Jennylyn Mercado tells different story about her "disappearance"

Contrary to manager Becky Aguila's statement that she didn't know where Jennylyn Mercado (in photo) was during the two days that she "disappeared," the actress-singer said that she was ill and just resting at home.


Ibang-iba ang bersiyon na sinabi ni Jennylyn Mercado sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling entertainment press tungkol sa "pagkawala" niya ng dalawang araw. Dahil sa kanyang "pagkawala" kaya hindi natuloy ang kanyang live guesting sa Startalk noong Sabado (May 9) at sa SOP noong Linggo (May 10). Pati ang press conference for her solo concert na I Am Woman noong Sabado ng gabi ay hindi sinipot ni Jennylyn.

Nagpaunlak ng interview si Jennylyn sa PEP kahapon, May 11, sa set ng Paano Ba ang Mangarap? sa Sucat, ParaƱaque. Ayon sa young actress, nagulat siya at may balita palang nawawala siya. Iginiit ni Jennylyn na nasa bahay lang siya noong nakaraang Sabado dahil maysakit siya.

Sa kuwento kasi ng kanyang manager na si Becky Aguila ay nagpaalam daw si Jennylyn na may ipapaayos lang siyang digital camera at didiretso na ito sa salon para magpaayos para sa guesting niya sa Startalk. Pero hindi nagpakita si Jen sa studio ng Startalk at hindi man lang nagpasabi kung nasaan siya. (Click here to read related story).

Ayon kay Becky, ilang beses daw niyang tinawagan si Jennylyn sa cell phone nito, pero hindi raw sumasagot ang alaga. Kaya si Becky na ang humarap sa invited entertainment press para mag-sorry dahil hindi raw nila mahagilap si Jennylyn.

Ayon naman sa kuwento ni Jennylyn, nagpasabi siya sa kanyang manager na masama ang pakiramdam niya noong Sabado. Halos wala raw kasi siyang boses dahil sa sipon at ubo. Sinabi raw niya sa kanyang manager na hindi siya makakapag-guest sa Startalk at hindi na siya makakadalo sa presscon dahil masamang-masama ang pakiramdam niya.

All the while daw ay nasa kuwarto lang daw niya si Jennylyn at nagpapahinga. Marami raw siyang gamot na ininom kaya tulog na tulog siya. Dahil sa sobrang himbing daw ay hindi niya narinig na nagri-ring ang cell phone niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkagising raw ni Jennylyn noong Sunday ng hapon, nagtaka siya kung bakit may balitang nawawala siya at hindi siya mahanap. Muling ipinagpilitan ni Jen na nasa bahay lang siya at wala siyang ibang pinuntahan dahil masama ang pakiramdam niya.

Obvious na hindi magkatugma ang kuwento ni Jennylyn at ng kanyang manager. Kumbaga sa script ay maraming butas ang kanilang kuwento na kung iisa-isahin ang mga nabanggit nilang magkakaibang eksena ay pihadong may lalabas na isa sa kanilang dalawa ang hindi nagsasabi ng totoo.

May nakarating namang impormasyon sa PEP na sinadya talaga ni Jennylyn na hindi siputin ang kanyang showbiz commitments dahil may hidwaan diumano sila ng kanyang manager. Hindi malinaw kung ano ang pinagkagalitan ng dalawa, pero ito raw ang "ganti" ni Jennylyn sa kanyang manager.

Gimik man ito o hindi, sana ay makatulong pa rin sa nalalapit na concert ni Jennylyn ang pangyayaring ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN