Baron Geisler continues to reap honors despite negative image

"I believe, palagi kong sinasabi 'to, I must be doing something good. Kasi hindi ako ibi-bless ni God ng ganito kung masama akong tao talaga. And of course, yung mga taong kasa-kasama ko, yung mga tumutulong sa akin... Lahat ng naniniwala sa akin na hindi nga ako yung masamang taong iniisip ng iba," says Baron Geisler.


Nagpatawag ng pocket presscon ang Star Magic para kay Baron Geisler kahapon, May 12, sa Grams restaurant ng ELJ Building sa ABS-CBN.

Baron received lots of negative publicity in the past. But when it comes to acting and what he can offer, he is now considered one of the best actors in his generation.

Tatlong best actor awards na nga ang napapanalunan ni Baron for his performance in the indie film Jay. Ito ay mula sa Cinemalaya, Gawad Tanglaw, and recently sa Golden Screen Awards.

"Thank you, sobrang hindi ako makapaniwala na nanalo ako ulit. I hope it keeps on coming!" simulang pahayag ni Baron sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Yun nga lang, malaki raw ang panghihinayang ni Baron na hindi siya naka-attend ng awards night ng Golden Screen Awards, na ipinamamahagi ng Entertainment Press Society (Enpress).

"Yun nga, e, I feel bad nga dahil I was in Bohol for a show. Dapat babalik ako, kaso na-stranded na. Umuulan nung time na yun. Actually, papunta pa lang doon, sobrang dami ng air pocket na. But I really wanted to attend. Tulad nga ng sinabi ko, it's not the winning or losing. It's the experience of thanking the people who nominated me and mingling with the press and my co-actors. Yun ang experience na na-miss ko," saad niya.

Paano niya nalaman na siya ang nanalo and how does he feel?

"Tinawagan ako ni Direk Francis [Pasion, director of Jay]. So, yun, parang nasayang. At that time, may speech na akong naiisip, siyempre it's the moment. But kung may speech ako, thank you lang kay God because he's been very good to me. And yung bumubuo sa Enpress, of course, the press na naniniwala.

"May statement nga ako, hindi lang nilabas sa SNN... Sabi ko, ngayon naniniwala ako na yung mga press, hindi nadadala sa salapi. Hindi ba, ang dami kasing tsismis diyan? This time, I look up to them, so much na sobrang wala lang. Wala kasi akong alam kung nagbago man o ano, pero ang tingin ko sa kanila, sobrang taas na they really know what they are watching and what good film is. That's why they are press people and they are critics. Kaya biglang ang taas ng tingin ko sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Baron, napakalaki raw ng pasasalamat niya sa nagawa sa kanya ng pelikulang Jay.

"Sobrang thankful!" bulalas niya. "Actually, kakapanalo namin kahapon, noong isang araw, sa Barcelona Asian Film Festival for Asian Digital Film. Meron pa rin kami sa Sydney, in competition pa lang, sa June 4 and 5. After Sydney, we will go straight to New York, dun naman ang competition.

"And ano, ha, patok kami sa L.A. [Los Angeles], sobrang well-watched daw kasi yun nga, gay-lesbian ang sumuporta. Nakatanggap ako ng message sa Facebook na sinasabing, 'Baron, pinagkakaguluhan ang film n'yo rito, sobrang sinusuportahan ng gays.'"

Ayon kay Baron, malapit na rin i-launch ang DVD copy ng Jay.

BARON, THE ACTOR. Ano pa ang mga gusto niyang gawin na feeling niya ay mas matsa-challenge pa siya bilang isang aktor?

"Alam n'yo, inggit na inggit nga ako kay Timmy! Si Sid Lucero, kasi nasa Cannes sila. At sobrang natuwa ako sa Independencia, sa trailer pa lang, to the point na, ang suwerte mo! Gusto ko sanang gumawa ng isang artsy film. French yung producer nila, so naa-addict ako sa paggawa ng ganung film. Kung gagawa man ako ng digital, gusto ko yung classy. Yung talagang ipagmamalaki natin hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa abroad," saad ni Baron.

Masuwerte si Baron dahil tatlong pelikula na raw ang naka-lineup para sa kanya. Isa sa Viva Films at dalawa sa Regal. Sigurado na rin daw ang pagkakasama niya sa Aljur Abrenica-Kris Bernal launching movie, na isu-shoot on location sa Bohol. Aniya, ngayong araw, May 13, na ito ang story conference for the movie.

Sa kabila ng negative publicity tungkol sa kanya, tila hindi ito nakakaapekto sa career niya. Maging sa pagkilala sa kanya bilang aktor, hindi tinitingnan kung ano ang mga negatibong isyu na madalas na nakadikit sa kanya.

Ano ang masasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I believe, palagi kong sinasabi 'to, I must be doing something good. Kasi hindi ako ibi-bless ni God ng ganito kung masama akong tao talaga. And of course, yung mga taong kasa-kasama ko, yung mga tumutulong sa akin; like sila Direk Maryo J. de los Reyes, Direk Francis, Mr. M [Johnny Manahan], ABS-CBN... Lahat ng naniniwala sa akin na hindi nga ako yung masamang taong iniisip ng iba.

"And of course, natutuwa ako kapag lumalabas ako, yung mga barako diyan, 'Tol!' Siguro, napapansin nila na hindi ako nagpapa-cute or hindi ako lumilinya sa teeny-bopper. Nagpapakatotoo lang ako, ginagawa ko lang ang gusto ko. When it comes to my characters, inaayos ko talaga para sa kanila."

REHAB ISSUE. Again, Baron clarified the issue na kesyo he's about to enter a rehabilitation center. Yun daw ang reason kung bakit kinailangan niyang i-call ang attention ng nagsulat ng article na yun sa isang broadsheet because it's not true at all daw.

"I'll just see a priest and a psychiatrist who could help me," sabi ni Baron. "Actually, nagawa ko na yun before. Actually, before PBB [Pinoy Big Brother], I'm okay. But after PBB, I got depressed. Akala ko wala nang kukuha sa akin dahil nakita na nila yung totoo ko kapag nalalasing.

"But now, the honest truth is, I can handle my drinking now. But you know what, I'm doing The Weddings at may gagawin akong show sa ABS, yung Bilibid Boys, although working title pa lang. Tapos, hiniram ako ng GMA-7 for SRO at pinayagan naman ako ng ABS. So, you know, I feel so blessed talaga."

Pero may plano raw siyang puntahan ang 10-day retreat na sinasabi sa kanya ni Direk Francis na ireregalo nito sa kanya.

"It's a 10-day retreat na wala kang kakausaping tao. Pero may kasamang mga monks. Bawal magdala ng yosi, para siyang Big Brother house. Parang ireregalo niya sa akin yun. Sabi niya kasi, lahat ng lust or mga urges natin, nawawala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Open ba siya sa ganoon?

"I want to try, I want to try different things," sagot niya. "To grow lang not only as an actor, but also as a better person. And so far, hindi na rin naman ako lumalabas kaya wala na rin nakakakita sa akin.

"To tell you the truth, yeah, I still drink. So, hindi ako magpapaka-plastic. Pero ang ano nito, I can handle it na. Nagiging mature na ako. Nagpunta ako ng Australia na walang gulong nangyari, which is, expected ng mga tao, magwawala. Nagpunta ako ng Bohol, kasama ko ang driver ko, wala akong problemang ibinigay sa Purple Box. Maaga akong nagising. Kapag nagtatrabaho ako, never akong na-late. Ibig kong sabihin, wala na kasing mahanap na itira or gamitin against me.

"Sa trabaho, wala naman. So, tinitira nila ako sa personal life. Kaya dumating sa point na gusto kong idemanda yung isang taong yun na sinabing nagwala ako sa isang bar. E, sabi ko, 'Ano 'to?' Hindi na nga ako lumalabas, tapos nagsulat siya ng mga nakakasira," pahayag ni Baron.

BARON IN LOVE. Pagdating naman sa kanyang lovelife, aminado si Baron na very much inspired siya ngayon dahil sa kanyang girlfriend who resides in Australia at dinalaw nga niya kailan lang.

"Pupunta dito ang girlfriend ko, sa May 27," balita niya. "She will be my date sa Star Awards naman. Sabi ko nga sa kanya, 'Babes, win or lose, will you still be happy for me? Will you still love me?' Sabi niya, 'Of course, I'll be behind you, 100 percent.' If ever I don't get anything dito, at least, I have her to hug."

Four months na raw sila ng girlfriend niyang si Rachel Stephenson.

"Sobrang inspiration ko siya, sobrang mahal ko siya!" bulalas niya. "After nung dati na na-in love ako, kaya nabaliw ako... Siguro mga eight years ago ko naramdaman ito, siguro bumalik ngayon lang. Na-meet ko yung parents niya, mga kapatid niya. They welcomed me with open arms talaga. Tanggap din niya lahat sa akin. Ewan ko nga, I think she's the 100 percent girl for me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN