Katrina Halili finally speaks up about sexy dancing video with Hayden Kho

"Yung una pong malaman ko yung video, nag-worry ako. Kasi feeling ko, tapos na yung issue, bakit ibinabalik pa, nanahimik na ako. Pero nong mapanood ko, naisip ko na hindi ako dapat mag-react ng negative kasi wala naman kaming ginagawang masama doon sa video, nagsasayaw lang naman kami," says Katrina Halili about her dance video with Hayden Kho that's circulating on the Internet.


Taliwas sa mga kumakalat na balitang nag-iiyak at depressed na depressed si Katrina Halili dahil sa paglabas ng sexy dancing video nila ni Dr. Hayden Kho sa iba't ibang websites (hindi rito sa PEP), nakangiti at nagbibiro ang aktres nang makaharap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 12, at matanong tungkol sa nasabing bagong isyu sa kanya.

Sa interview ng PEP kay Katrina, kaswal niyang inamin na sila nga ni Hayden ang nasa video.

"Ako nga po yun," amin niya. "E, two years ago pa yun. Inamin ko naman po na nagkaroon kami ng relasyon ni Hayden. Hindi ko naman itinago yun, pinagsisihan ko na nga po yung pagkakamali kong yun, pinagbayaran ko na yun, and humingi na ako ng patawad. So, balewala naman po kung hindi ko aaminin yung video, kasi ako naman po yun."

POSITIVE EFFECT. Noong una raw ay gustong magalit ni Katrina sa lumabas na video. Pero naglubag ang loob niya nang pansinin at purihin ang magandang hubog ng kanyang katawan at husay niya sa sexy dancing.

"Yung una pong malaman ko yung video, nag-worry ako. Kasi feeling ko, tapos na yung issue, bakit ibinabalik pa, nanahimik na ako. Pero nong mapanood ko, naisip ko na hindi ako dapat mag-react ng negative kasi wala naman kaming ginagawang masama doon sa video, nagsasayaw lang naman kami.

"Saka po ang daming nag-text sa akin, sinasabi nga nila na ang sexy-sexy ko raw doon at ang galing-galing ko raw magsayaw ng sexy. Yung isang kaibigan ko nga na taga-GMA 7, sinabi niya sa akin na mahusay naman pala raw akong magsayaw ng sexy, bakit puro pa-pouty lips lang ako sa SOP. E, hidden talent ko po yun, e, na doon ko lang nailabas," nangingiti niyang sabi.

Kahit daw siya ay hindi makapaniwala sa kaseksihan niya sa video.

"Ang sexy-sexy ko nga doon, ang ganda ng katawan ko," bulalas niya. "Sa totoo lang po, mas naatim ko pang panoorin yung video sa YouTube kesa yung labas ko sa Darna at sa Gagambino. Kasi po ang taba-taba ko sa Darna at Gagambino!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinadyang manahimik muna ni Katrina at huwag magsalita kaugnay sa nasabing video scandal nila ni Hayden.

"Advice din po kasi ng manager ko [Rommel Gacho] na huwag akong magsalita. Saka gusto ko rin munang malaman yung mga reaksiyon ng mga kaibigan ko, yung mga kakilala ko at ng iba pang tao. Pinanood ko rin yung video kung meron ba akong dapat na ikagulat. E, wala naman akong naririnig na negative feedback sa pagsasayaw ko kaya naisip ko na huwag nang mag-react ng negative nang bonggang-bongga.

"Saka, yun nga po, nagsayaw lang naman ako doon. Kung papanoorin mo ang video, wala kaming ginawang masama doon. Hindi naman ako hinawakan sa private parts ko. Para nga pong napagkatuwaan lang naming magsayaw nang gano'n," paliwanag niya.

Dahil sa magandang feedback ng pagsasayaw ni Katrina, nagbiro itong puwede na siyang gumawa ng isang instructional sexy dancing video para sa mga babaeng nagnanais na matuto ng sexy dancing at ma-achieve ang kaseksihang gaya ng sa kanya.

"Oo nga po, e, iniisip ko nga gumawa ng dance video na nagtuturo kung paano sumayaw ng ganong ka-sexy. Sasabayan ko na rin po kung paano magpaganda ng katawan," nakangiti niyang suhestyon.

SLIMMING CLINIC. Ang magpaganda ng katawan at balat ang pinagkakaabalahan ngayon ng sexy actress. Katunayan, nagpapagawa siya ng personal clinic niya sa bagong bahay niya sa Quezon City kung saan niya ilalagay ang mga mamahaling beauty rejuvenating and slimming machines.

Sa dami ng mga ito, aabot sa higit sa isang isang milyong piso ang halaga ng mga nasabing machines.

Para lang sa mga kaibigan ni Katrina ang personal clinic niya na gustong mag-relax, magpaganda, at magpapayat.

"Hindi na po ako lumalabas ng bahay. Ito po ang pinagkakaabalahan ko ngayon," sabi niya.

Ang dating katawan na nasa sexy dancing video scandal nila ni Hayden ang ina-achieve na makuha uli ni Katrina. Aminado siyang tumaba siya ngayon dahil wala siyang masyadong ginagawa, pero sandali na lang at manunumbalik uli ang dating katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa video nila ni Hayden, size 23 inches lang ang waistline ni Katrina. May sukat namang 34 ang kanyang boobs at 35 ang kanyang balakang.


Sa video, proud na sinasabi ni Katrina ang magandang kurbada ng kanyang katawan nang tumalikod siya sa kamera.

THE SOURCE. Palaisipan kay Katrina kung bakit ang sexy dancing video nila ni Hayden ang inilabas sa YouTube. Palaisipan din sa aktres kung sino ang nag-upload ng video na yun.

May plano pa rin si Katrina kaugnay sa nasabing video scandal niya. Tumanggi lang ang sexy actress na sabihin sa amin kung ano ito. Malalaman din naman daw ng lahat ang tungkol dito pag nakapagdesisyon na siya.

Pinapaimbestigahan na rin ng aktres kung saan nanggaling ang video at kung sino ang posibleng naglabas nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN