Sarah Geronimo endorses Unica Hija

Sarah Geronimo's wholesome image and bubbly personality make her a hit with the youth and a great asset to the clothing company.


Kaliwa't kanan ang mga endorsements ngayon ni Sarah Geronimo. Mapa-TV commercial, print ads at malalaking billboards sa EDSA ay laman ang mukha ni Sarah.

Para kay Sarah ay mahalaga ang bawat endorsement na kanyang ginagawa at produktong kanyang ginagamit dahil role model siya sa maraming kabataan ngayon. Kaya maingat din siya sa pagpili ng mga produkto kunsaan ikakabit ang kanyang pangalan.

"Hindi naman po kasi lahat ay puwede kong i-endorse nang basta-basta," ngiti ni Sarah. "May mga requirements din po kasi na kailangan. Hindi lang naman po kasi ako ang nagde-decide kundi maraming tao rin na nagpapatakbo ng career ko. Gustuhin ko man na mag-endorse ng ganitong product, pero may mga dapat akong sundin. Sa ikabubuti rin po kasi ng image ko iyon sa publiko."

Kaya naman maging sa image ni Sarah sa publiko in terms ng kanyang pananamit ay dumaan din ito sa masusing pagpili at pagbusisi. At ang nagwagi na makuha si Sarah bilang endorser ay ang Unica Hija.

Three years ang kontrata na pinirmahan ni Sarah para sa Unica Hija brand. Susuportahan nila ang bawat takbo ng career niya mula sa recording, TV appearances, movies at special events.

YOUTH IDOL. Bukod sa pagiging Box-Office Queen, concert artist at multiplatinum-selling recording artist si Sarah, ang nagustuhan ng LC Star Power Ventures, Inc. (ang may-ari ng Unica Hija) ay ang wholesome at masayahing personality ni Sarah, kaya maraming kabataan ang umiidolo sa kanya.

"Kung ano naman po ako noon, gano'n pa rin ako ngayon. Wala naman pong nagbago sa akin. Naging busy lang ako pero still, ako pa rin ang dating Sarah Geronimo na nakilala nila noong bata pa ako.

"Para sa akin, hindi ako dapat maiba ng anumang tinatamasa kong tagumpay ngayon. Parte ito ng buhay na bigay sa atin ng Diyos. May nagsabi nga sa akin na keep your feet on the ground. Kaya iyon ang ginagawa ko parati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat namang nangyayari sa akin, maganda man o hindi, lahat yan pinasasalamatan ko sa Diyos. Wish ko na gano'n ang gawin ng bawat kabataan ngayon."

Tampok si Sarah sa bagong koleksyon ngayon ng Unica Hija at makikita rin ito sa official website ng naturang clothing brand.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN