Mark Bautista does not want to rush Sarah Geronimo

"I'm just praying hard na kayanin ko pa ang paghihintay sa kanya. Binibiro nga niya ako, kung kakayanin ko pa raw kahit 40 years old na ako, hanggang 80 years old? Natakot akong bigla!" says Mark Bautista about his willingness to wait for Sarah Geronimo.


Sa recent tour abroad ni Mark Bautista, kasama na naman niya si Sarah Geronimo. Kumbaga, nasolo na naman niya ang babaeng mukha yatang tanging itinatangi ng male singer sa puso niya.

"Yung sa amin ni Sarah, we remain good friends. Yung relationship namin ni Sarah, yung friendly, pero mas kumportable na sa isa't isa. I respect her priorities. Sobra ang priorities niya sa buhay. Nariyan yung career at family niya. Siguro, sa ngayon, mas maganda yung pagiging friends namin. Lalo kaming naging close nitong huling punta namin sa States," paliwanag ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Naitanong namin kay Mark na posible bang mawala na yung romantic feeling niya kay Sarah kung ganyang masanay na siya sa pagiging kumportable nila sa isa't isa as friends?

"I'm just praying hard na kayanin ko pa ang paghihintay sa kanya," sabi ni Mark. "Binibiro nga niya ako, kung kakayanin ko pa raw kahit 40 years old na ako, hanggang 80 years old? Natakot akong bigla!"

Natatawa na lang si Mark sa sitwasyon niya kay Sarah sa ngayon. Aware naman daw si Sarah na naghihintay lang siya.

"Si Sarah kasi yung tipong ayaw niyang minamadali ang lahat," banggit ni Mark. "Gusto niya yung dahan-dahan. Takot kasi siya, e. Ang parents kasi niya, laging sinasabi, sa panahon ngayon, nakakatakot ang basta makipagrelasyon. Marami kasing kabataang nawawala sa tamang landas. Isa rin yun sa mga factor kung bakit hindi basta nagdya-jump si Sarah on matters like this. Lagi ko lang namang sinasabi kay Sarah, naririto lang naman ako."

SUITORS ARE WELCOME. Pero lumalabas na mayroong ibang napupusuan si Sarah. Hindi man hantad, iba ang dating at kiling na hatid ni Rayver Cruz kay Sarah, kaya hiningi namin ang reaksiyon ni Mark sa bagay na ito.

"Hindi ko naman puwedeng i-keep si Sarah from other people," aniya. "May mga mami-meet siyang bago. Wala akong karapatang pigilan siya. Welcome ang lahat ng gustong makipagkilala kay Sarah. Gusto ko lang na yung mga mami-meet niya ngayon, respetuhin siya. Pati pamilya niya. Yung hindi siya gagaguhin, or magte-take advantage lang sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Years na raw ang itinatagal ng kanyang pagiging malapit kay Sarah.

"Parang may na-develop na lang sa aking feelings sa kanya noong almost six years na kami sa business," pagtatapat ni Mark. "Nag-Canada, then Alaska pa kami. Parang doon ko na-realize na seryosohin ko talaga siya. Or, I should say, ang right term diyan, mas na-appreciate ko siya noong minsang mag-tour kami. Na-admire ko siya nang sobra.

"Isa sa qualities na na-appreciate ko kay Sarah, yung kahit paano, nasabi niya sa akin na okay lang na maghintay ako. Puwede naman niyang sabihing huwag na lang pag-usapan, o huwag na lang akong umasa. Pero wala siyang sinasabing ganoon. Time lang talaga ang makapagsasabi kung ano ang pupuwedeng mangyari sa amin," pagtatapos ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN