Ex-Pinoy Fear Factor participantes Janna Dominguez and Jose Sarasola are "exclusively dating"

" Wala pang commitment, wala pa yung, 'Tayo na!' Pero ayaw pa namin ng commitment, kasi parang nasasakal pa kami," says Janna Dominguez about the status of her relationship with co-Pinoy Fear Factor participante Jose Sarasola.


Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dating Pinoy Fear Factor participante na si Janna Dominguez. Inamin niya sa amin ang tunay na estado ng relasyon nila ng kapwa niya participante na si Jose Sarasola.

"Ano po, espesyal po siya sa akin," sambit ni Janna nang makausap namin siya last Saturday, May 9, sa isang volleyball tournament sa Isabela.

May mutual understanding na ba sila?

"Ako po, hindi po ako nakikipag-date sa iba," sagot ng dalaga.

So, exclusively dating sila?

"Opo."

Hindi pa niya boyfriend si Jose?

"Siguro po, exclusively dating muna," ulit ni Janna.

Since January of this year pa raw sila nagde-date ni Jose, kahit magkaaway sila noon habang nagte-taping ng Pinoy Fear Factor sa Argentina.

Paano sila naging close?

"Pag-uwi ko po, kinuha niya ang number ko," sagot ni Janna. "Pero hindi kami agad naging regular textmates nun. Mga September, mas maaga siyang umuwi kasi nasa Argentina pa ako nung nandito na siya. Nung nagkita kaming lahat na participantes, nagkataon nung ininterbyu na kami sa TV Patrol, kinuha niya ang number ko, pero hindi pa siya nagte-text nun.

"Then, gumimik kaming lahat. Nag-text-text na kami, tapos nagkakasumbatan na, 'Bakit ganyan ka sa Argentina, bakit ganyan ka?' E, kasi close sila ni Savannah nun. E, kaibigan ko si Savannah. Mamaya ano, ayoko naman maka-ano... Tapos, nalaman ko na wala naman pala sila talaga ni Savannah," kuwento niya.

Kailan sila unang nag date?

"Nung kami lang kasi, lately lang," sabi ni Janna. "Nagyaya na siyang mag-dinner, kaming dalawa lang. Nung una, hindi kami nakakalabas kasi hindi alam ng mga participantes na close na kami. Kasi parang nakakahiya, awkward yung feeling na makikita mo 'tong dalawang 'to na sweet, tapos sa Argentina hindi naman. So, ayaw naming silang manibago. Tapos, pili lang yung may alam.

"Nung nag-aminan ng crush, sinabi ko talaga na ang crush ko si Jose. Tapos, sabi ni Savannah, ang crush niya si Ram [Sagad]. Tapos biglang naging si Jose. So, sabi ko, okay. So, nag-give way ako. Si Jose, wala siyang sinabi. Hindi siya umamin kung sino ang crush niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabihan na ba siya ni Jose ng "I love you"?

"Oo," pag-amin ni Janna.

Ano ang isinagot nito sa kanya?

"'I love you, too.' Siyempre, kapag nagke-care ka sa tao, nandun yung 'I love you, too,' 'Ingat ka.' Ganyan."

So, sila na?

"Hindi, e. Wala pang commitment, wala pa yung, 'Tayo na!' Pero ayaw pa namin ng commitment, kasi parang nasasakal pa kami."

ALLEGED SEX VIDEO. Ang naman ang masasabi niya sa sex-video scandal diumano ni Jose na kumalat sa Internet?

"Ano, tinanong ko siya kung totoo ba. Tapos, niloloko namin siya na, 'Uy, umamin ka na!' Hindi pa kami close nun nung nalaman ko, tapos inaasar-asar ko pa siya, 'O, umamin ka na, ikaw yun, e!' Pero hindi naman daw talaga siya yun. Even yung mom niya, tsinek daw sa website hindi daw talaga."

Nakita na niya ang video?

"Yung picture lang. Di ba, sa YouTube ida-download mo? Pero ayaw ma-download sa akin, ewan ko kung bakit. Pero hindi siya yun, ang layo, sobra! Sa buhok pa lang sa braso, iba na, e... Tapos yung shape ng face."

Ang katawan?

"Hindi ko nakita yung katawan sa YouTube, e, mukha lang."

Nang naging mag-MU na sila, pinag-usapan ba nila ang tungkol dito?

"Yun, sabi niya, nagkukuwento lang siya na parang nababa-bad trip siya na bakit may eskandalong lumabas na ganun Tapos buo pa ang pangalan niya na 'The Jose Sarasola Scandal.' Tapos yung dad niya, nagagalit na, na ano daw ang nangyayari, ganyan-ganyan. Kasi, parang... Hindi ko sure, na parang ayaw ng mom at dad niya na mag-showbiz siya," saad ni Janna.

Buo ang paniniwala ni Janna na hindi si Jose ang nasa malaswang video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN