LJ Moreno and Jimmy Alapag won't stay under one roof anymore after their reconciliation

"I'm happy that Jimmy came back into my life. After we broke up naman, months after ay nakakapag-usap na kami. We became friends na ulit and we never thought nga na after a year na nag-break kami, we would end up together again. Yun nga lang, may mga changes na and he's up to it. We both want to make our relationship work for the second time," says LJ Moreno about reconciling with boyfriend Jimmy Alapag (inset.)


Inamin ni LJ Moreno na sila na ulit ng PBA player na si Jimmy Alapag.

Kung matatandaan ay naghiwalay si LJ at Jimmy noong isang taon pagkatapos ng tatlong taon nilang pagsasama. Sa pakikipagbalikan daw ni LJ sa dating boyfriend ay marami na raw ang mababago sa kanilang relasyon. Isa na rito ay hindi na sila puwedeng magsama sa iisang bubong hangga't hindi sila ikinakasal.

Hindi naman nag-deny si LJ na nag-live in sila ni Jimmy ng ilang taon. Pero nauwi nga sa hiwalayan ang kanilang relasyon nang madiskubre ni LJ na may ibang babaeng pumasok sa eksena.

Kung sino raw ang babaeng 'yon (isang starlet na nakakontrata sa isang TV network), hindi na lang daw babanggitin ni LJ ang pangalan nito dahil hindi raw worth pag-usapan ito. Ang importante raw ay nagsisi si Jimmy sa kanyang naging kasalanan at magsisimula ulit sila.

"Nag-usap kami ni Jimmy and we agreed na hindi na kami magsasama sa isang bahay," lahad ni LJ sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "We did live in one house before. But now, it's all different. Para wala nang pressure since nagsisimula ulit kami.

"Sinabi ko nga na magsasama lang kami kapag kasal na kami, which is the proper thing to do naman, di ba? After we broke up a year ago, naging active ako sa pag-attend ng Bible studies. I realized then na marami akong ginawang pagkakamali sa mga naging relasyon ko.

"I was too open sa mga naging karelasyon ko noon," patuloy niya. "Hindi ako nakikinig sa mga advice ng parents ko na hindi maganda ang live-in na setup. I just wanted my own way since I'm of legal age to do what I want.

"But I realized nga na it's not what you always want to do is right. May mga consequences. Ayoko namang isipin na kaya marami akong naging failed relationships is because I was too giving of myself sa sinuman ang karelasyon ko noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Now that I know better and I'm trying to put the broken pieces of my life together. And I'm happy that Jimmy came back into my life. After we broke up naman, months after ay nakakapag-usap na kami. We became friends na ulit and we never thought nga na after a year na nag-break kami, we would end up together again. Yun nga lang, may mga changes na and he's up to it. We both want to make our relationship work for the second time."

NO MARRIAGE TALKS. Speaking of marriage, sinabi ni LJ na mukhang matagal pang mangyayari 'yon dahil hindi pa raw nila ito ulit napag-uusapan ni Jimmy.

"Noong kami pa before, we used to talk about it," sabi ni LJ. "Now, he hasn't brought up that topic yet. Honestly, he hasn't proposed to me yet naman. As you can see, wala naman akong engagement ring.

"But it's okay kasi we're starting all over again. Both of us are still adjusting to one another again. Awkward nga naman kung bigla siyang magyayang magpakasal, e, kakabalikan lang namin. If it happens, it happens. If he's serious with it, he better put a ring on it, di ba?" sabay tawa ni LJ.

Sa muling pagbabalik nga nila LJ at Jimmy ang una nilang ginawa ay ang baguhin ang hitsura ng bahay na dating pinagsaluhan nila. Binago raw nila ang ayos nito at pinalitan ang mga gamit.

"It's going to be a fresh start for us," sambit ni LJ. "Though I won't be living there, gusto ko rin naman na may input ako sa bahay ni Jimmy. We want to get rid of the old stuff. May nakahalo na kasing negativity, e.

"Jimmy said nga na he would feel more comfortable sa bahay niya kung bago lahat. I agreed on that naman. Alam ko na magastos, pero if it will make both of us feel good about it, then we wouldn't mind the expenses. We want to have good vibes sa house niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW SHOWS. Dahil sa magandang outlook in life ngayon ni LJ, sunud-sunod din ang projects na ginagawa niya after niyang maging contestant sa Pinoy Fear Factor. Mapapasama siya sa drama series ng ABS-CBN 2 na Nasaan Ka Maruja?. May sarili rin siyang show na hinu-host sa Viva Cinema, ang Celebrity Real Life Stories, kung saan magpi-feature ng iba't ibang big celebrities at kung paano sila nagsimula sa showbiz.

"It's just like E! True Hollywood Stories. It's my first time to host a show like this at noong una, kinabahan ako. Pero I enjoyed it at hindi ko akalain na makakagawa ako ng ganitong klaseng show. I want to thank Viva Artist Agency for trusting me with this kind of show," pagtatapos ni LJ.

Ang Celebrity Real Life Stories ay isa lang sa mapapanood na shows sa Viva Cinema, isang 24-hour Tagalog movie channel on Cignal TV. Magiging available ito sa various cable networks nationwide.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN