Dingdong Dantes looks forward to his projects next year

"Yung isa, it's a dream project talaga. Matagal na siyang hindi nagagawa. Pangalawa, title role. Pangatlo, visually shocking. Hindi pa nagagawa sa Pilipinas," says Dingdong Dantes about his upcoming projects.


Sa SOP noong Linggo, May 10, ay halatang nagulat si Dingdong Dantes sa akala niya'y production number lang niya dahil biglang ipinakita ang video ng top three executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, at Ms. Wilma Galvante.

Sa VTR message ng tatlo, in-emphasize nila ang kanilang pagmamalaki sa aktor, kung paano ito umusbong sa kinalalagyan niya ngayon bilang isa sa most sought-after leading men ng bansa. Higit sa lahat, ang pasasalamat sa ipinakitang loyalty ng aktor sa Kapuso network for almost 12 years.

Kasunod nito ang announcement na si Dingdong ang napili ng network to portray the male lead in the Pinoy adaptation of the hit Koreanovela Stairway to Heaven.

Sa kabila ng mga pangyayaring ito, nasorpresa raw talaga si Dingdong dahil wala siyang kaalam-alam sa lahat ng nangyari.

"Hindi ko alam yun, e. Ang alam ko lang, may number. So, noong nakita kong may VTR pa, sabi ko, 'Hindi ko naman birthday, bakit may ganito?' So, yun nga, may ganoon pala," pahayag ni Dingdong sa mini-presscon na ibinigay sa kanya ng GMA-7 pagkatapos ng SOP.

Wala ba talaga siyang idea na siya ang gaganap na si Cholo sa Stairway To Heaven?

"Naririnig ko, may mga talks," sabi niya. "Pero siyempre, hangga't hindi pa kumpirmado, ayoko pang umasa. Pero nandiyan na, e."

How does he feel sa panibagong opportunity na ibinigay sa kanya ng kanyang home network?

"Sobrang happy, very excited. And para sa akin, isang malaking project ito na paghahandaan ko," ani Dingdong.

LOYAL KAPUSO. Natuwa ba siya na kinikilala pala ang katapatan niya sa Kapuso network, lalo na ng mga top executives nito ?

"Of course," sagot niya. "I'm loyal and always, kumbaga, not just sa work, even in relationship at pati rin sa sarili ko. Kumbaga, dedicated ako. Kumbaga, ganoon ako kumilos."

Mismong ang magiging executive producer ng Stairway to Heaven ang nagsabi sa entertainment press na, definitely, ibang Dingdong Dantes ang makikita at mapapanood bilang si Cholo. Posible rin daw na manalo ng acting award rito ang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Dingdong, "I'm sure, halos lahat naman ng artista, gustong magkaroon ng recognition na ganoon. But more to that, it's more on the privilege of the role that was given to me. Much more than waiting for the award, dun pa lang, masaya na ako."

Dagdag niya, "Yung award, hindi naman yun ang pinaka-priority. Pero yung maibigay sa akin ang project na ito is much more important for me."

Tila may pattern na mula Marimar hanggang sa Stairway To Heaven, kay Dingdong ibinibigay ng Kapuso network ang prime leading-man roles sa mga TV shows na nakilala rin sa ibang bansa. Bukod pa rito, ang mga role niya ay ginampanan ng mga sikat ding mga artista sa kanilang bansa; gaya ni Eduardo Capetillo ng Mexico bilang Sergio SantibaƱez sa Marimar at si Kwon Sang Woo ng South Korea bilang Cholo sa Stairway To Heaven.

Ano ang masasabi niya rito?

"Well, I believe na marami rin naman kaming leading man sa GMA," sabi ni Dingdong. "Sa akin, nagkataon lang na itong project na ito ang ibinigay sa akin. But I know, there are other projects, there are other talents na sa kanila, bagay rin yun."

EXCITING PROJECTS. Yun nga lang, mukhang matatagalan pa bago maipalabas ang Stairway to Heaven. Ang balita ay by July pa magsisimula ang taping nito. So, from this day until July, ano ang puwedeng abangan sa kanya o mga bagay na pagkakaabalahan niya?

"Well, meron akong mga gagawin. Abangan na lang nila sa June. May isa pa akong something... Personal naman 'yan," medyo bitin niyang sagot.

Ano ang ang ibig niyang sabihin sa "personal"?

"It's something na trip kong gawin at gagawin ko siya!" natatawa niyang sabi.

Pero for public din ito?

"Yes, yes, for public," pagsang-ayon niya. "It's part of my interest. Kung ma-pull off ko ito, it's an achievement on my part at para sa akin, for fun. Actually, hindi ko pa siya tapos gawin, pero by June, okay na, malalaman na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

We asked him kung sa niluluto niya bang bagay na yun ay magse-set na naman siya ng history. Mabilis na "yes" ang naging sagot ni Dingdong.

Paliwanag niya, "Actually, dalawa yun. Dalawa yung puwedeng abangan. Yung isa sa June, dalawa sa August. Pero yung isa, hindi ako first dun. Sa June, I think, I'm the first on that."

Iba-iba ang naging hula ng ilang entertainment press tungkol sa "personal" na gagawin ni Dingdong, na baka raw documentary ito o isa na namang show. Pero natatawang sabi ng aktor na huwag na lang silang manghula dahil baka ma-disappoint lang sila.

Aniya, "It's something personal, but it came out to be fun. And I hope, magugustuhan, especially ng mga fans, dahil para sa kanila naman talaga yung mga ginagawa kong ito."

DINGDONG AT THE MOVIES. Kinumusta rin namin kay Dingdong ang kontrata niya sa GMA Films at kung may naka-lineup na movie sa kanya ang GMA Films sa taong ito.

"Mas looking forward ako sa next year," nakangiti niyang sabi.

For this year, ang pelikula lang na ipo-produce ni Piolo Pascual at pagsasamahan nila ni Eugene Domingo ang puwedeng abangan ng kanyang fans. Ito ang Kimidora.

"Yes, pero siyempre, matagal pa yun, e. Malay n'yo, meron pang mangyari. Pero talagang mas looking forward ako sa next year."

Mas okey ba sa kanya yung ganito?

"Oo," mabilis niyang sagot. "Kasi ang sa akin, it should be the right project. Regardless kung wala ako ngayon, kung meron. Kailangan yung tama."

Puwede kaya siyang magbigay ng clue kung anuman yung project na "looking forward" na siya for next year?

"Yung isa, it's a dream project talaga. Matagal na siyang hindi nagagawa. Pangalawa, title role. Pangatlo, visually shocking. Hindi pa nagagawa sa Pilipinas," sabi ni Dingdong.

Pero ayon kay Dingdong, kung siya ang masusunod, mas gusto raw niyang mixed ang ginagawa niya. Ayaw naman daw niyang ma-identify lang sa isang genre. In terms of movies, mas gusto raw niyang paiba-iba ang nagagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE SEARCH IS ON. Wala pa raw napipiling leading lady niya sa Stairway to Heaven. Kung siya ang tatanungin, sino ang choice niya among the Kapuso leading ladies?

"Wala, wala akong sasabihin talaga. Kasi, hindi ko pa rin naman alam kung ano yung requirements para kay Jodi, e," maingat na sabi ni Dingdong.

After his team-up with Marian Rivera, naiisip na ba niya kung sino pa ang puwede niyang makapareha?

"Hindi, e," sagot ni Dingdong.

Kahit sinong i-pair sa kanya, okey lang sa kanya?

"Siyempre, kailangan bagay sa role. Sa akin naman, wala namang personal."

Ayon pa kay Dingdong, ayaw rin daw niyang mag-mention kung sino sa mga Kapuso female stars or kahit taga-Kapamilya ang gusto pa niyang makapareha. Kaya tinanong namin siya kung at the back of his mind ay si Marian pa rin ang gusto niyang maka-partner.

"Ayokong sabihin 'yan. Pero looking forward ako sa susunod naming gagawin," nakangiting sagot ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN