Vic Sotto hosts his first game show via Who Wants To Be A Millionaire?

"I feel glad and I feel excited. I feel honored and flattered that na-offer sa akin ito. Not in my wildest dream na I would end up as a host of Who Wants To Be A Millionaire?," says Vic Sotto.


Aminado si Vic Sotto na avid viewer siya noon ng game show na Who Wants To Be A Millionaire?, na ang unang Philippine version ay hinost ni Christopher de Leon. Kaya naman nang makuha ng TV5 ang rights para sa muling pag-ere ng naturang game show sa Pilipinas at ialok kay Vic ang pagho-host nito ngayon, hindi na nagdalawang-isip ang sikat na TV host-comedian na tanggapin ito.

"Nung in-offer sa akin ito, umoo agad ako, e. Wala nang tanong-tanong sa talent fee. Kasi ano ako, e, fan ako ng show. Avid viewer ako. You know what 's fun with it? Ang maganda sa Who Wants To Be A Millionaire?, kahit nanonood ka lang, you get to participate, e. Kasi sumasagot ka, at saka may multiple choice, e. Yun ang maganda roon, nakakapili ka roon, puwede kang tsumamba.

"And you as a viewer, you get to cheer the contestant. Hindi yung parang naglalaro lang sila doon at parang hindi ako kasali. And this time, meron pa kaming i-introduce na texting game also for the home viewers, in the episodes to come," pahayag ni Vic nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa presscon ng Who Wants To Be A Millionaire? na ginanap kahapon, May 14, sa Katre Restaurant, Dr. Lazcano St., Quezon City.

Base ang Who Wants To Be A Millionaire? sa original British format, kung saan maglalaban-laban ang mga contestants from all over the country para makaabot sa "hot seat," at doon magsisimula ang pag-akyat sa million-peso jackpot by answering 15 multiple choice questions correctly.

Kung noon ay isang milyong piso ang premyong ipinamimigay sa show, this time hanggang dalawang milyong piso ang handang ipamigay ng TV5 every episode. Katulad ng dati, nariyan pa rin ang tatlong "Lifelines" ng contestant, kung saan merong Ask The Audience, 50/50, at Phone a Friend options.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood ang Who Wants To Be A Millionaire? tuwing Sabado, 6 p.m., simula sa May 23 sa TV5.

Bukod sa paninibago sa hosting dahil first game show nga niya ito, ayon kay Vic ay naninibago rin siya sa pananamit dahil madalas na naka-amerikana siya or formal wear sa Who Wants To Be A Millionaire?.

"Pogi ako dito!" tawa niya. "Amerikana pa lang, ulam na. May stylist ako rito. Yung buhok ko, naka-wax. Nanibago rin ako. Siyempre sanay tayo sa casual. Just doing my thing in Eat Bulaga!.

"First game show ko ito, aside from the games na meron kami sa Bulaga. Plus the fact na I believe Who Wants To Be A Millionaire? started it all, e, dun sa new breed of game shows. Ito yung original na nagpamigay ng one million, e. Everybody followed. But of course, they always say na the original is always the best. It's still the best game show ever."

Aware ba siya na handpicked siya ng TV5 executives para maging host ng Who Wants To Be A Millionaire?

"Yes, I am," sagot niya. "I feel glad and I feel excited. I feel honored and flattered that na-offer sa akin ito. Not in my wildest dream na I would end up as a host of Who Wants To Be A Millionaire?."

BATTLE OF GAME SHOW HOSTS. Nagkausap ba sila ni Christopher de Leon, na unang nag-host ng Philippine version ng show?

"Hindi naman, kasi ito namang Who Wants To Be A Millionaire?, merong siyang bible that we have to follow technically. They have the camera shots. Naka-drawing na talaga yun, susundan mo na lang. Kung meron mang renovations si Direk Bert de Leon, kailangan i-approve pa rin ng mga British representatives, e. As much as possible, we have to follow the original format, the way the host will handle the game as a whole. Yung relationship sa contestants.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabalik tayo kay Boyet [Christopher]... Sabi ko nga, I was an avid viewer of the show. I was watching him before. And in fairness kay Boyet, he did a good job. Yun nga lang, magkaiba kami ng style. Mapapanood naman n'yo yung sinasabi kong pagkakaiba namin."

Handa na rin ba siyang makipagtagisan ng galing sa iba pang game show hosts at mabigyan ng award as Best Game Show Host?

"Meron bang ganun?" nakangiting sabi ni Vic. "Hindi ko nga alam na meron palang ganun, e. But whatever it is, hindi ko naman iniisip yung awards-awards. Basta ang iniisip ko, ang importante, we would be able to come up at par dun sa nakalagay sa bible. And I'm just proud and happy to tell you na we got very good feedback from the British representatives after the pilot taping last night [May 13]. Masaya, masaya sila."

Natatawa pang ikinuwento ni Vic na dahil avid viewer nga siya ng Who Wants To Be A Millionaire?, akala niya noong una ay madali lang i-host ito. Pero nang sumalang na siya sa rehearsals at first taping day, nalaman niya na mahirap palang gawin ang show.

"Noong unang in-offer sa akin ito, sabi ko nga kina Malou [Choa Fagar, Eat Bulaga! executive], sabi ko, 'Okay 'yan, gusto ko 'yan, kayang-kaya ko 'yan.' Nadinig ni Pareng Joey [de Leon], sabi niya, 'Oo nga, pare, paupo-upo ka lang dun, patanung-tanong ka lang.' Pero noong binabasa ko na yung mga dapat basahin, noong kausap ko na si Mr. Livingstone [British representative], 'Teka, parang hindi pala madali. Mahirap pala.'

"So, after quite a number of sit-downs and meetings, parang pre-production stuff, when I finally came to the studio to do rehearsals, with mock contestants, mock audience, dun ko naramdaman yung pressure. Naghalu-halo yung excitement, yung tension, na hindi pala ganun kasimple. It was quite complicated. Pero after last night [May 13], para kaming nabunutan ng tinik after getting positive feedback from the British representatives."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba umapela ang GMA-7 sa pagkakaroon mo ng game show sa TV5?

"Hindi naman. I don't have any contract with them naman," sagot niya.

Nag-alok din ba ang GMA-7 ng game show sa kanya?

"No comment," pag-iwas ni Vic.

GAME SHOW HOST OR CONTESTANT? Given a chance, gusto rin ba niyang maging contestant?

"Contestant? I'll be a good contestant, I think. Sayang, hindi lang ako naimbitahan noong una. Pero I think I'll be a nice contestant to deal with."

Kung magiging contestant siya, sino ang hihingan niya ng tulong sa Phone a Friend?

"Syempre si Pia [Guanio, Vic's girlfriend], maraming alam yun, e. She's a wide reader. Well-informed. Mas maraming alam sa akin yun," sabi ni Vic.

Pero ngayong na-experience na niya ang pagiging host ng show, ano kaya ang mas gugustuhin niya—ang maging host o maging contestant?

"Mas gusto kong maging host."

Dahil ba mas malaki ang talent fee?

"Hindi naman. Sabi ko nga sa iyo noong sumagot ako ng oo, hindi agad napag-usapan yung talent fee. It just came later na lang."

PIA GUANIO. Kung bibigyan siya ng chance na mamili, sino ang gusto niyang maging celebrity contestant?

"Siguro si Pia," sagot niya.

Kung maging contestant nga si Pia, sino sa kanilang dalawa ang mas kakabahan, sa tingin niya?

"Malamang ako. Baka sa unang tanong hindi makasagot, e!" biro ni Vic.

Sabat ng isang reporter, e, di i-coach niya si Pia.

"Hindi ka puwedeng magturo, e. Pero pag celebrity mas mabait ka dapat. Nandun din sa bible yun, e."

Ano ang reaksiyon ni Pia nang tanggapin ni Vic ang hosting job na ito?

"She was very happy and excited for me. At she's giving me all the support, moral support. Kasi napansin niya medyo natutulala ako bago kami nag-actual taping. Coming home from rehearsals, hindi ako matulog, e. Matulog man ako, nagigising ako nang maaga, parang gusto ko nang mag-taping. Teka, bukas na lang kaya. Ewan ko, but this time, I was really... na-tense ako talaga. I was nervous, parang tuyung-tuyo yung lalamunan ko when I was doing the opening spiels."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nadagdagan na naman ang pagkakaabalahan niya, may time pa ba siya para kay Pia?

"Hindi naman ako nagte-taping o nagsu-shooting ng 24 hours a day. Mga 12 hours lang, so may 12 hours pa kami."

Ano ang usual bonding moments nila ni Pia, kapag magkasama sila?

"Dinner lang or watch movies. Sa bahay, watch TV, TV series."

OYO SOTTO. Ano ang sabi ng anak niyang si Oyo? Winelcome ba siya nito sa TV5, especially since may regular show itong Midnight DJ sa network?

"Aba , yun ang isa sa mga emissary nila, e. E, hindi alam ni Oyo na sumagot na ako before he even talked to me. I remember na nag-uusap kami ni Malou ngayon, the following day, nakita ko si Oyo. Sabi niya, 'Dad, meron daw gustong kumuha sa iyo?' Sabi ko, 'Ano , 'yang Who Wants To Be A Millionaire?' 'Oo yun,' sabi niya. Sabi ko, 'Sumagot na ako.' 'Yun, okay yun. Magkasama tayo dun. Bagay na bagay sa iyo yun,'" natatawang salaysay pa ni Vic.

Ano ang comment niya sa lumabas na balitang ready na raw magpakasal si Oyo kay Kristine Hermosa?

"Aba , ewan ko, siya ang tanungin n'yo! Nasa sa kanya yun. Kahit sino, okay sa akin. Buhay niya yun, e."

E, siya naman, ready na ba siyang pakasalan si Pia?

"Yun ang hindi pa. Darating yun, darating yun."

Ano ang feeling na naging close sina Oyo at Kristine through his movie Enteng Kabisote?

"Okay lang. I have nothing against it. Wala namang problema yun. Pareho naman silang available. Asawa ko nga dati yun, e. Incest!" biro ni Vic. Sa Enteng Kabisote kasi ay mag-asawa ang role nina Vic at Kristine.

NOT A SPOILER GRANDFATHER.Last Mother's Day, binati rin ba niya ang anak niyang si Danica na may baby na rin?

"Oo, siyempre, lahat ng mothers binabati. Excited naman siya first time niya yun nag-Mother's Day, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakikipag-bonding din ba siya sa anak ni Danica?

"Oo, bumibisita sila sa bahay kapag weekends. Swimming sila doon."

Ini-spoil niya ba ang kanyang apo?

"Hindi, hindi ako spoiler, e. Kahit sa mga anak ko, hindi ako spoiler. Kapag may hiningi, ibigay. Pero hindi ako spoiler. Ang mabuti naman sa mga anak ko, hindi palahingi. Pag kinakailangan lang, that's the only time na lalapit sila. Mababait ang mga anak ko."

Ano ang tawag sa kanya ng kanyang apo?

"Tawag sa akin, 'Tatay'. Kasi ang tawag namin sa lolo namin noong araw, Tatay."

NEW MOVIE. Bukod sa bagong hosting job, magiging abala na rin si Vic sa paggawa ng bago niyang movie. Magpi-first shooting day na nga sa May 18 si Vic ng LOL (Love On Line), under his own M-Zet Productions. Magiging leading lady niya ang sikat na video jock at commercial model na si Paula Taylor.

"Noong binanggit nila sa akin si Paula, I agreed. Parang bago naman ito, new flavor," banggit ni Vic.

Magiging sidekick naman niya rito si Wally Bayola.

"Originally, it was Richie [D' Horsie], pero he's sick right now. Medyo na-stroke nang konti, e. Nung lumabas kasi [mula sa kulungan], namantikaan yung bituka, nanibago, ayun, nai-stroke yung kabayo! Pero he's okay now. Kaya si Wally ang kapalit niya."

How about si Jose Manalo, na lagi niyang sidekick before?

"Guest lang muna siya ni Wally!" patawa pa ni Vic. "Pero si Jose naman, hopefully, sa filmfest."

August ang target playdate ng LOL.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN