Gladys Reyes impressed by the wedding of Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo

"Very relaxed. Hindi sila tensiyonado. Kami kasi ni Christopher, nang ikasal kami, halos hindi na kami nakakain dahil sa pag-aasikaso ng mga bisita. Sa reception, walang presidential table. Basta, naki-mingle ang mag-asawa sa kanilang guests. Hinahanap ko si Juday at nakita ko na lang siya, nakapila sa buffet table! Ganoon kakaswal," relates Gladys Reyes about the recent wedding of her friend Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo.


Dalawang programa sa Kapamilya network ang pagsasamahan nina Gladys Reyes at Judy Ann Santos. They play the best of friends in the comedy series George & Cecil, and the worst of enemies in the Nursreye Habang May Buhay. Pagkatapos ng mahaba-habang panahon, magsasama na naman ang dalawang "classic" nang maituturing sa larangan ng teleserye na nagsimula noon sa Mara Clara.

Natiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gladys sa dressing room ng TV5 habang naghihintay ng pag-uumpisa ng taping para sa Who Wants To Be A Millionaire?, ang game show na ihu-host ni Vic Sotto. Dito ay marami naikuwento si Gladys tungkol kay Juday at sa naganap na pag-iisang-dibdib nila ni Ryan Agoncillo.

"Nang mag-umpisa kami ng taping sa Habang May Buhay, may nabanggit na siya tungkol sa kasalan. Alam ko nang magaganap yun sa April, hindi sa May na unang napabalita. Wala pa raw definite date, pero maghanda na lang daw ako, sabi ni Juday," umpisa ni Gladys.

Lumipas ang mga araw, nalalapit nang matapos ang Abril, wala pa rin siyang balita sa kasalan.

"Naku, akala ko nga, hindi na tuloy!" sambit ni Gladys. "Pero four days before the actual date, doon ko pa lang natanggap yung invitation. Before that, tinatanong lang ni Juday sa akin yung size ng paa ko. Noong na-receive ko kasi yung invitation, naka-receive kami ng tig-iisang sapatos ni Christopher [Roxas, her husband], at doon na nga lang daw sa reception namin matatanggap yung kapres ng mga sapatos.

"Parang treasure hunting ang nangyari. Walang masyadong detalye. Yung invitation, initials lang nina Juday at Ryan. Kung wala pa ang initials na yun, wala akong hint na kasalan na ang mangyayari."

Sa invitation, wala raw mention ng mga pangalan. Maski ang entourage, nalaman na lang niya roon sa mismong kasalan.

"Malayo ang lugar, three hours kaming nagda-drive," lahad ni Gladys. "May dinaanan pa kaming zigzag road. May rough road pa. Yung map na nasa invitation, hindi nakalagay doon yung eksaktong pangalan ng place. Basta may X mark lang kung saan kami magpa-park, doon iiwan ang sasakyan namin, at magta-transfer kami sa shuttle bus na maghahatid sa amin doon sa simbahan. Pagsakay namin ng shuttle bus, kinuha na ang mga camera at cell phones. Ganoon kahigpit. Hindi tuloy ako nakakuha man lang ng pictures for remembrance sa kasalan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Ang reception ay nangyari sa Balai Resort, sa Anilao, Batangas. Yun kasi ang favorite place nina Ryan at Juday, doon sila madalas mag-date."

Impressive daw ang kasalan. Very solemn. Natupad ang ginusto ng dalawa, at kahit sa reception, nakakain nang husto sina Juday at Ryan.

"Very relaxed. Hindi sila tensiyonado. Kami kasi ni Christopher, nang ikasal kami, halos hindi na kami nakakain dahil sa pag-aasikaso ng mga bisita. Sa reception, walang presidential table. Basta, naki-mingle ang mag-asawa sa kanilang guests. Hinahanap ko si Juday at nakita ko na lang siya, nakapila sa buffet table! Ganoon kakaswal," sabi ni Gladys.

The most touching part para kay Gladys ay nang magsalita na si Jeffrey Santos, nakatatandang kapatid ni Juday.

"Kay Mommy Carol [Santos, Juday's mom] kasi, may halong comedy pa. Nakakaiyak din, pero hindi gaya ng kay Jeffrey, na parang nag-flashback daw sa kanya ang batang bunsong naglalakad sa may aisle ng simbahan, at nang mag-meet na sila ng groom, doon niya nakita yung katotohanang may iba na ngang buhay na tatahakin ang kanyang kapatid.

"It's the first time din na nakita ko ang father ni Juday," pahabol ni Gladys, pero hindi na siya nag-elaborate pa sa parteng yun.

Hindi nga nalimutan ng newlyweds si Gladys at ang mister nitong si Christopher. Kung sa mga teleserye at pelikula, nakita ng publikong nagbabangayan sina Juday at Gladys, pagpapatunay lang na sa ganitong pagkakataon, nananatili silang magkaibigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN