Vilmanian Ai-Ai delas Alas clarifies statement about turning Sharonian

"Dun po sa mga nagtatampong Vilmanians, sabi ko kasi, hihimlay akong Sharonian. Di ba, alam naman natin na first and foremost, talagang Vilmanian naman ako? Vilmanian po talaga ako. Nakita ko lang ulit si Mega. So, dalawa na silang idol ko. Pero talaga pong Vilmanian ako talaga," explains Ai-Ai delas Alas.


Sa live guesting nina Sharon Cuneta at Ai-Ai delas Alas sa The Buzz last Sunday, May 10, para sa promo ng movie nilang BFF (Best Friends Forever) under Star Cinema, nagpaliwanag si Ai-Ai tungkol sa binitiwan niyang mga salita sa programa niyang Ruffa and Ai, na hihimlay siya na isang Sharonian.

Nakarating kasi kay Ai-Ai na meron daw mga Vilmanians na nagtatampo sa kanya. Noon pa raw kasi ay lagi niyang sinasabi na Vilmanian siya. Pero nakasama lang niya si Sharon sa movie ay naging Sharonian na siya.

"Dun po sa mga nagtatampong Vilmanians, sabi ko kasi, hihimlay akong Sharonian. Di ba, alam naman natin na first and foremost, talagang Vilmanian naman ako? Vilmanian po talaga ako. Nakita ko lang ulit si Mega. So, dalawa na silang idol ko. Pero talaga pong Vilmanian ako talaga," paliwanag ni Ai-Ai.

Dagdag-biro pa ni Ai-Ai, "At saka puwede po huwag n'yo namang madaliin ang paghimlay ko? Hindi pa naman ako mamamatay, 'no! Kayo nga hindi ko kayo minamadali, 'no! Kaloka naman kayo!"

"At saka magkakakampi naman tayo," singit naman ni Sharon.

"Yes, Vilmanians at Sharonians, go!" ani Ai-Ai.

Pahabol pa ni Sharon, "At Ai-Ainians!"

Samantala, sa kabila ng naturang intriga, naging masaya naman at napuno ng tawanan ang pag-uusap sa pagitan nilang tatlo nina Sharon, Ai-Ai at The Buzz host na si Boy Abunda.

BOY: Aileen [totoong pangalan ni Ai-Ai], ano ang meron si Sharon na gusto mong magkaroon ka?

AI-AI: Siyempre yung bank account niya. Ang yaman-yaman nito, e.

BOY: Shawie, ano ang meron si Aileen na gusto mong meron ka?

SHARON: Naku, tahimik lang ito, e, pero matinik sa maraming bagay. Yung magnetism niya sa men. At saka yung sense of humor.

BOY: Sexiest actor para sa inyo?

AI-AI: Piolo Pascual.

SHARON: Piolo and Derek (Ramsay).

BOY: Shawie, kung meron kang babaguhin pisikal kay Aileen, ano yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHARON: Yung totoo, para perfect na, 'eto (sabay turo sa baba niya) babaan.

BOY: Ano naman ang babaguhin mo kay Mega?

AI-AI: Eto, nipisan.

BOY: Bibigyan ko kayo ng pagkakataon na tanungin ang isa't isa. Isang tanong na hindi n'yo pa naitatanong. Aileen, ano ang itatanong mo kay Mega?

AI-AI: How much ang worth mo? Ang dami-dami mong pera, grabe!

BOY: Mega, if you were to ask Aileen a question, what would that be?

SHARON: BFF, may lovelife ka ba? May boyfriend ka ba?

BOY: Sagutin mo 'yan?

AI-AI: Ah... ummm... Parang gusto ko nang kainin ang mic!


BOY: May lovelife ka ba?

AI-AI: Hindi pa naman boyfriend, pero date-date. Ang arte-arte ko!

BOY: Bakit mataba ang puso ni Mega, at bakit mahaba ang pasensya mo, Aileen?

AI-AI: Mataba ang puso ni Mega kasi siya ay talagang napaka-good hearted. At saka napakagaling nang bonggang-bongga. Actually, ako kung mahaba ang pasensya ko... Mahaba ang mukha ko, pero ang pasensya ko maikli lang.

BOY: Ito, tanong talaga ng marami, bakit ka nila napapayag na gawin ang BFF, Mega?

SHARON: Sinabi lang nila Ai-Ai, tapos sumunod Direk Wenn (Deramas). Wala na akong insip, ni hindi ko na tinanong ang istorya. Sure, sure, sure... Tumatalon ako!

BOY: Last night of the world, ano ang gagawin mo, Shawie?

SHARON: Secret.

AI-AI: Ako, Mega, parang alam ko 'yang secret na 'yan.

BOY: Ikaw Aileen, last night of the world, ano ang gagawin mo?

AI-AI: Ako, to be with my kids and pray to God that I'll be in heaven. O, di ba, pang-Miss Universe ang sagot...Miss Venezuela!

BOY: May tanong pa ako sa inyo, maganda ang katawan pero hindi guwapo, o malaki ang tiyan pero ang guwapo-guwapo. Ano ang pipiliin n'yo?

SHARON: Naku, malaki ang tiyan pero ang guwapo-guwapo.

AI-AI: Ako mahilig talaga ako sa guwapo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHARON: Oo naman, puwede namang papayatin.

AI-AI: At saka hindi talaga ako nagkakagusto sa malaki ang katawan. Gusto ko medyo mataba.

SHARON: Ako basta yung guwapo. Tignan mo ang asawa ko, ang guwapo.

BOY: Okay, boto ako diyan. Bakit may tinik ang rosas?

SHARON: Kasi beauty is a sacrifice.

BOY: Totoo talaga yun.

SHARON: Kasi maganda ang rosas, pero kailangan talaga may pain.

BOY: Ikaw, Ai, bakit may tinik ang rosas?

AI-AI: Sapagkat ang gusto ko ay gumamela!

BOY: Ito ang aabangan namin, what is your favorite scene (in BFF)?

AI-AI: Ako yung bandang huli. Hindi yung huling-huli. Meron pa dun yung second to the last. Gustung-gusto ko yung batuhan namin ng linya.

SHARON: Oo, yung umiiyak tayo, yung magkadikit tayo nun.

AI-AI: Oo, parang ang grabe naman nitong eksena naming ito. At saka yung eksena namin sa movie na ipapakita sa totoong buhay na nahimatay ako nung gawin yun.

SHARON: Ako rin, ako rin.

AI-AI: Nahimatay ka ba? Sa kaligayahan ba ito? Tawa nang tawa, o!

BOY: Shawie, mga first na gawa mo rito sa BFF?

SHARON: Ah, marami, pagtulak ng kotse. Naging taong grasa. Nag-bold!

BOY: Natupad ang pangarap mo.

SHARON: Hindi, pumapayat na ako. Pinaghahandaan ko yun. Basta abangan n'yo yun, kami ni John (Estrada). Basta may cake akong hawak.

BOY: Yun na yun, aabangan namin 'yan. Aileen, ano ang gusto mong sabihin kay Mega as a final message.

AI-AI: Dati ko pa itong gustong sabihin sa iyo, Mega. Habang tinititigan kita, sabi ko, pag malungkot ka, nandito lang ako.

BOY: Shawie, what do you want to tell Ai-Ai?

SHARON: Si Ai-Ai, I'm just glad, gaya ng sinabi ko rin sa iyo. Ang laki ng showbiz pero nagtagpo tayo. Mahal na mahal na talaga kita. Sana marami pa tayong movies together.

Incidentally, premiere night na ng BFF (Best Friends Forever) directed by Wenn Deramas mamayang gabi (May 12) sa SM Megamall Cinema 9 and 10. Puwedeng bumili ng tiket sa Cinema 9, habang invitational naman ang sa Cinema 10. At showing naman ito sa over 130 theaters nationwide bukas, May 13.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Trailer courtesy of Star Cinema


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN