Jake Cuenca flattered by rave reviews on his performance in Tayong Dalawa

"Ito yung ultimate na gusto rin naming mangyari sa career namin. Nakakataba ng puso. Para sabihin ninyong I'm living up to the expectations ng marami, masaya ako. Salamat talaga. Malaking karangalan yun. Mas namu-motivate ako. From the very start, yun lang ang maipapangako ko, na paghuhusayan ko pa sa abot ng makakaya ko," says Jake Cuenca.


Pagkatapos ng hindi magagandang komento kay Jake Cuenca dahil sa kakayahan niya bilang aktor at hindi rin nabibigyan ng malalaking breaks, heto na ang panahong pinupuri-puri naman siya dahil napapatunayan naman niyang nararapat siya sa pagtitiwalang ibinibigay sa kanya.

Nakatatanggap ng rave reviews si Jake dahil sa performance niya sa Tayong Dalawa. Kumbaga, ito na ang panahong aktingan na ang labanan sa nabanggit na teleserye ng ABS-CBN, lalo na sa younger members of the cast. Lalo na ang mga mabibigat na eksena nila ni Cherry Pie Picache, na in fairness kay Jake, malaking tulong ang aktres para maiangat nang husto ang kalidad ng performance niya.

"Sobrang kabado ako with Miss Pie dahil alam naman natin she's really a seasoned actress," pahayag ni Jake sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "At saka all throughout, kung mapapansin mo, si Miss A [Agot Isidro] ang nakakaeksena ko dahil siya yung kinilala kong ina sa series, di ba?

"'Pag nag-action na kasi, nakikita ko na si Miss Pie, this time, bilang nanay ko na. Anak na rin ang feeling niya sa akin, and I'm so happy Miss Pie is going out of her way to help me. Kung sa rehearsal pa lang nakikita na niyang palpak kami, sinasabi na niya. She doesn't hesitate, para na rin sa kapakanan namin. Ang babait ng co-stars namin. I'm just very lucky," nangingiting sabi ng young actor.

Very flattered naman si Jake sa mga papuring nakararating sa kanya dahil sa pinagbubuti naman talaga niya ang trabaho niya.

"Ito yung ultimate na gusto rin naming mangyari sa career namin. Nakakataba ng puso. Para sabihin ninyong I'm living up to the expectations ng marami, masaya ako. Salamat talaga. Malaking karangalan yun. Mas namu-motivate ako. From the very start, yun lang ang maipapangako ko, na paghuhusayan ko pa sa abot ng makakaya ko," saad ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliit man o malaking role, he will see to it na 110 percent ang ibibigay niyang efforts.

"Ang trato ko riyan, parang ito na ang last project ko, ganoon," aniya. "Para maibigay ko na ang the best ko. Napapaniwala ko ang sarili ko na ito na ang huling project ko kaya naipapakita ko na kung ano ang hindi ko pa nailalabas."

BECAUSE OF MELISSA? Totoo bang malaki ang ambag ng nali-link sa kanyang si Melissa Ricks sa pagbongga ng career ni Jake?

"Natatakot nga rin ako, kasi, yun na nga, yung mommy ni Melissa, wala naman talagang dapat ikatakot," nangingiting sabi ni Jake. "Hindi pa naman ako nanliligaw talaga. We're just being good friends.

"Very blessed kaming dalawa. Sa kanya, yung Kambal sa Uma, first time na nagre-rate ng all-time high sa hapon. Yung Tayong Dalawa is rating very well naman. Pareho kaming busy, at iba ang dating ng blessings sa career namin."

Napangiti pang lalo si Jake nang banggitin namin sa kanya na very positive ang ugnayan nila ni Melissa. Hindi katulad nang sila pa ni Roxanne Guinoo na parang laging may tension at nakakaapekto pa yun sa career nila mismo.

"Yun ang magandang katangian ni Melissa, magaang dalhin. Wala siyang baggage. Very positive ang outlook niya. Maski nag-uusap lang kami, she avoids negative ideas. Kaya humahanga rin ko nang husto sa kanya. Bata pa si Melissa, pero sa outlook niya, makikita mong very positive na. I'm good with friendship right now.

"Sabi nga ninyo, I'm proving myself now. So, ito na munang career ko ang iintindihin ko. I want to do better, at gusto kong ipgpatuloy ang nasimulan ko sa Tayong Dalawa. Nasa career ko muna talaga ang atensiyon ko," pagtatapos ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN