Arron Villaflor of Gigger Boys feels he really belongs in showbiz

"Iba ang dating ko sa Boystown. First time na talagang bad boy ang role ko. May pagkakontrabida. May pagkasira-ulo ako rito at may mga nagsasabi ngang baka hindi bagay sa personality ko yung role ko. Doon nga ako na-challenge, kung paano ko aayusin ang trabaho ko para makita nilang kaya kong gumanap ng ganoong klaseng role. Ginagawa ko lang ang dapat bilang artista," says Arron Villaflor about his role in Boystown.


Pangalawang grupo na bale ni Arron Villaflor ang Gigger Boys. Dati siyang kasama sa DDC or Dynamite Dance Crew with John Prats. Nag-decide ang management ng ABS-CBN at Star Magic na mag-create ng bagong group.

"Para kasing hindi kinakagat ang DDC noon," paliwanag ni Arron sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Hanggang malaman ko na lang, may bagong grupo na, itong Gigger Boys at kasama ako rito.

"Suwerte ko na lang nga. Marami kasing talents ang ABS-CBN, and it's a good thing, maraming nakipaglaban sa akin para mapasama ako rito sa Gigger Boys. Ang management nga ang nakakaalam kung sinu-sino yung nakipaglaban para sa akin. Nagtiyaga rin naman ako, and this is the prize which I deserve."

Para ngang napag-iwanan ng ilang ka-batch niya sa Star Circle Quest itong si Arron. Pero pagtitiyaga lang ang ginawa niya. Heto at kasama siya sa pinalakas na puwersa ng Gigger Boys na mapapanood sa Boystown, na siyang tampok sa seryeng Your Song.

"Iba-iba rin kasi yung reason ng iba. Mayroong hindi na nakatagal, they realized, hindi para sa kanila ang showbiz. Sa akin naman, ang feeling ko, I really belong here. Yung goal ng iba, ang buhay nila, nasa school. Wala naman akong ganoong naiisip. Pansamantala lang kasi ang showbiz. Naghintay lang ako, kasi mula sa pagkabata ko, ito na ang pangarap ko. Happy ako dahil nagbunga yung pagtitiyaga ko. I was blessed by God," sabi ni Arron.

Wala bang naghikayat sa kanyang lumipat na lang sa GMA-7?

"May mga nag-o-offer," aniya. "Pero pagtanaw na lang siguro ng utang na loob sa ABS-CBN. Kahit paano, sila ang nagbigay sa akin ng pangalan, kaya maghihintay na lang ako dito. Basta, mas gusto ko sa ABS. Happy rin ako dahil may mga ibinibigay pa ring trabaho sa akin. Hindi lang paghihintay ang ginawa ko. I just do my best kahit sa maliliit na roles na ibinibigay sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "Iba ang dating ko sa Boystown. First time na talagang bad boy ang role ko. May pagkakontrabida. May pagkasira-ulo ako rito at may mga nagsasabi ngang baka hindi bagay sa personality ko yung role ko. Doon nga ako na-challenge, kung paano ko aayusin ang trabaho ko para makita nilang kaya kong gumanap ng ganoong klaseng role. Ginagawa ko lang ang dapat bilang artista."

Ang ipinareha sa kanya noon ay si Erich Gonzales, Grand Questor ng Star Circle Quest 2. Eventually, sa iba-iba rin naipareha si Erich.

"Hindi ko rin masasabi kung bumongga ba talaga ang career ko kung nagpatuloy ang love team namin ni Erich!" natatawa na lang si Arron. "Para sa akin, parang pareho lang. Maganda sana 'yan kung sisikat yung love team, o kung dito sa Gigger Boys, kung sisikat ang grupo, damay na kami rito.

"Pero nami-miss ko rin talaga. Gusto ko rin ng may ka-love team. Matagal din akong nagsosolo. Para sa akin, pareho lang kung love team, o kaya'y nasa group ka. Depende na lang kung magki-click."

Basta kahit anong klaseng trabahong ibigay ng ABS-CBN sa kanya, garantisadong hindi raw niya pahihiyain ang mga taong nagtitiwala sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN