portal), si Dingdong Dantes nga ang gaganap bilang Cholo sa Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na Stairway to Heaven. Pormal na ini-announce ang pagkakapili kay Dingdong bilang Cholo sa Stairway to Heaven sa SOP kanina, May 10, ng mismong top executives ng GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon, President & CEO; Mr. Gilberto Duavit, COO; at Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment. (Click here to read related story.)

Pagkatapos ng SOP ay nagkaroon ng presscon si Dingdong sa Executive Lounge ng GMA Network Center. Dito ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press ang aktor na gaganap sa role na unang ginampanan ng sikat na Korean superstar na si Kwon Sang Woo.

DINGDONG AS CHOLO. Ano ang naging feeling niya nang marinig niya ang announcement ng mga top execs ng GMA Network? O, alam na niyang siya ang gaganap na Cholo?

"Kailan ko lang naririnig ang tungkol doon, pero hindi ko iniintindi," sabi ni Dingdong. "Ngayon ko na lang nalaman totoo pala, kasi wala rin namang sinasabi sa akin ang manager ko [Perry Lansigan]."

Paano niya paghahandaan ang role niya as Cholo, na sa original story ay may shower scene pero hindi ipinakita nang buo dito sa atin?

"Sa mga rare moments na may nagsasabi sa akin na bagay daw sa akin ang role ni Cholo, natutuwa ako dahil sila yung excited na sa role, na sana raw ay ibigay sa akin. Siguro for my part, gusto ko rin munang mapanood ito nang buo para alam ko ang story, at siyempre, bibigyan ko ito ng Pinoy touch. Paminsan-minsan kasi napapanood ko ito noon, pero hindi ko nabuo ang story. Pero ngayong narito na, mixed emotions ako—excited, doble kaba. Naroon na ang challenge, but I'm optimistic."

Marunong ba siyang tumugtog ng piano? Opening and closing scene kasi ng Stairway to Heaven ay tumutugtog ng piano si Cholo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm a fast learner naman, mapag-aaralan ko 'yon!" natatawang sabi ni Dingdong.

Okay lang ba kay Dingdong na isa na namang remake ang next TV project niya? Matatandaang siya ang gumanap na Sergio sa Marimar, na hango sa isang Mexicanovela; Fredo sa Dyesebel, na hango sa komiks at pelikula; at Homer sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, na hango rin sa komiks at pelikula.

"It doesn't matter to me," sagot ng aktor. "Sa akin kasi, I believe na hindi nila ito ire-remake kung hindi maganda. This will be my first time to make a remake of a Koreanovela. Ang Marimar kasi, isang Mexican telenovela."

WHO WILL PLAY JODI? May kumakalat na balitang baka raw si Jennylyn Mercado ang kanyang makatambal. Kung si Dingdong ang tatanungin, sino ang gusto niyang makatambal sa Stairway to Heaven?

"Hindi pa ako puwedeng magsalita, kailangan ko muna sigurong mapanood ang tape nito para makita ko rin kung ano ang character ni Jodi," wika ni Dingdong. "Pero naniniwala akong mas maganda kung ang decision will come from the executives mismo. Kasi alam ko, hindi naman sila basta nagdedesisyon, pinagmi-meeting-an nila 'yon."

Maraming nag-expect na siya ang makakatambal ng bagong artistang si Carla Abellana, who will play Rosalinda sa Pinoy adaptation ng Mexican telenovela of the this title.

"Wala naman silang [his manager and GMA executives] sinabi sa akin tungkol doon. Saka ayaw ko ring ma-compare kung sa akin ibinigay 'yon. Kasi ang Rosalinda, parang connected din sa Marimar, at pareho pang si Thalia ang bida doon. Kaya tama lang na sa iba naman ibigay ang role ni Fernando Jose."

Sa ngayon, ay wala pa namang sinasabi kung kailan sila magsisimula ng taping ng Stairway to Heaven, kaya gusto raw muna niyang magbakasyon. Saan ba siya magbabakasyon?

"Siguro, dito lamang o kung puwede, gusto kong pumunta ng Korea. I heard na ginawa na nilang tourist attraction ang set ng Stairway to Heaven doon at gusto kong makita 'yong famous carousel na napanood ko sa story."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WITHOUT MARIAN. Isang romantic drama ang Stairway to Heaven, hindi ba siya mahihirapan na hindi si Marian Rivera ang katambal niya?

"I have to be in love for this series," nakangiting wika ni Dingdong. "But it doesn't mean na I need to be in love with my leading lady. Pag-aaralan ko lang ang character at ang feelings ko. It's my choice naman kung paano ako aarte sa eksena," sagot niya.

Ngayong hindi na si Marian ang ka-love team niya, sa palagay ba niya, kaya pa rin niyang magkaroon ng ganoong katagal na ka-love team?

"Definitely, hindi na siguro love team 'yon, leading lady ko siya," diretsong sagot ni Dingdong. "Nagkataon lang na yung tatlong projects, for almost three years ang sunud-sunod na ginawa namin ni Marian, at naging masaya naman kami doon."

Nami-miss na ba niya si Marian dahil matagal-tagal na ring natapos ang kanilang taping ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang?

"Siguro nami-miss ko lang yung inaasikaso ko siya sa set!" natatawang wika ni Dingdong. "Para kasi akong ulitility boy niya kapag nagte-taping kami. Hindi ba, dapat naman you make your leading lady comfortable sa set?"

Nangungulit pa rin ang mga fans nila ni Marian na sana ay magkaroon na sila ng bagong project. Next year na ba talaga muli babalik ang love team nila ni Marian?

"Yes, hataw ulit kami next year, pero siguro sa movie muna. Sa ngayon, may inihahanda na kaming dream project, pero ayaw muna naming sabihin kung ano 'yon at kung sino ang magpu-produce. Romantic comedy ito," banggit niya.

May balita rin na baka siya ang itambal ng Regal Entertainment kay Marian sa solo movie nitong Nieves, na kasali sa 2009 Metro Manila Film Festival sa December.

"Wala pa akong alam tungkol doon," sabi ni Dingdong. "Pero napanood ko nga ang episode ng Nieves noon sa Shake, Rattle & Roll X. Maganda ito at sabi ko, it can stand on its own."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinulit ng PEP si Dingdong kung lagi pa rin silang nagkikita ni Marian at kailan sila huling nagkita.

"Kahapon [May 9]," sabi niya. "Nagpunta siya ng Facial Care, nandoon naman ako sa may area na 'yon dahil nag-gym ako. Yun, nag-merienda kami somewhere there."

Nagkatawanan nang sabihin naming iba na talaga kapag mag-sweetheart, laging nagkakataon na nasa iisang lugar lang sila.

"Kung anuman 'yon, I want it to be private!" natatawang sabi ni Dingdong.

OTHER TOPICS. Nagsimula na ba siyang mag-shooting ng Kimidora, ang launching movie ni Eugene Domingo na idinidirek ni Joyce Bernal, at produced ni Piolo Pascual? Si Dingdong ang leading man ni Eugene.

Ani Dingdong, "Nagsimula na sila, pero hindi pa ako nagsu-shooting. Hindi ko pa rin alam kung ano ang role ko, hindi pa sinasabi sa akin ng manager ko."

Maraming nag-expect noong wedding reception ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa Manila na darating sila ni Piolo. Pero hindi nakarating si Dingdong.

"Hindi ako nakapunta kasi may importane akong inasikaso that day," sabi ni Dingdong. "Pero one of these days, pupuntahan ko sila. Dadalhin ko yung gift ko at ie-express ang happiness ko na finally ay kasal na sila. Hindi pa rin kami nagkikita ni Piolo since our Pond's commercial shoot. Si Direk Joyce Bernal lang ang nakakausap ko tungkol sa movie na ginagawa namin."

Wala pa rin daw munang directing project si Dingdong. Magku-concentrate muna raw siya sa acting. Gusto rin daw niyang tapusin ang film directing course niya na two semesters na lang sa Ateneo University. Hindi rin niya alam kung may StarStruck 5 at kung siya pa rin ang magho-host.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN