Alex Gonzaga says sister Toni and Pauleen Luna laugh over Santacruzan issue

"Minsan kasi, kapag kausap ko yung mga co-artist ko, parang nahihiya sila. Parang sasabihin nila, 'Ay naku, idyu-Juicy mo kami!' So, ako, hindi naman! Wala pa naman ako sa posisyon na gagawa ng intriga. Siyempre, bago pa lang naman ako sa showbiz, so bakit naman ako gagawa ng intriga?" says Alex Gonzaga about being a showbiz-oriented talk show host.


Kahapon, May 11, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa pinakabatang showbiz-oriented talk show host na si Alex Gonzaga. Masaya ito dahil isa raw ang show nila ni IC Mendoza, ang Juicy, na nanatiling matatag among TV5 shows. Ngayon nga ay nasa ika-4th season na sila.

"Siyempre, masaya kami," nakangiting sabi ni Alex, "kasi fourth season na kami. Kami yung nagtatagal dahil simula nang mag-launch ang TV5, nandito kami. Kahit paano, naka-survive ang show namin."

In a way, ang Juicy ang nagbalik ng pagkakaroon ng daily showbiz talk shows. Ano ang masasabi niya rito?

"Siyempre, parang ang bata pa namin ma-feel na kami ang nagsimula," sabi ni Alex. "Pero naano kami na kahit paano, marami kaming nakikita. At least, meron din na kahit paano, 'Uy, may isyu rito.' At the same time, nagkakatulungan din with other networks. Like, kapag nagkikita-kita raw sa mga presscon, tinutulungan naman kami. Minsan sinasama kami or minsan naman, kami ang nagsasabi sa kanila ng ibang pupuntahan.

"In fairness naman to Juicy, kami ang nagbalik ng Cristy Per Minute!" natatawa pa niyang biro.

So, feel na feel na ba niya ang pagiging talk show host?

"Minsan hindi," sagot niya. "Minsan kasi, kapag kausap ko yung mga co-artist ko, parang nahihiya sila. Parang sasabihin nila, 'Ay naku, idyu-Juicy mo kami!' So, ako, hindi naman! Wala pa naman ako sa posisyon na gagawa ng intriga. Siyempre, bago pa lang naman ako sa showbiz, so bakit naman ako gagawa ng intriga?"

SANTACRUZAN ISSUE. Sa isang banda, kailan lang, may lumabas na isyu between her sister Toni Gonzaga and Pauleen Luna. Ito ay may kaugnayan sa pagsali nila sa Santacruzan sa kanilang lugar sa Taytay, Rizal. Pareho silang kasama ng ate niya na mga sagala sa naturang Santacruzan, pero binibigyan ng kulay kung si Pauleen ang naging Reyna Elena samantalang ang magkapatid na Gonzaga ang likas na taga-Taytay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano nga ba ang nangyari dun?

"Nagkasunduan nga sa Taytay. Ka-partner ko si IC. Tapos kami ng ate ko, dun kami sa Barangay San Isidro. Tapos, yung ate ko, sila ni Direk Paul Soriano [Toni's boyfriend]. Nandun din sila Nene Tamayo at Jao Mapa, pero sa ibang barangay sila."

"Actually, yung isyu, nakita ko nga kahapon [May 10], nakita namin ng ate ko si Pauleen Luna! Tapos sabi niya, 'O, Toni, ano naman yung isyu sa atin?' Parang pinagtawanan lang nila.

"Actually, wala lang naman. Barangay-barangay kasi yun. Iba yung barangay niya, nagkataon kasi na yung dulo, yung barangay nila. Maybe because yung organizer sa barangay nila... Wala naman sa ate ko yun."

Sa kahit anong Santacruzan daw kasi, ang huli talaga ang pinaka-bida dahil ito ang Reyna Elena. So, pinagtatakhan ng ilan na pumayag si Toni na mauna kay Pauleen at hindi ito ang ginawang Reyna Elena?

"Ewan ko sa ate ko. Pero sa amin kasi, wala namang problema. Dinivide-divide nga. At saka, wala rin naman siyang pakialam sa Reyna Elena, kasi gusto lang din niyang mag-parada. First time rin ni Paul yun, so nae-excite rin siya dahil hindi pa nagagawa ni Paul yun ever dahil, di ba nga, dun siya lumaki sa Amerika? At saka, ilang years na rin ang nakaraan simula nang gawin ng ate ko yun," saad ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN